Chapter 11

5.6K 155 3
                                    

Chapter 11

 

Matagal niya akong niyakap. Unti-unti kong nararamdaman ang pagiging kalmado.

"Shi-"

 

"Shh.. Hayaan mo akong damayan ka sa sakit na nararamdaman mo." Ng oras na sinabi niya 'yun, hinarap ko siya at niyakap.

 

"Shi, hindi ko na kaya."

 

Hindi siya umimik.

"Shi, sabihin mo. Wala ba talaga akong kwenta?"

 

"Huh? Sinong may sabi niyan sa'yo? Syempre hindi."

 

"Shi, pakialamera ba talaga ako?"

 

"Konti lang. Pero alam ko naman na nakikialam ka lang kasi gusto mong makatulong."

 

"Shi, talaga bang ipokrita ako? Magaling magtago ng nararamdaman? Nakangiti pa rin kahit nasasaktan?"

 

"Oo, ganun ka nga."

 

Medyo inilayo ko ang sarili ko kay Shiloh.

"Kaya nga. Gusto ko na baguhin mo 'yan. Hindi mo kailangang ikimkim 'yan. Kaya nga ako nandito para damayan at makihati d'yan sa nararamdaman mo." Sa sinabing yun ni Shiloh, napangiti ako.

 

"Salamat Shi."

 

"Shh. Upo muna tayo at nasakit na ang paa ko sa kadramahan natin."

 

Umupo nga ako at napatawa na talaga.

 

"Pwede bang-?"

 

"Oo, gawin mong crying shoulder itong balikat ko. Go! Alam kong madami-dami pa 'yan."

 

At 'yun nga umiyak lang ako ng umiyak. Kaso sa may dibdib nya ako umiyak. At niyakap niya naman ako. Yakap na nagsasabing "Kapag andito ako, walang mananakit pa sa'yo."

 

Kung wala talaga itong si Shiloh.

"Alam mo, Iexsha. Hindi naman kita masisisi kung bakit mo minahal si Rye. Base sa kwento mo, siya lang ang nagtrato ng ganun sa'yo. Siya lang ang kaisa-isang hindi ka inasar. Hindi ka nilait. Nirespeto ka. Higit sa respeto na binigay mo sa sarili mo. Naiintindihan kita. Pero sana itigil mo na. Itigil mo na ang pag-iyak sa kanya. Kasi marami pa d'yang iba."

 

"Ayoko ng magmahal Shi. Masakit pala."

 

"Tandaan mo, kahit nasasaktan ang isang tao pinipilit pa rin niya magmahal. Bakit? Dahil ang puso pwede mong sugatan pero hindi mo kayang turuan. Patuloy itong titibok at patuloy na magmamahal."

 

Napatingin ako kay Shiloh.

Tama siya at mali ako.

"Shi, sorry ha?"

 

"Bakit? Dahil ba iniyakan mo ko? Ayos nga lang."

 

"Hindi 'yun."

 

"Dahil ba hindi mo sinabi sa akin ang lahat?"

 

"Pwede rin. Pero hindi 'yun."

 

"Eh ano? Gagang 'to. Gusto pa ng bugtungan alam mo naman na-"

 

"Sorry kasi. Akala ko si Rye lang ang gumawa nung lahat ng 'yun sa akin."

 

"Huh? Loka hindi kita magets."

 

"Nakalimutan kong mas higit pa ang ginawa mo sa akin kaysa sa kanya. Hindi man lang kita napasalamatan."

 

"Ako? Eh wala naman akong ginawa."

 

"Anong wala? Ang dami kaya, maliban sa ginagawa kitang unan at panyo."

 

Napatawa siya. Gagang 'to. Seryoso kaya ako.

 

"Alam kong mas nirespeto mo ako at pinahalagaan higit kanino man. Tingin ko higit pa sa ginawa ni Rye. Sorry kasi hindi ko man lang nasabi sa'yo na salamat. At hindi ko man lang pinadama sa'yo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko. Salamat Shi. Dahil tinanggap mo ang isang walang kwentang asong galang katulad ko."

 

"Gaga. Ano pa ba ang magagawa ko? Eh di tanggapin ang isang asong galang tulad mo. Sa pederasyon ng mga katulad mong asong gala."

 

Sa sinabi nun ni Shiloh napangiti ako. Kasi alam ko, hindi man amo ang nahanap ko, nakahanap naman ako ng isang tunay na kaibigan na tanggap ako.

Imperfectly in Love (Complete)Where stories live. Discover now