ADLK - 4 ( Siblings Rival)

457 26 13
                                    

Kamusta yung interview mo? nakuha kaba? tanong ni Sydney sa kanyang bunsong kapatid habang nag mamaneho.








Ok naman ate pinapirma na nga ako ng kontrata kaya lang may problema problemado niyang sambit habang seryosong naka tingin sa binta ng sasakyan.








Oh anong problema? masungit ba yung boss mo? seryosong tanong ni Sydney na saglit nilingon si Sen.









Eh kasi ate magkapatid tayo eh bawal pala yung mag kapatid tapos mag kaibang company - Sen.








Teka nga bakit naman bawal? eh may mga company naman akong napasukan noon na mag kabilang company ang magka-dugo ay wait... sa pag kakaalam ko ang may rules na ganyan si Miss Freenleigh at si Lorie ang nakababata niyang kapatid kunot noong sambit ni Sydney.









Eh si Miss Lorie yung CEO ng company na inapplayan ko ate eh.... tapos sabi niya may penalty daw yun mag babayad daw siya sa kapatid niya  kinakabahan niyang wika.








Teka nga bakit parang na te-tense ka? Eh hindi naman ikaw ang pinag babayad ni Lorie - Sydney.









Eh kasi ate magiging magka rivalry tayo baka mapagaya tayo sa kanila na magka-away ayoko ng ganon, ayokong mag away tayo ate...... Na ngingilid na luhang wika ni Sen.










Ano kaba..... wag ka ngang umiyak hindi tayo magagaya sa kanila ok? Magka rival lang tayo sa trabaho pero after ng work ok tayo kaya wag ka ng umiyak dyan sinusuyong wika ni Sydney habang hinahagod ang balikat ni Sen habang nag mamaneho.








Wag na kaya akong tumuloy ate hahanap na lang ako ng ibang company - Sen.









Pero naka pirma kana ng kontrata Sen once na pumirma kana hindi mo na mababawi yun tsaka ito na yung pangarap nating dalawa na sabay tayong rarampa diba? Wag mo sayangin ang opportunity na to lalo na't hindi madaling mag hanap ng company.... tsaka mag kakaayos din si Miss Freenleigh at Lorelei may mga bagay lang silang hindi napag kakaunawaan na alam kong kapag nag usap sila ng masinsinan ay maiintindihan nila ang side ng isa't-isa parang tayo diba? Kapag nag aaway tayo we need space and then kapag medyo maluwag na sa dibdib saka tayo nag uusap ng masinsinan para maintindihan mo ang side ko at para maintindihan ko naman ang side mo kung tayo marunong mag baba ng pride yung dalawa ewan ko lang mahabang paliwanag ni Sydney.









Pero alam mo ate kapag nakikita ko si Miss Lorelei na naka ngiti akala ko wala siyang problemang kinakaharap yun pala meron - Sen.








Kasi sometimes the brightest smiles hide the deepest secrets, there is a bitter sadness that no one can ever see and feel minsan yung mga taong ganon kailangan nila ng taong makaka-intindi o makakaunawa sa kanila inshort kailangan nila ng isang taong mapag sasabihan ng kanilang problema at duon mo malalaman kung bakit mas pinipili nilang ngumiti kahit sa totoo lang durog na durog na sila - Sydney.









Bakit ate nag sasabi ba sayo si Miss Freenleigh? Curious niyang tanong.








Oo naman pero uunahan na kita alam kong tatanungin mo ako kung ano yon "Secret" namin yun kaya wag mo ng alamin seryosong wika niya sa kapatid.








Hulaan ko ate about sa kanila ni Miss Lorelei yan no? - Sen.









Oo pero privacy kasi ni Miss Freenleigh yon kaya hindi ko pwedeng sabihin sayo hindi sa wala akong tiwala sayo ha! Pero wala ako sa lugar para ako ang mag sabi sayo non it's her privacy - Sydney.








I know I respect her privacy naman iniisip ko lang kung kailan sila mag kakaayos - Sen.








I don't know but kailangan lang nila ng good communication pero malay mo mag open din sayo si Lorie well hindi naman maiiwasan talaga na mapag kukwentuhan niyo ang buhay ng isang tao lalo na kapag nasa trabaho kayo o kaya kapag kayong dalawa lang ang magkasama - Sydney.










Nandun naman si Miss Thida and Miss Grazia tsaka malabong mag kwento sakin si Miss Lorelei lalo na ngayon alam niyang magkapatid tayo - Sen.










Teka nga bakit ba natin sila pinag uusapan baka mamaya nakakagat na nila ang kanilang mga dila mag drive thru na lang tayo ng pagkain para hindi na tayo mag luluto tanghali na rin naman then pagka kain matutulog muna ko wika ni Sydney.










.・。.・゜✭・.・✫・゜・。..・。.・゜✭・.・✫












Lorelei....... Pabulong na tawag ni Grazia kay Lorie habang naka dungaw sa pintuan ng opisina naka tutok naman sa computer si Lorie.







Hoy..... Lexi lore muling tawag ni Grazia dahilan upang mapunta sa kanya ang attention ni Lorie tingnan mo to kapag tinatawag sa tunay niyang pangalan hindi naiinggli siya ni Grazia.








Bakit ba? Tsaka pano kita madidinig eh malakas pa tong aircon kesa sa boses mo iritang sambit ni Lorie.







Yung ate mo nakita ko pa punta na siya rito....... Bulong niyang wika.








Ano!? Naiinis nang wika ni Lorie ANG SABI KO NAKITA KO YUNG ATE MO PAPUNTA NA RITO....... sigaw ni Grazia.










Galit kaba!? hindi mo kailangan sumigaw! Suway ni Lorie ay hindi ako galit nilakasan ko lang talaga para madinig mo gusto mo ulitin ko pa baka hindi mo parin narinig eh o baka kumuha na ko ng Megaphone mapang asar na sambit ni Grazia.








Umalis kana nga dyan sa pintuan at baka ipitin kita diyan kung nandyan ang kapatid ko hayaan mo siya hindi siya bisita para salubungin ko hayaan niyo siyang pumunta rito kung may kailangan siya wala sa wisyong sambit niya saka bumalik ang attention sa computer umalis naman na si Grazia.

StatueWhere stories live. Discover now