Chapter 1

8 1 0
                                    

THIS NIGHT IS OURS
—CHAPTER 1—

"Okay ka lang ba? Namamaga mata mo, ate girl,"

"Okay lang ako, Leyna," sabi ko nalang at binigyan siya ng ngiti. Kumunot ang noo niya tapos tinaasan ako ng kilay.

"Umiyak ka magdamag 'no? Hindi naman mamamaga ng ganyan mata mo kung hindi."

I just shrugged and chose not to say anything. Problema ko naman ito e', hindi na siya kailangang malaman. Alam kong kahit may topak itong si Lalaina, may problema rin siya na hindi niya sinasabi sa akin. Okay lang naman ang ganoon. As long as she's fine.

I wasn't fine myself either. Since last week pa ako umiiyak at umiyak din ako kagabi sa parents ko nang sabihin ko na sa kanila ang mga grades ko. Though, their response caught me off guard. I didn't expect it from them.

[Okay lang 'yan, Nak. Nag a-adjust ka pa sa bago mong school. Proud pa rin si Daddy sayo] Iyon ang sabi ni Daddy habang ka-video call namin siya.

"Masyado mong pini-pressure ang sarili mo, Chi. Relax lang." sagot naman ni Mommy at niyakap ako.

I cried so hard while hugging her last night. Hindi ko in-expect na ganoon ang reaction nila. Akala ko madi-disappoint sila at magagalit sa akin. Akala ko itatakwil na nila ako bilang anak. Pero nagkamali ako.

I'm so lucky to have them as my parents.

Pero kahit na ganoon ang sabi nila, hindi ko pa rin maiwasang umiyak at sisihin ang sarili ko. My parents never really pressured me to do well in academics, I was the one forcing and pressuring myself to. Kasi wala e', doon lang ako magaling. Wala akong talent at hindi rin ako sporty na tao. Sa acads lang talaga ako kilala at napupuri. Kaya grabe 'yong disappointment ko sa sarili ko ngayon. Ang tanga lang na doon na nga lang ako magaling, pumalpak pa. It's so frustrating!

"Hay, kapagod! Kakasimula palang ng second quarter pero mukhang madugong labanan na naman ito!" reklamo ni Leyna matapos ang last period namin.

Totoo naman kasi. Grabe na agad iyong activities na binigay nila. Kada subject ata ay may isa hanggang tatlong activities na ang deadline ay within this week na.

Parang gusto ko nalang mamatay.

"Gusto ko nang lumandi! Mas sisipagin siguro ako kung may boyfriend akong chinito na matangkad na mayaman at matalino na tuturuan ako sa acads,"

Natawa ako sa sinabi ni Leyna habang inaayos ang bag ko. Eto na naman siya.

"Beshy, sa bahay nila Sammie raw tayo gagawa ng sa EarthSci," Leyna told me. Tumango naman ako at kinuha na ang bag ko para makaalis na kami.

"Sam, tara na ba? Lalandi pa ako mamaya kaya bilisan na natin!" Hinatak na ni Leyna si Sammie na nagwawalis dahil cleaners siya.

"Hoy, bawal tumakas!" sigaw ni Jadiel, kaklase namin na lalaki. "Isusumbong ko kayo kay Madam! Mga mandurugas!"

"Ingay mo, bugok! Tara na!" Mabilis na tumakbo si Leyna habang hatak-hatak kami ni Sammie. Mabilis kaming bumaba ng hagdan at lumabas ng gate. Naroon na ang sundo ni Sammie at sumakay na kami sa kotse nila papunta sa kanilang bahay.

*****

"Grabe, ang gara! Prinsesa ka ba Sam o anak ng mafia boss?" Leyna said while staring at Sammie's house.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

This Night Is Ours (Science High Series #1)Where stories live. Discover now