Phylod 6: Clue into the Core

7 0 0
                                    


We remain. We proclaim. We divide. We search.We eliminate. We vanish. We are observer. We are spear. We are Grimions. †††††

Natapos ang one week for the preparation. Arg, sounds bad pero isa na nga akong member ng student council. Nakakasuya mang sabihin pero nakasama ko ang slut girl sa paghahanda this upcoming foundation day. Kahit papaano nakasama ko naman din si Kojou at after class nasa bahay siya para turuan ako.

Problema Sunday ngayon. So boring, sawa na ako sa mga makabagong technology. And hindi ako God's follower, never pa yata akong pumunta ng simbahan. And for what? Magdadasal? Para lang sa mga taong naghihingalo sa buhay.

Nagsawa na ako sa paglalaro ng Five Nights at Freddys kaya bumaba na ako. Pumunta ako sa entertainment room. May mga video games kasi rito.

Bumukas ang pinto at tumingin ako sa taong pumasok.

"Can I play with my sister?" Tumabi siya sa akin at kinuha ang isang remote control ng game.

"Who told you that you have a sister? " Tinabig ko naman siya.

"Ow come on, ate. Alam kong may ibubuga ka kaysa sa pagiging bitch mo." Tsaka hinawakan ng seryoso ang game. Pumili siya ng laro habang ako nakatitig lang sa flat screen TV. Paano ba iyan laruin? Tekken?

Nang mag-umpisa dalawang tao ang nasa game. Pumindot-pindot na si Thea sa remote control habang ako na mukhang tangang nagpapatalo. Binubugbog ang character ko sa game! Paano ba maglaro nito?

"Hey you're cheating!" Pumindot-pindot ako sa remote control tsaka sumipa at sumuntok iyong character ko sa game. Kahit anong pindot pala hah. Gumanti naman si Thea sa ginawa ko hanggang sa magpakita sa screen ang 'K.O.' at kay Thea ay 'You Win'.

"Haha. You lose." Mapanlait niyang tawa sa akin.

"Papaanong hindi ako matatalo hindi ko nga alam laruin!?" Tumayo ako at nakita ang gitara na nakasabit sa wall.

Kinuha ko iyon at pinagpapalo sa flat screen na TV.

"Wala kang kwentang TV! Bago ka magpaumpisa ng laro turuan mo muna ang manlalaro! Nagsasabi ka ng 'K.O. At You Win' sa last hindi mo lang alam magturo ng laro!" Inis na inis kong pinagpapalo ang TV ng guitar hanggang nabasag ang salamin at pumutok, resulta upang magkaroon ng usok sa TV.

"God ate! Napakabayolente mo! It's just a game sinira mo pa 'yang TV tapos 'yang guitar." Napatingin ako sa guitar na hawak ko. Nasira nga dahil sa pangpupukpok ko.

I gave her a devil's look.

"Gusto mo ng 3D na game?" Kumunot naman ang kaniyang noo. Sa tingin ko hindi niya ako naintintihan.

"I mean walang remote control na hawak. Mas exciting ito kaysa stupid game na iyan! Dito malalaman mo kung ano ang knock out!" Tsaka ko binitawan ang sirang guitar at kinuyom ang mga kamao. Bigla naman siyang tumakbo. Hinabol ko naman siya.

"Althea!"

Nagtakbuhan kami hanggang sa hallway. Pinagtitinginan kami ng mga kasambahay sa ginawa namin.

"Hey ate it's just a game!" Sigaw ni Thea habang patuloy sa pagtakbo.

"Hindi ako tumatanggap ng pagkatalo!" Lumiko siya sa hallway. Pagkaliko ko rin wala na siya. Saan na naman iyon nagtago?

"Hoy Althea! Hindi ka makakatago buong araw sa akin!" Tsaka ko siya hinanap.

"Ahm Ma'am Seah."

*Boogsh*

Nagulat ako sa nagtawag ng pangalan ko sa likod kaya ko nasuntok ang kasambahay namin.

"Ano ba naman! Bakit ka kasi nanggugulat?! Busy ako. Nakita mo ba si Thea?" Umiling naman siya habang hawak-hawak ang pangang nasuntok ko. Natikman niya tuloy ang Sweet Punch ni Grixheah.

My Pervert Tutor is a Vampire (Book I: COMPLETED) | REPUBLISHEDWhere stories live. Discover now