Tinapos ko muna yung pagkain ko at hinugasan yung pinagkainan ko. Saan kaya yun pinaglihi yun at ganun ka tigas ang ulo. Hindi naman alcoholic si Tito at Tita. Nadali siguro yun sa barkada niyang may mga sapak sa utak kagaya nya. Di nagtagal dumating na rin si Tito.

"Handa ka na ba?" si Tito.

Tumango lang ako, si Tito na yung nagdala ng maleta ko. Hindi naman masyadong marami yung dinala kong damit kaya madali lang niyang nabuhat yun.

"Sumakay kana" sumakay na ako sa sasakyan.

Habang nasa byahe kami hindi ko maiwasang hindi maluha, agad ko namang pinunasan yung luha ko.

Binuksan ko yung bintana ng sasakyan. Napanganga ako ng pumasok kami sa isang malaking gate na may nakalagay pang Saldivar Compond. Siguro dito rin nakatira sila Sir Haisson.

Ilang sandali pa ay huminto kami sa harap ng napakalaking bahay. Sa madaling salita. Mansion. Grabe, ang yaman siguro ng may-ari nito.

"Andito na tayo" si Tito. Ngumiti lang ako. "Amiah, tandaan mo kung alam mong na a-agrabyado kana, magsabi sa amin ng tita mo"

"Ok po" sabi ko at lumabas. Parang mga royal blood yung nakatira dito ah. Sana all, mayaman.

Ibinaba naman ni Tito yung maleta ko "Ito na yung maleta mo, nadala mo na ba ang mga kailangan mo?"

Tumango ako "Opo"

Nanlaki yung mata ko nang lumabas si.. si Sir Haisson at Nurse Mera. Tang*na na this. Tumingin naman sila sa amin at nakangiting lumapit sa amin. This is so awkward. Napayuko nalang ako. Nakakahiya.

"She's Amiah, right?" si Nurse Mera.

Tumango naman Tito "Yes, she is" napatingin naman ako kay Sir Haisson. Blue eyes pala 'tong si Sir. Ang gwapo pala talaga niya and napaka-attractive ng blue eyes nya. "Anyway, I have to go" tumingin naman si tito sa akin.. "Magpakabait ka dito"

Napangiwi naman ako sa sinabi ni Tito. Ano ako bata para sabihan pa ng ganyan. Tsk.

Hinawakan naman ako ni Nurse Mera sa balikat.

"Let's in" si Nurse Mera. Tipid naman akong ngumiti. My ghad, napaka awkward talaga. Huhu. Pero In fairness, ang ganda ni Nurse Mera. Yung tipong mala-dyosa ang ganda.

Pagpasok ko palang sa loob namangha ako dahil sobrang ganda talaga. Para akong nasa bahay ng mga royal family "Come here, follow me" tumango ako at tipid na ngumiti. Umakyat kami patungong second floor.

Sa hindi ko inaasahan nakasalubong namin yung masungit na anak nila Nurse Mera at Sir Haisson. No other than kundi si Sylvan.

Matalim syang tumingin sa akin. Problema ba nito. "Mom, who's that fucking woman" malamig na sabi nya.

Nilapitan naman siya Nurse Mera at...

"What the, Mom! Enough!" gusto kong matawa ng malakas ng pingutin sya ni Nurse Mera.

"What did you say! Say it again!" galit na asik ni Nurse Mera sa anak.

"Mom, Let go of me" si Sylvan. Binitawan nga ni Nurse Mera ang tainga niya pero nakatikim naman ito ng malaks na batok.

"Tratuhin mo sya ng maayos, dahil hindi lang iyan ang makukuha mo sa akin." banta ni Nurse Mera sa kanya. "Hindi kita pinalaking ganyan kaya umayos ka."

Tumingin naman si Nurse Mera sa akin at ngumiti. "Pag pasensyahan muna yung anak ko iyon" tumango lang din ako. "Let's go"

Huminto kami sa iyang kwarto at binuksan iyon ni Nurse Mera, at pumasok kami sa loob. Ang ganda naman ng kwartong 'to ah. "This is your room"  nagulat naman ako sa sinabi ni Nurse Mera. "Anyway, bukas ko nalang sasabihin sa'yo kung ano yung trabaho mo dito. For now, just rest"

"Ok po, Thank you po" ako. Tumango lang sya at ngumiti saka lumabas at sinara yung pinto.

Naupo ako sa kama. Lambot ng kama ah. Swerte talaga ng mga anak nila Sir Haisson at Nurse Mera dahil may parents silang sobrang bait.

TADHANA NA ANG MAGHANAPWhere stories live. Discover now