CHAPTER 11

1 1 0
                                    


Andito kami sa cofeerence room sa hindi ko malamang dahilan, bakit ako kasama sa importanteng meeting nila.

Saka paano ko nakakayanang makasama ang mga ganitong klaseng tao sa iisang silid.

Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nagyayari ngayon. “Hindi ko alam kong anong gusto niyong ipahiwatig Director, pero maaari naba akong lumabas sa silid na ‘to?” pag babasag ko ng katahimikan sa lugar na ‘to.

“At sino naman ang babaeng ‘yan?” tanong niya kaya bahagya akong tumingin sa paligid. Tanga talaga, tamo ni isa nga wala sa aking nakakakilala dito tapos bakit ako napasama sa walang kwentang meeting na ‘to—

“Siya po ay ang taong maraming nalalaman sa mga previous case natin.” saad ni Tanda kaya bahagya akong napalingon sa kaniya. Anong pinupunto ng matandang ‘to? Bwesit na ‘to ah. Pinapalabas niya bang ako ang may gawa ng lahat ng krimen nangyari noon?

“T-Teka—‘tong babaeng di hamak na kong manamit ay hindi pa ayos.” saad ng Director kaya nag simulang mag tawanan ang iba maging si Detective Kent nag pipigil din ng tawa kaya bahagya kong inayos ang aking damit at tumayo ng tuwid na kinatigil nila sa pag hihigik-hikan mga inutil.

“Director ipinapag paumanhin ko ang walang ugaling bibig niyo. Ako po si Arzell Del Villa, kilala ako bilang laging sangkot sa gulo ngunit ang pananamit ko ay hindi nakabase sa pagkatao ko, gayong ang bibig mo ay nakabase sa kadumihan ng pag iisip ng isang tao.” mahaba kong paliwanag sa harapan nila.

Kita ko kong paano nagsisinghapan ang mga tao dito maging si Director ay napanganga sa sinabi ko.

Iwan nalang talaga kong makabalik pa ako sa lugar na ‘to.

“Huwag kayong mag alala, wala akong balak na makipag ariglo sa inyo. Sa katunayan nga ay hindi narin ako makatiis na makasama kayo sa iisang silid na ‘to. Aalis na ako, paumain.” saad ko at akmang tatalikod na ng biglang may malakas na lagabog ang bumalot sa loob ng silid na kinatigil ng lahat.

Hindi ko pinakita sa kanila na natakot ako bahagya, nanatiling walang emosyon ang aking mukha at humarap uli sa kaniya.

“Sa susunod na mag papapasok kayo ng basura pwedi bang hindi naman sana umabot pa sa ganitong silid. Nakakahiya ang team niyo General Anthon!” sigaw niya kaya bahgaya akong napatingin kay Tanda na nakayuko lamang.

Napataas ako ng kilay sa mga reaction nila, ganon naba talaga kalaki ang nagagawa nag posisyon na kahit nasa posisyon karin kong nasa baba ka lang, wala kang silbi at para kalang din aso na susunod at susunod lagi sa kanila.

Tsk.

“Tsk.” singhal ko at tuluyan ng lumabas sa silid na ‘yon, bumungad naman sa akin ang Mental disorder na lalaking ‘to kasama ang nag papanggap niyang ama.

“I check niyo i dentity ng dalawang ‘yan, ang isang ‘to malakas ang kutob ko na may tinatago ‘yang kong ano.” saad ko at tuluyan ng linisan ang lugar na ‘yon.

Sa ngayon wala na akong pakealam kong ano ang mangyari sa araw na ‘to, uuwi na ako bahala na sila.

Tsk.

Habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakad sa hallway papunta sa parking lot ay ganon nalang ang pagkagulat ko ng magring ang phone ko.

Agad ko ‘tong tiningnan at ganon nalang ang pagtataka ko ng makita ko si Yuhan ang caller kaya walang pasabi ko ‘tong sinagot.

“Yuhan, what’s wrong?” tanong ko agad at bahagya pang tumigil saglit sa pag lalakad. “Ate, help me.” saad niya.

Hindi ko masyado makinig ang boses niya na tila sinasadya niyang hinaan ang boses niya sa hindi ko malamang dahilan. “Wait me here, i be there. Please take care yourself and wait me ok.” saad ko at mabilis na pinatay ang tawag.

Crime files 2: WHO IS THE KILLER? Donde viven las historias. Descúbrelo ahora