CHAPTER 1

42 0 0
                                    

ESTELLE POV:

Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ako nagpuyat kagabi, kaya ayun tuloy bagang ang kinalabasan. Ang laki ng eyebags ko at kulang nalang maging red 'tong mata ko para magmukha na akong adik sa kanto. King*na. Gusto ko sanang umabsent pero may review pala kami ngayon for upcoming exam this Thursday and Friday. Monday na monday bagang pumasok.

"Apo, kumain kana!" tawag ni lolo.

Nang papasok na ako sa dining ng bigla akong nauntog sa pinto.

"Putang*na!" inis na sabi ko. Napahawak ako sa noo dahil sobrang sakit talaga. King*na naman oh! Ano bang kamalasan 'to! Bagang nga with matching bukol pa. Wala na nga'ng laman na alog pa. My poor brainless. Huhu.

"Apo, ayos ka lang ba?" nag-alalang tanong ni lolo at tango lang ang sagot ko. "Sigurado ka?"

"Opo" sagot ko. Napatingin ako sa wall-clock at putang*na, it's almost 7 o-clock na. Shuta! Binilisan ko ang pagkain ko ng biglang...

*HUUUKK*

Dali-daling kumuha si lolo ng tubig at ibinigay sa akin at agad ko naman ininom. Weew.. Muntik ko nang makita si San Pedro dun ah. Tang*na kasi! Malas talaga! Tanggap ko yung untog pero yung mamatay ako dahil sa bilaok, I will not accept that. Ayoko pang mamatay ng maaga noh, I want to continue enjoying my life.

"Apo, nguyain mo naman kasi yang pagkain mo" si lolo.

"Ninguya ko naman eh" nakangusong sabi ko.

"Nguyain mo kasi ng maayos, hindi yung isang nguya nilunok muna" si lolo. Napakamot nalang ako ng ulo "Ang tigas kasi ng ulo mo eh"

Taka naman akong napatingin kay lolo. Anong connection dun sa matigas ang ulo sa nabilaukan?. Hayst. Weird talaga.

"Alis na po ako, Lo" sabi ko at lumabas na ako sa dining. "Lo, doon na ako bibili ng lunch!"

Sana naman maka-abot pa ako. Letse, bakit walang tricycle o jeep ang dumadaan?. Piste! late na ako eh! Nakakainis! Saka lang dumadaan pag hindi kailangan. Nakakaputang*na!!.

Di nagtagal may humintong naka-ducati sa harapan ko. Sino naman 'to?.

"Bestfriend, angkas na, late na tayo" sabi nya, at tinanggal nya ang yung helmet nya.

"Kayson?" gulat na sabi ko. King*na, akala ko naman kung sino. Iba kasi ang datingan tapos iba na rin yung motor nya. Sana all mayaman.

"Suotin mo" inabot nya sa akin yung helmet nya.

"Wag na, ikaw na mag-suot nyan, ikaw driver eh" sagot ko. Napabuntong-hininga sya at walang pasabing isinuot sa akin yung helmet.

"When I tell you to wear it, wear it, okay" sabi nya at napatango nalang ako. Hindi ba nya iniisip na kapag mabangga kami may posibility pang tumilapon ako at mabuhay at sya atomatic deads. Pero wag naman sana kaming mabangga.. "Angkas na" nang naka-angkas na ako, umalis na kami. "You're okay there? Hold on to me tightly"

Sumunod nalang ako sa kanya at hinigpitan ko yung kapit ko sa kanya kasi parang feel nya yata siyam yung buhay nya sa sobrang bilis nyang magmaneho ng motor.

Hindi ko namalayaan na nasa loob na pala kami ng campus. Bumaba na ako at ibinalik sa kanya yung helmet.

"I'm sorry, we're running late, kaya binilisan ko yung pagmamaneho. You're okay?" paliwanag nya.
He probably thought that I would get mad. Ang kapal naman ng mukha ko kung magalit ako sa kanya, ako na nga yung pinaangkas ako pa yung mamagalit. O.A lang pang ganun. Pero parang lumabas talaga yung kaluluwa ko sa sobrang bilis nyang magmaneho. But, it's okay, atleast naka-save ako. Hehe.

"Ok lang, Salamat" nakangiting sabi ko.

"Let's go" nakangiti na ring sabi nya. Weeww.. Sana all, ginantimpalaan ng ka-gwapuhan. Anyway, classmate pala kami nitong si tipaklong na'to. Kung nagtaka kayo bakit tipaklong tawag ko sa kanya. Wala lang, trip ko lang syang tawaging ganyan. Napatingin sya sa wrist clock nya.

"Shit, we're 10 minutes late" si Kayson. Napatingin naman rin ako sa wrist clock. Shuta, mapapagalitan kami nito ngayon ni Miss Zaragosa. Napaka-strict pa naman yun, and she really hate latecomers.

"Saldivar and Conception, don't you remember what I told you before? If you're going to be late, it's better not to come into my class!" galit na saad ni Maam Zaragosa. Napayuko nalang ako, dahil lahat ng classmate namin nakatingin sa amin. Kahihiyan to the max.

"Ma'am, nasa kabilang section yung principal" si Kayson. Napatingin naman ako kay Kayson na serysong nakatingin kay Ma'am. Bumaling yung tingin ko kay Ma'am Zaragosa na para yatang kinabahan. Mabait kasi yung principal namin, wala syang pakialam sa late basta pumasok lang, okay na. She told that on the first day of school. At talagang ginamit ni kayson si Mrs. Principal na pananot kay Ma'am Zaragosa. Hahah..

"Pumasok na kayong dalawa" si Ma'am Zaragosa.

"Let's go in" bumulong si Kayson sa akin at hinila ako papasok ng room. Abnormal talaga. Naupo na ako sa upuan ko.

"Bakit naman kasi late kayo pumasok?" bulong ni Amersa.

"Late na akong nagising eh" sagot ko. Tumango lang sya.

"Estelle, questionaire mo" si Zahira at inabot sa akin yung questionaire. What the, 70 items pa talaga. Kinuha ko na yung ballpen ko sa bag at nagpatanto kong wala pala akong papel.

"Jerianna, pahinging papel" bulong ko sa kanya. "Salamat" buti nalang may donor ng papel. Piste, number 1 palang sumakit na ulo ko.

"5 minutes left" si Ma'am Zaragosa. Shit, 5 minutes nalang. Bahala na'to. Sagutan ko nalang 'to kahit mali. Buti nalang at multiple choice. Maniniwala nalang ako nito sa chamba. Tang*na. "Pass all your paper in front" Weew, buti nalang at natapos pero I swear yung score ko will ruin my future. Huhu.

"How did you finish that so easily?" si Mizia.

"Minagic ko, kaya alam ko chamba nalang ko may score ako dun" sagot ko.

"Get one and pass, no one will get their own paper, whoever I catch cheating, Your score will be zero immediately." si Ma'am. "May papel na ba lahat?"

"Yes ma'am" sagot namin. Jusko, kahit 10 lang, tatangapin ko, wag lang sana zero, nakakahiya.

TADHANA NA ANG MAGHANAPDonde viven las historias. Descúbrelo ahora