Chapter 25

4.9K 113 0
                                    

Chapter 25

Josku.. first day pa lang ng pagkukunwari ever namin..naloloka na ako.. imagine nyo.. bawat estudyante tumitingin sakin.. uhmm..sa roses ko palang hawak at sa katabi kong naglalakad (na si Aidan).. oo alam ko yung tingin nila.. lalo na nung mga babae.. yun bang tingin na nagsasabi na.."woah..ano kayang gayuma ang pinainom nya sa gwapong lalaking kasama nya at xa pa ang nilagawan..effective ha?".. kung ginayuma ko lang talaga ang lalaking ito..

E di ayos..

Ooppss.. kung ano ang nasa isip nyo.. hindi yun yun.. ang ibig kong sabihin ay.. e di ayos kasi mas mabait di hamak itong si kwago kung ginayuma ko xa..

Fast forward natin ha? Ayaw kong alalahanin ang accounting.. kasi inintriga lang naman ako ng prof ko..hehe.. at yun nga.. dahil sa akin.. nagkwento na ng kung anu-ano ang prof namin..hehehe

Nasa tambayan ako ngayon.. hinihintay ang ever friendship na baklita kong friend..

Sound trip mode..hehe..

Alin ba ang usual kong pinakikinggan?? Iba't iba..hmmm.. basta maganda yung kanta.. pero more on alternative rock ako.. o kaya pop.. depende.. fave bands ko? SECONDHAND SERENADE!!!!C'MON!!!!hehe..fave ko silang band.. astig kasi sila!! Green day din..mahal ko yung song nilang '21 guns'.. red jumpsuit apparatus din..gusto ko..lalo na yung first single nilang sumikat sa pinas.. yung 'your guardian angel'.. sa solo artists naman.. AVRIL LAVIGNE!!!(di naman obvious di ba?hehe)..well.. sabi nila emo daw ako.. hindi no!!ummm..ganun lang talaga yung preferred kong music.. di kasi ako masyadong girly..haha..atsaka..kinalimutan ko na yung mga dati kong music..

Ang dating music ng buhay ko..

Ngayon..hehe..K-POP ang gusto ko!!!!hahahaha.. I want nobody nobody but you!!!hehe

Bakit ko ba ito kinukwento??? Wala lang..hehe..ang tagal kasi ni Shiloh..

Sasabihin ko sa kanya yung usapan naming ni Aidan..

Wala naman sinabi ang kwago na hindi ko pwedeng ipagkalat este sabihin pala sa ever dearest bestfriend kong baklita na si Shiloh..

"hoy"

"ay kamoteng bakla!!!leche ka Shiloh!!aatakihin ako sa puso eh!!"

"kung ikaw aatakihin..ako durog na ang puso"

ala..nagdrama na ang bakla!!!

"Shi-"

"BAT DI MO SINABI SA AKIN NA NILILIGAWAN KA NI AIDAN?"

"haller..kanina lang kaya-" sigawan ba naman ako???baklita talaga

"AKALA KO BA AYAW MO SA KANYA??? BAKIT KA NAGPALIGAW??"

"ayaw ko naman talaga sa kanya ah.."

"AYAW???AYAW?? E BAKIT HAWAK MO PA RIN YANG ROSES KUNG AYAW MO??"

"e sayang eh.."

"MANG-AAGAW KA!!!"

napuno na ako..aba.. OA na ang baklang ito ah..

tumayo na ako..

"HOY!!!!SHILOH CHRISTIAN VERRANO!!!MAKINIG KA MUNA SA"KIN!!!!"

napatigil ang bakla.. alam nya kasi na kapag mataas na ang tono ng pagsasalita ko. pikon na ako..

"fine..explain"

good.. akala ko eh kailangan ko pang mangatay ng bakla..

"ganito ha? Ang lahat ay isang palabas lang.."

"huh?"

"narinig mo naman ako di ba? fake ang lahat.."

"fake-"

"pwede bang mamaya muna ang mga violent reaction mo"

"k"

ayun nga kinuwento ko ang lahat..xempre excemption yung mga top secrets ko..ayaw ko pa rin malaman ni Shiloh ang mga katangahan ko.. sinabi ko lang ay yung sa calculus..pati na rin yung kay Sydney..

"grabe ka..ibig mong sabihin ginawa mo itong kalukahan mo for the sake of calculus?"

"yup.."

"pwede ka namang magpaturo sa akin"

pak!

Binatukan ko nga "alam naman nating parehas na isa sa common denominator natin ay.. parehas tayo bulok sa math..tapos sa'yo pa ako magpapaturo???kawawa naman ang life ko"

"kung sabagay..pero-"

"ano ka ba..walang mangyayaring masama"

"paano kung ma-inlove ka sa kanya?"

ano daw??? Ako?? Maiinlove sa kwago??hahaha..patola ba ito!!

"hahahaha..ano ako ulol??never no!!"

"alam mo..nung Makita ko talaga na binigay nya yung roses sa'yo..hindi ko naintindihan..pero parang nadurog yung puso ko"

alah..seryoso na ang bakla kay Aidan..

"hahahaha..adik ka..seryoso ka na ba talaga sa pagkakagusto mo kay kwago??"

tawa ako ng tawa.. kaso nung Makita kong seryoso si Shiloh..tumigil na ako..

"Sha..may ipangako ka sa akin"

"ano yun?"

"pwede bang-"

"pwedeng ano?"

nung sasabihin nya sa akin.. bigla ba namang may nalaglag na niyog sa tabi namin!!!

"AY KALABAW!!!"

kamusta naman yun???buti na lang at hindi ako natamaan..kundi kawawa ako..

"ano nga ulit?"

"wala..buti hindi ka tinamaan ng niyog..tara na at ihahatid na kita..alam mo naman.. baka bukas or the next day si PAPAHUNKALICIOUS AIDAN ang maghahatid sayo"

yun nga naglakad na kami..

sa totoo lang..

narinig ko naman..

gusto ko lang iconfirm kung tama yung pagkakarinig ko..

"Sha..ipangako mo na hindi ka ma-iinlove sa kanya..ipangako mo.."

yun yung sinabi nya..

siguro kasi ayaw nya akong masaktan..si Shiloh talaga..

"Shi.."

"hmmm.."

"oo.. pinapangako ko.."

at ngumiti na xa..

2

Imperfectly in Love (Complete)Where stories live. Discover now