nangayon lang ako nalapitan ng lalaki ng ganitong kalapit!!! Kung may ipupula pa ako siguro.. ganun na ang kulay ko!!

"alam mo gustong-gusto ko talaga tingnan ang mata mo ng malapitan.."

dub..dub..

at bago pa ako mawala sa wisyo..at matunaw..

"ttta-tara na!!" tumayo na ako at iniwan xa..

ano ba itong nararamdaman ko??

Ayaw ko ng ganito..pwede ba....

Mas malala ito sa reaksyon ko kay Rye..

Kay Rye..

yan nalungkot na naman ako..

"ui.."

"ay..Kalabaw!!ano ka ba naman Kwago!!aatakihin ako sa puso sa'yo!!"

"ang lalim kasi ng iniisip mo"

"wala'to.."

"sinabi mo eh..alam mo..ibang klase ka talaga mamula"

napatigil ako sa paglalakad..

"tar*nt*do ka!! Ikaw ba naman ang lapitan ng ganun..hindi ka ba naman.. mag-..mag..mamula!!!" wheeew.. hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba yun o hindi..

at sa hitsura ngayon ng Kwago.. isang kwagong kung makangiti ay ewan..

huhu..sana hindi ko na pala sinabi..

"naks!!kaya bagay sayo ang tomato eh.. para kang kamatis kung mamula!!!"

"che!!"

"ui..napipikon si tomato.."

"tomato your face!!ano ba kasi ang bibilhin mo?"

"ah..eh..basta!!"

"pwede ba yun??" kamusta naman itong lalaking ito.. sabog ata..

"oo..maalam ka pa"

"oo na..dali na at makauwi na ako.."

naglakad kami ng naglakad.. nayayamot na nga ako..hindi dahil pagod ako..kundi dahil sa mga malalagkit na tingin ng mga babae sa katabi ko..

"oh..bakit parang biyernes-santo yang mukha mo?"

"paano ba naman..tingnan mo yan..yan ..yan.. at yan" pinagtuturo ko yung mga impakta na kung makatingin ay akala mo aso sila at ulam itong kasama ko..

tiningnan nya ang mga babaeng tinuro ko..kinawayan pa nga xa nung iba..

"o ano naman?"

"kung makatingin sa'yo para kang lechong kwago!"

at tumawa xa..

"anong nakakatawa???aber???"

"alam mo..hindi ko alam na possessive ka pala. ayos lang. gusto ko yan"

at bago pa ako maka-react ng matino..

hinawakan nya ang kamay ko..

in short..

HHWW.. HOLDING HANDS WHILE WALKING ang drama namin!!

Dub..dub..

Dub..dub..

Eto na naman tayo..

Oo.. aaminin ko..gusto ko ang ginagawa nya..I mean..ibang klase xa magpakilig di ba??? Sumasang-ayon naman kayo di ba?? At OO inaamin ko..KINIKILIG talaga ako.. yan ha?? Inamin ko..kinikilig ako..kaso hindi ko alam kung bakit..hehe

Ilang minuto pa naglakad kami ng naglakad.. HHWW pa rin.. ayos lang..buti nga hindi ako pasmado..

"sandali nga.."

Imperfectly in Love (Complete)Where stories live. Discover now