Phylod 13: Optimistic

4 0 0
                                    

Braville Kojou Clifford's Point Of View 

"Xheah. Stop it." Karga-karga ko siya sa likod ko.

"Kojou!" Bigla niyang hinila ang dalawang tenga ko.

"*Hic* It's all my fault! You dumbass!" Umiiyak na naman siya sa likod ko.

"And your fault too. Kung sinamahan mo ako *Hic* kanina. Hindi ito mangyayari. Di ba?!" At pinisil niya naman ang pisngi ko. Hindi na lang ako kumibo at binilisan ang pagtakbo. Nandito na kami sa mansion.

"Good morning po, Sir." Bati ng isang katulong na nagbukas ng pinto.

Umaga na pala. Tinignan ko ang orasan sa pendulum, 3 am.

"Ahm. Pakigawa na lang po kami ng kape. Pakidala sa kwarto ni Xheah." Tumango naman ang katulong. Mukhang nakatulog na si Xheah sa likod ko. Hindi na dumadada.

"Master!" Sumalubong naman sa akin si Scarlet.

"Scarlet, I need your help. Ipahanap mo ang bangkay ni Saphire, friend of Xheah. Ngayon na." Nagulat naman siya sa sinabi ko. Binigyan ko lang siya ng seryosong tingin at nilagpasan. Tama si Xheah. Kung sumama lang ako sa kaniya kanina hindi ito mangyayari.

At ano ba ang iniisip ng babaeng ito at nagpakalasing? Nalaman niyang hindi niya kapatid si Thea, and so? Lagi niya ngang inaaway ang kapatid niya. Hindi ko talaga siya maintindihan.

"Hmm, Kojou." Biglang humigpit ang kapit niya at lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Nakasandal kasi ang mukha niya sa balikat ko. Nakapikit parin ang kaniyang mata. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ni Grixheah.

Dahan-dahan ko naman siyang inilagay sa higaan niya. Inayos ko ang unan niya at ang kumot. Amoy ang alcohol sa kaniya. Mukhang nalasing nga siya.

Huminga ako ng malalim. Kaya ko kaya siyang iwan dito? Ano ang kailangan nila kay Xheah?

Aalis na ako sa susunod na Linggo. Haharapin ko ang ama ko at ang Royal Blood family.

 Tumingin ako ng sandali kay Grixheah.

"I love you Kojou."

"Do you feel the same?" Bumuntong hininga na lang ako. Naalala ko tuloy sa isla.

Naiiba ka talaga Xheah.

Tumalikod na ako sa kaniya. Napalingon naman ako sa kaniya nang hawakan niya ang palad ko.

 "Xheah." Ibang-iba ang emotion niya ngayon.

Nagulat ako nang tumayo siya sa kama niya habang hindi parin binibitawan ang kamay ko.

"*Hic* Hoy! Ba-bakit ka ganiyan kung makatingin huh?!" At bigla siyang tumalon sa akin.

"Hays. Ano bang pinaggagawa mo?" Natumba kaming dalawa nang tumalon siya sa akin.

Nasa ibabaw ko siya ngayon. Pulang-pula ang kaniyang mukha dahil siguro sa alak.

"Hey there Babe." Nagulat ako nang kindatan niya ako. Anong ibig naman sabihin no'n?

Tsk. Alam ko na kung anong balak niyang gawin. Alam kong nasa katinuan pa si Xheah, ginagawa niya lang excuse ang pag-inom niya.

Hinawakan ko ang waist niya at inihiga sa gilid ko. Agad naman akong pumunta sa ibabaw niya.

"Miss me Babe?" Biglang lumaki ang pagmulat ng kaniyang mata at lalong namula.

Sinasabi na nga ba.

Natatakpan ng buhok ang kabila niyang mata kaya agad ko itong inayos.

Lumapit ako sa kaniya at bumulong. 

"You missed me right?" At humalik sa kaniyang leeg. 

Hmm. Her neck smells... tempting.

My Pervert Tutor is a Vampire (Book I: COMPLETED) | REPUBLISHEDWhere stories live. Discover now