S. C. A. B. L. E - 6

327 19 22
                                    

Ate ok ka lang ba kanina kapa kasing tahimik dyan kinakausap kita hindi ka kumikibo wag mo masyadong isipin si Miss Elliana mahal ka non pang aasar ni Sen sa kanyang kapatid habang silay nag aayos ng kanilang gamit na ka nilang dadalhin.









Wag mo ako masyadong pinapansin medyo pagod lang ako sa work ikaw kamusta naman kayo ni Lorie nakita ko mga post niya mukhang na masyal kayo ah naka ngiting wika ng kanyang ate sa kanya.








Ay opo ate pinasyal namin si Lindsay sobrang bait ng anak ni Miss Lorie sana ako na lang naging nanay ni Lindsay sobrang bait at malambing na bata - Sen.









Parang yang binitawang salita mo may laman ah..... bakit gusto mo na bang maging nanay? Wag mo naman akong unahan oh ako muna mauuna para kapag may mga importanteng lakad ako ikaw ang mag babantay sa pamangkin mo pang aasar ni Sydney.








Ate naman eh..... Bakit hindi na lang kaya tayo mag sabay mag buntis pang aasar din ni Sen.







Tsk! naku ha wag muna tsaka baby kapa hindi kita papayagang mag buntis ang bata bata mo pa siguro pwede kang magka anak kapag 27 kana seryosong wika ni Sydney sa bunso niyang kapatid.









Eh hindi ko naman po sinabi na ngayon ako mag bubuntis eh syempre mag bubuntis lang ako kapag alam kong stable na ko at mabibigyan ng magandang buhay ang magiging anak ko maiba ko ate may tampuhan ba kayo ni Miss Elliana kasi napapansin ko parang ang cold mo sa kanya - Sen.







Saglit na natahimik at napahinto si Sydney dahil sa sinabi ng kanyang kapatid O-ok kami medyo pagod lang kaming pareho kaya akala mo siguro magka away kami pag sisinungaling niya.







Ganon po ba..... tapos na ko mag impake ate pahinga na tayo naka ngiting wika ni Sen.






Wait lang last na tong ilalagay ko sa bag ko - Sydney.






Excited na ko para bukas ate hindi ako makapaniwala na sabay tayong rarampa sa stage at sa harap ng madaming tao dati iniimagine ko lang yun eh akalain mo yun mangyayari na...... - Sen.








Sabi ko naman sayo eh mangarap kalang ng mangarap wala namang imposible at laging mag pray tingnan mo natupad na ngayon - Sydney.









Pero ate kinakabahan ako baka pag nag momodel na tayo eh madulas o matapilok ako nakakahiya pa naman yun litanya ni Sen kaya't ng maisara ng kanyang ate ang maleta ay lumapit ito sa kanya upang yakapin siya't pakalmahin ngunit napabitaw din ito sa kanya.










StatueHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin