Simula

8 1 0
                                    

THE NIGHT IS OURS
—Simula—

"Hindi pa nagsisimula exams, patay na agad ako."

Sabay kaming natawa ng kaibigan kong si Leyna dahil sa sinabi niya. Nandito kami sa isang coffee shop malapit sa school— nag-aaral para sa periodical exam namin na bukas na gaganapin.

"Ipagdasal nalang natin 'yan kay Lord." sabi ko.

"Amen."

Sunday ngayon at kanina pa kaming umaga nandito sa coffee shop. Marami kasing need aralin. Leche, hindi na 'to kinakaya ng stock knowledge lang! Sobrang daming topics at lessons na kailangan i-memorize! Feel ko pasan-pasan ko na ang buong mundo sa dami nang binabasa ko ngayon. I feel like na-information overload na ang utak ko!

"Tangina?!!" halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumigaw ng malakas ni Leyna. Napatinggin tuloy sa amin ang mga tao sa coffee shop. I just smiled apologically. Nakakahiya talaga 'to si Leyna kasama!

"Tangina! What the fuck! Punyemas! Hayop! Depota! Gago, Yaw—"

"Hoy, bakit ba kasi?!"

Mabilis niyang hinarap sa akin ang laptop niya. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita iyong exam schedule namin na ngayon lang tig-anounce ng school.

7:30AM— Pre-Calculus
8:30AM— General Chemistry I

What the hell.

"Ugh, nakakainis! Bakit magkasunod 'yung dalawang subject na sobrang bobo ko?! Tapos first subject pa ang Pre-Cal?! Mga hibang ba sila?! Ano 'yun, breakfast natin Calculus?! Punyemas!" pagra-rant ni Leyna na hindi ko na sinaway kasi maging ako nagpapanic na.

I'm literally screaming inside my head. Grabe naman yung schedule ng exam! Parang ayaw na kami paabutin sa second sem e'!

I quickly grabbed my reviewers and jotted down some notes. Hindi naman kasi ako pumunta rito para mag-review talaga. Sinamahan ko lang naman si Leyna. Confident naman kasi ako sa utak ko. Ever since I was a kid, achiever na talaga ako. I received numerous awards and merits from my elementary and junior high school years. I also graduated as Valedictorian in our batch.

Noong elementary at junior high ay wala talaga akong study habit. Ang alam ko lang ay magaling akong magmemorize. I can recite a whole page or a whole book basta nabasa ko ito at nadaanan ng mga mata ko. Ewan, nakikita ko nalang sa utak ko iyon na parang picture.

Matalino ako pero kahinaan ko talaga ang numbers.

Kaya sobra akong nagpapanic ngayon nang malaman na first subject namin ang Pre-Calculus at Chemistry ang kasunod. My weakness for real!

Alas otso na ng gabi nang matapos kaming magreview. Hinatid ako nina Leyna pauwi.  Wala kaming sasakyan dahil sa isla ako lumaki. Hindi rin naman kasi sobrang yaman ng pamilya ko, pero hindi rin naman sobrang hirap. My parents can provide my daily needs.

"Nandito na po ako." sabi ko pagkapasok ng bahay. Naabutan kong naghuhugas na si Mommy.

"Oh, Chelseah. Anong oras na't ginabi ka, anak?"

"Sorry po, Mi, hindi na naman ako nakasabay sa dinner." I gave her an apologetic smile.

Palagi kasi kaming sabay-sabay kumain ng family ko. Ngayong senior high na ako ay bibihira nalang akong makasabay sa kanila dahil minsan late na ako umuuwi at madalas naman sobrang busy kaya late na ako nakakakain.

This Night Is Ours (Science High Series #1)Where stories live. Discover now