Chapter 13

5.5K 141 1
                                    

Chapter 13

 

(Aidan's POV)

A/N: Pasensya na po kayo at paiba iba tayo ng point of view.. Diba mas masaya kapag alam natin ang umiikot sa utak ng mga bida ng nakakalokang kwentong ito? Pero tingin ko, after this, puro kay Iexsha na lang muna ang POV. Mag-enjoy lang kayo sa pagbabasa!

Kakaalis ko lang sa field sa likod ng capilla. Naguiguilty ako.

"Tama ka Aidan. Wala akong kwenta. Nasapol mo ang lahat sa akin. Bakit? Bakit isa pang Kwagong chismoso ang nakabasag ng maskara ko? Pasensya naman kung pakialamera ako. Gusto ko lang naman kasi hindi maramdaman ng iba ang nararamdaman ko kaya gusto ko tumulong."

Akala ko talaga nakita niya ako kanina. Mabuti hindi. Nasaktan ko siya. Ano ba naman kasi Aidan ang ginagawa mo? Bakit mo siya ginaganito? Alam mo na nga na BH yung tao pinamukha mo pa.

Pero alam ko, tama lang naman ang ginawa ko. Alam kong hindi niyo ako maintindihan. Pero alam ko ngayon ko lang siya tutulungan ng ganito.

Kung hindi niya maintindihan ang ginawa ko, wala na akong paki. Basta alam ko MAGIGING WORST NIGHTMARE PA RIN NIYA AKO!

Nasa lobby na ako at pauwi na ng may makita akong hindi magandang tanawin.

Si Sydney at ang bago niyang boyfriend.

Ano ba 'yan. Eh mas gwapo pa ako d'yan ah. Tss. Nakakainsulto naman. Pinagpalit niya ako sa mukhang basurahan na 'yan?

"Oh. Hi Aidan. Anong ginawa sa Genbio kanina?"

Ayos ah. Parang walang nangyari kanina kung makaasta ang babaeng ito. Siguro dahil ayaw niya malaman ng basurahan na ito ang darkest secret niya.

"Wala naman."

 

"Ah ganun ba? Nga pala, Muffin this is Aidan. My EX. Aidan this is Harold."

At talangang inemphasize pa ang ex no? Muffin? Ang baduy.

"Ah. Ikaw pala 'yun. Ikaw pala ang pinaltan ko? Kawawa ka naman. Paano ba 'yan. Akin na 'tong bhe mo."

 

-_-+

Akala mo madadala mo ako sa ganyan. Hindi no! Hindi ako papatol sa mukhang basurahan na katulad mo.

"Hindi rin. At least diba hindi ko na kailangan pang magtiis sa isang nakakasukang ugaling meron siya."

"How dare you!"Sampal.

Sinampal ako ni Sydney.

Pero hindi ako nagpahalata na nasaktan.

Ngumiti pa ako.

"Bakit? Natamaan ka ba? Pasensya na ha? Hindi ko kasi alam na may puso ka rin pala."

 

Sabay walk-out.

"Nga pala, bagay kayong dalawa. Isang basura at isang basurahan. Perfect match diba?"

 

Sabay alis na talaga.

Pero alam ko, alam ng puso ko.

Minsan din, naging basurahan ako dahil tinanggap ko ang basurang 'yon.

At hanggang ngayon, mahal ko pa rin ang basurang sumampal sa akin.

Imperfectly in Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon