CHAPTER 17

1 1 0
                                    

ARZELL POV

Mahigit alas otso na ng gabi ngayon ngunit hindi parin ako madalaw-dalaw ng antok dahil sa mga nalaman ko.

Hindi ako makapaniwala na ang taong nasa likod ng pagkabagsak ng paaralang ‘yon ay nasa kagagawan parin ni Mr. De Guzman.

Nalaman ko rin ang lugar na ‘yon ay hindi lang pang karaniwang lugar. Marami siyang nalalaman at lingid sa kaalaman niya na ang mga krimen na nangyayari doon ay hindi lang basta-basta pag patay lang.

“Arzell!” agad akong napabalik sa reyalidad ng marinig ko ang tawag ni Tanda kaya pilit akong ngumiti at humarap sa kaniya.

Huminga mona ako ng malalim bago sumagot. “Bakit?” malamig kong tanong sa kaniya. “Nabalitaan kong pumunta ka sa bakanteng lotte nong nakaraang araw, sabihin mo nga sa akin bakit at ano ang dahilan nang pag punta mo don?”

Hindi ko alam kong bakit niya nalaman ang tungkol dito, wala akong pinag sabihan maliban kay detective Gray.

Speaking of Gray!

Malamang sa malamang sa matabil n‘yang dila nanaman nanggaling ang impormasyon na nalaman ni Tanda ngayon. Bahagyang napatikom ang kamao ko ng maisip ko na si Gray ang nag sabi noon.

“Fvck! How many times do i need to tell you Ms. Arzell, ikaw talagang bata ka. Hindi mo ba alam kong gaano kadelikado ang pinasok mo, paano kong hindi kana nakabali—” agad kong pinutol ang sinasabi niya.

“Hindi mangyayari yon." Saad ko at iwas ang matang tumingin sa kaniya. “Tsk, masyado kang kampante sa sarili mo ha, sige nga anong impormasyon naman ang nakita mo sa lugar na ‘yon.” nanliliit na matang saad niya sa harapan ko.

“Madami, ngunit linggid sa kaalam ko na pribado pa ang mga impormasyong nalalaman ko. Pasensya na....gustohin ko man na sabihin sayo ngunit hindi talaga maaari.” mahabang lintaya ko sa kaniya.

Kita ko kong paano mag igting ang mga panga niya sa harapan ko at pansin ko rin ang pagtitimpi ng galit sa mga mukha niya.

“Ms. Del Villa!” sigaw niya kaya dere-deretso nalang akong pumasok sa office. Kanina kaming nasa labas ng office kaya ngayon papasok na ako at mabigyan ng leksyon si Gray.

Lintik na Gray ‘yon.

“Aray!! Bakit ba.” inis na saad ni Gray at bahagya pang kumamot sa batok niya at palinga-lingang hinanap kong sino ang nambatok sa kaniya.

“Problema mo?” inis niyang tanong sa harapan ko ng makita niya ako sa likod niya na taimtim na nakatingin sa kaniya. “Ikaw ang problema ko, ‘yang matabil dila ang problema ko, mamili ka ititikom mo yang bunganga mo i buhay mo ang ititikom ko habang buhay.” seryoso kong tanong sa kaniya, kita ko kong paano siya napaatras sa sinabi ko.

Tsk.

Kaasar.

“Sorry na ok? Hindi ko naman sinasadya eh....pinilit lang din ako ni Chief.” saad niya.

Hayst.

“Sa susunod kapag pinilit ka, mag pakamatay ka nalang kita mang traydor ka.” seryoso kong saad kaya bahagya siyang napatingin sa akin na animo’y gulat na gulat. “Seryoso ka?” tanong niya.

Mukha ba akong nagbibiro sa kaniya? “Tsk. Do i look like i’m joking?” inis kong tanong kaya bahagya siyang umiling at pilit na ngumiti sa harapan ko.

I rolled my eyes at inis na umalis sa harapan niya.

Pumunta ako table ko at agad na inopen ang computer. May kilangan akong malaman tungkol sa website na kumakalat ngayon.

Crime files 2: WHO IS THE KILLER? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon