True colors

24 0 0
                                    

**

Nate.

Napangisi ako at nakapamulsang naglakad palayo sa kanila. Nakakatuwa talaga inisin si Hades, paano, masyadong madali mapikon.

Pansin ko rin na simula nung nagsama sila ni Ally, hindi ko na siya masyado makitaan na may kasamang iba't ibang babae. Syempre maliban na lang ron sa isang tukmol na si Kenny, mamamatay 'yon kapag naubusan ng babae.

"Nate? Why aren't you answering any of my calls or even my texts?" bungad sa'kin ni Cheska habang nakapila sa counter ng canteen.

"It's not my obligation to text or call you back, Cheska. Naging mag partner lang tayo for our group activity, nage expect ka bang may gusto ako sayo?" sagot ko sa kan'ya.


Kita ko naman na parang bigla siyang nahiya kaya agad siyang tumakbo palayo.

"What was that?" napatingin ako kay Aori kaya ngumiti ako sa kan'ya at inakbayan siya.

"Nothing." ngiting sagot ko.

Binili ko na rin siya ng makakain bago kami lumapit sa table nila Hades.


"Binu-bully niyo na naman ba si Ally?" pag singit ko sabay upo kasama si Aori.

Tumingin ako kay Ally pero hindi siya makatingin sa'kin, I wonder why?

"Shut up, Nate." si Hades.

"Hey Hadie, balita ko may girlfriend ka na ah. So, who's the lucky girl?" tanong ni Aori.

"You mean the unfortunate.." rinig kong bulong ni Ally, napatakip naman ako sa bibig ko dahil natawa ako sa kan'ya.

"Bakit ka natatawa ha, ungas?" si Hades.

Napailing ako at pigil tawang sumandal sa upuan. Bagay na bagay talaga sila e, para akong nanonood ng comedy romance na palabas. Yung tipong inis na inis sila sa isa't-isa pero ang sweet naman tingnan.




Kailangan kong pumusta kay Hades, na kapag nahulog siya kay Ally, ibibigay niya sa'kin yung limited edition niyang Centodieci.



-

After that lunch ay hinatid ko lang si Aori sa room floor niya. Dumiretso naman agad ako papunta sa room ko, pagpasok ko ay tumabi ako kina Hades at Kenny.

Nakahalumbaba si Kenny tapos si Hades nakatingalang nakapikit. Bakit pa kasi sila nag aral kung ayaw naman pala nila? Mga bopols rin mag isip 'tong mga kaibigan ko.

Napatingin sila sa'kin nang lumapit ako sa kanila. Ngumisi ako kay Hades tapos siniko ko siya.





"Ano bang problema mo Nathaniel?" iritable niya.






"Kung hindi lang kita kaibigan baka nasuntok ko na 'yang bunganga mo e."




Ayoko kasing tinatawag akong Nathaniel, pangalang sakristan kaya nakakarindi sa pandinig. Kung meron man akong pet peeve, yun ay ang tawagin ako sa buong pangalan.






"Bored kayo 'diba?"





"Oh, baket? Magpapa chongke ka?" excited na tanong ni Kenny.




Tarantado talaga e.




"Kung gusto mo mag adik, ikaw na lang. Idadamay mo pa ako." bara ko sa kan'ya.





"Hindi naman shabu ang chongke, Nate. Masyado kang oa, feeling ko talaga bakla ka e." sabay hawak pa nito sa baba niya na parang nagmamasid sa'kin. Gago pala siya e.





What's your deal Mr. Troublemaker? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon