Chapter 27

4K 92 0
                                    

Chapter 27

Naglakad na ako papunta sa classroom ko..pinunasan ko ang mga mata ko.. hindi nila dapat makitang umiiyak ako.. minsan lang ako umiyak sa harap ng mga kaklase ko.. hindi.. hindi ako iiyak ulit sa harapan nila..

Nakarating ako sa room namin.. at saktong bell na..cool.. lalo akong walang naintindihan sa calculus.. nakasalubong ko ang prof ko sa may pintuan..tinanong nya kung ayos lang daw ang kwago..tumango na lang ako.. hindi ko kasi sigurado kung maitatago ng boses ko ang pag-iyak ko.. dumeretso na ako sa room at kinuha ang bag ko..

"ui.." si Jhas..

tiningnan ko lang xa..

"sabay na tayo.." sabi nya..

tumango na lang ako uli..

nakasakay na kami ng jeep.. wala ako sa mood makipagdaldalan..

"ayos ka lang?"

tumango lang ako..

"nag-away kayo ni Aidan no?"

tumingin lang ako sa labas..

"gusto mo ikwento kung bakit?"

umiling ako..

"ayos lang kung ayaw mo.. pero kung willing ka na..andito lang ako.."

"salamat.."

nakauwi ako ng bahay ng di ko namamalayan.. tulala ako eh..

at hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit ako ganito..

dahil ba sa mga masasakit na sinabi nya tulad daw nung mababa ako?

O dahil sa..

Hindi nya ako magugustuhan..?

Pak! Mental slap!!

G*ga!!!ano ba yang pinag-iisip mo??

Tandaan mo..

Ang magkagusto sa isa ay nagkakahulugang..

Game over.. natalo ka..

Imposible..

Imposible nga ba??

GOD!!! Bakit??? Pasakit ito sa ulo..

Tandaan mo..pinagsalitaan ka nya ng masakit..tinawag ka pa nyang mababa..

Tapos may ganyan kang feelings for him..?

Hahahahaha.. naloloka na ako..

O_O

Sandali..

Sinabi ko bang..

FEELINGS FOR HIM???

OH MY...

Sabado na ngayon.. PE class .. nasa parang gym kami..nag-aarnis..

Masakit ang ulo ko..

At inaantok ako..

Napuyat kasi ako kagabi..

Buti na nga lang at walang practical.. wala kasi yung prof namin.. biglang lumabas nagka-emergency meeting daw.. badtrip nga..hindi pa kami pauwiin..

Nakasandal ako sa wall..antok na antok..kung pwede lang humiga..nagawa ko na..

"Iexsha" si Kristel..

"bakit?" sinabi ko habang nakapikit pa rin..

"magkaaway kayo no?"

"nino?" kahit alam ko na sa sarili ko na si kwago yung tinutukoy niya..

"ni Aidan"

"oo" straight to the point na.. ayaw ko ng umever pa..

"bakit?"

umiling ako.. hindi na nila kailangan pang malaman..

"alam mo bang nag-aalala kami sa'yo?"

tiningnan ko na xa nun..

"hindi ka na kasi nag-sheshare.."

ningitian ko lang xa..

"kaya ko pa.."

"tingnan mo sila.." tinuro nya yung mga kabarkada ko..

aba..susyalan..lahat sila nagkumpulan..

"lahat sila gusto kang damayan"

pinapunta ko sila sa pwesto namin..

"group hug nga" sabi ko..

at nag-group hug na kami..

"sige..iiyak mo lang..alam naming na nag-aaway kayo.."

hindi ko pala alam na umiiyak na pala ako..

"paxenxa na kayo ha? At napagdramahan ko pa kayo.."

"sus..wala yun..di ba girls?" sabi ni marriel..

"NAMAN!!!"

dumating na yung prof namin at nagklase na ulit kami..

sa isip ko..

eh ano naman kung yung kwago ay ang tingin sa akin eh mababa?

May mga kaibigan naman akong..

Itinataas ako..

Ilang minuto pa..natapos ang klase namin..

"anung gagawin nyo na?" si denise.. palabas na kami sa gym..

" gagala" si ezelle.. syempre..kasama ang bf nya..

"uuwi na rin ako" si marriel..

nasa labas na kami ng gym..

"ako? Uuwi na at tutulog.." antok na antok pa rin ako..as in.. naghihikab pa nga ako..

"mukhang hindi ata matutuloy yang plano mo.." si Lhen

"huh?"

ninguso nya yung isang room na malapit na sa amin..

O_O

O_O

O_O

"ANONG GINAGAWA MO DITO???"

#}

Imperfectly in Love (Complete)Where stories live. Discover now