Napaupo siya tapos napahawak sa binti niya. Lumapit naman ako sakanya, kita ko sa itsura niyang nasaktan talaga siya. Pumipikit pikit pa e tapos mura ng mura.




"S-Sorry! Bakit ba kasi ayaw mo bumitaw?" kaasar naman oh. Hindi ko naman sinasadya e, huhu.




"Psh. Napaka stupid mo talaga e!" sorry naman kasi.



Dumating si Nate.




"Ano bang nangyayari dito?" agad naman siyang lumapit sa'min.




Inalalayan naming dalawa si Hades. Napansin ko na sumunod sa kanya yung babaeng kayakapan niya kanina.



"Ito kasing stupidong babae na 'to." huhu, hindi ko nga sinasadya e.




"Bumalik ka na sa room mo Aori, susunod nalang ako." sabi ni Nate ron sa babae. Aori pala ang pangalan niya. Tumango naman yung babae.




"Okay, get well soon Hades." sabay naglakad na siya palayo sa'min.



Kilala niya si Hades?



Dinala lang namin si Hades sa clinic. Ayan, ang arte pa kasi e. Ayaw pa sa clinic pumunta kanina, ayan tuloy, natuluyan. Aish! Napakagat labi nalang ako sa mga nangyayari. Patay talaga ako nito e, pero kasi. Kung bumitaw siya kanina edi hindi nangyari 'to huhu!






Nag assist lang nang first aid para sa sprain ankle niya. Nililikot ko yung mga daliri ko habang nakaupo. Si Nate naman umaalalay kay Hades.



Hindi tuloy kami nakapasok sa class dahil sa nangyari. Tapos rinig kong nagwawala si Hades.



"Gusto kong umuwi!"



"Asan ba yung stupido na 'yon? Kasalanan niya 'to e!" napalunok ako.



Amp, anong gagawin ko? Huhu.




Bigla naman akong tinawag ni Nate kaya lumapit ako kay Hades. Nakakatakot siyang lapitan, parang anytime masasapak niya ako. Huhu!





Masama lang yung tingin niya sa'kin habang dumadaing. Hmp!


"S-sorry talaga!"



"If you weren't just so dumb and clumsy- Shit. Gusto kong umuwi!" paglalaban niya.


"Parating na raw si kuya Toni, kumalma ka nga Hades." parang naiirita na si Nate. Paano kasi napaka ingay, parang bata na tutuliin. Hmp!

"Arrgghh!" napasalampak nalang si Hades sa unan sabay inuntog niya ng paulit ulit yung ulo niya sa unan dahil sa sakit.



Napahimas nalang si Nate ng noo. Tumingin siya sa'kin. Bumilis yung tibok ng puso, alam kong mali pero hindi ko naman control ang puso ko.



"Ally, ano bang nangyari kanina?" hala, hindi ko naman pwedeng sabihin na ini stalk ko sila kanina ng girlfriend niya. Baka ma weirduhan siya sa'kin.



"Kung hindi lang sana chismosa sa in-" pinutol ko agad yung pag sabat ni Hades. Siraulo talaga siya!



"Ah ano kasi, naga away kasi kami tapos natumba, k-kaya ayon. Oo tama." kinakabahan ko pang sabi.


Tumango nalang si Nate tapos lumapit kay Hades.



"Paano, Hades? Maiwan ka na namin ni Ally. Nariyan na si kuya Toni, nag text siya na papasok na siya." si Nate.



"Umalis ka na, maiiwan si chipipay." ha? Sira ba siya?




"Teka! May class pa ako, 'saka marami kayong katulong sa bahay! Kahit nga magpa admit ka sa ospital kayang kaya mo e." totoo naman kasi, sisiw lang sa 'kanya yung pangpa ospital.




Tinaasan niya ako ng kilay. "This is all your fault, remember? Ikaw ang dapat maghirap, babaeng aso. Tsaka kung umasta ka parang ayaw mo akong makasama. Huwag ka na magpanggap, alam ko namang gusto mong makaisa sa'kin." at nagawa pa niyang ngumisi.



"Alam mo, hindi paa mo ang may diperensya e, yung utak mo talaga ang may sakit. Ipatingin na natin yan ha." sagot ko.



Narinig ko namang natawa si Nate.



"You know what, Ally? Kakaiba ka talaga e."



Bago pa sumagot si Hades, biglang pumasok si kuya Toni. Inalalayan lang nina Nate at kuya Toni papunta sa parking lot. Inalok siya nang wheelchair kaso ayaw niya, kesyo hindi raw siya lumpo. Napakaraming arte talaga.



"Get in."


"Kailangan ko pa ngang puma-" naputol yung sasabihin ko nang tinitigan niya ako ng seryoso.


"Huwag mong hintayin na hilahin kita papasok." may authority niya pang sabi. Hays! Wala na akong choice at pumasok sa backseat.



Nagpaalam lang si Nate tapos nag umpisa na mag maneho si kuya Toni. Tahimik lang kami at hindi nagpapansinan. Mas gusto ko yung ganoon, payapa ang buhay ko.



Maya maya pa ay nakarating na kami sa mansion nila. Tumulong akong umalalay sa'kanya papasok sa kwarto niya. Hiniga lang namin siya tapos nagpaalam na lumabas si kuya Toni.



Tumingin siya sa'kin gamit ang blangkong expression.



"You just got yourself a two strikes. Akala mo yata kahit babae ka, pagbibigyan na kita." napalunok ako nang magsalita siya.



"But for now, kailangan alagaan mo ako hanggang gumaling ako. Hindi ka muna papasok." kunot noo naman akong tumingin sa'kanya, yung mata niya blangko pa rin na parang wala siyang sprain. Arte lang ba 'yon?



"Hoy teka naman! Istudyante ako, hindi katulong! Pwede naman kita alagaan after ng class sa school ah!" reklamo ko. Hindi naman kasi pwede yung gusto niya.



"Stupid, hindi mo ba natatandaan yung mga sinabi ko kanina? You have to follow everthing I say. EVERYTHING." diin niya pa sa dulo.




Ano ba naman klaseng buhay 'to! Bakit sa dinami rami, ako pa talaga ang napiling pahirapan? Gusto ko lang naman mag aral at nakapagtapos ng college para matupad yung mga pangarap ni mama para sa'kin. Mahirap ba 'yon?





What's your deal Mr. Troublemaker? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon