Chapter 15

6K 127 4
                                    

Chapter 15

Hindi ko alam kung malas lang talaga ako o malas talaga.

Wala ng panahon pa, tinakpan ko ang mukha ko ng libro.

"Uhm, thanks."

Sabay takbo. Hindi ko rin alam kung bakit pa ako nagtakip ng mukha eh obvious naman na nakita na niya ako.

BAKIT BA SA LAHAT NG TAONG MAKAKAKITA NG KALAMPAHAN KO AY SI AIDAN GENESIS HAZUELL PA?!

Bwisit ka Shiloh! Kasalanan mo ito!

Kung kailan umiiwas nga ako dun sa tao. Kasi nga alam niyo na. Ouch pa rin yung mga sinabi niya. Hay! Kasalanan talaga ng baklang ito ang lahat. 'Yun nga, dumerecho na ako sa classroom ng bakla at inexcuse siya.

Paglabas niya.

PAK!

"Aray ko naman Sha. Bakit mo naman ako hinampas niyang makapal na librong 'yan?"

 

"Kasi ikaw!"

 

"Oh, anong ako?"

 

"Natapilok ako ng dahil sa libro mo!"

 

"Eh bakit? Nilagay mo ba yang libro sa paa mo?"

 

PAK!

 

"OH! Ano na naman?"

 

"Pilosopo ka! Hindi ka man lang concern kung ako eh nabalian ba o ano."

 

"Bakit?" Tiningnan ako mula ulo hanggang paa, "Wala ka naming damage ah."

 

"Natural! May sumambot sa akin eh." Amp! Napasimangot na naman ako.

"Ayaw mo no'n may hero ka?!"

 

"Hero-in mo ang face mo."

 

"Bakit ka ba nakasimangot dyan?"

 

"Kasi naman si Aidan yung nakasambot sa akin!"

 

Aba, pagkasabi ko ng pangalang Aidan biglang may mga lumitaw na stars sa mata ng bakla!

PAK!

"Aray ko Shi. Bakit ka gumanti?"

 

"MALANDI KA!"

 

"BRU-" Sandali. Sandal nga! "BAKLA KA! TYPE MO YUNG KWAGONG 'YON!"

Imperfectly in Love (Complete)Where stories live. Discover now