Phylod 1: I am a Bitch

14 2 0
                                    

Grixheah Saminae Point of View

"Xheah" Tumingin siya sa akin at isinabit ang buhok na nakaharang sa mukha ko.

"I want you. I like you. I truly love you. You are one of my desires."

Napadilat ako nang parang may dumapo sa mga mata ko. Nakakasilaw.

"Ugh..." I grunted as I open my eyes feel irritated to the sunlight. Now that dream seems to be undone.

"Yaya! 'Yang kurtina naman...ugh...natutulog pa ako!" Nagtalukbong agad ako ng kumot. Inayos na kasi ni yaya ang kurtina. Tuwing umaga inaayos niya ang kurtina kasabay ng sinag ng araw na dumadapo sa aking mukha. For how many times I told her not to open those stupid curtains when I'm still asleep. Ugh this dimwit brain old lady.

I hate sunlight. I always do, dahil oras na naman para gumising. Nakakairita sa mga mata sa sobrang liwanag nito.

"Summer is over Miss Xheah. First day po ng school year niyo ngayon, magpapalate po kayo? Senior high schooler na po kayo kaya dapat maaga na po kayong gumigising para pumasok sa eskwelahan." Arg. Kainis talaga itong matandang ito. Kung hindi lang siya ang nagpalaki sa akin hindi talaga ako makatitiis na igalang siya. But of course, she deserved to be respected because of her loyal service in our family.

But can you think of it?

Ano ang maganda sa bagong school year? Lagi na lang aral. Puro aral! Ang yaman na naming hindi ko na kailangang mag-aral! Tsk. And take note that school isn't about learning anymore, it's about the competition of students and their big egos. Grades lang naman ang importante sa kanila tapos ang matupad ang mga stupid dreams nila for self-interest and self-centered goals.

"Hindi mo ba namimiss ang mga kaibigan mo? Bumaba ka na at makisabay ka na sa kapatid mo na si Thea." That brat kid is my sister. Sophomore na pala siya ngayon, hindi ko lang namalayan sa bilis ng araw. Reluctantly, we're staying on the same school because my family owns the whole property of that school. I doubt na magkakasundo kami ngayong araw. Well, palagi naman kaming hindi magkasundo so nothing is new.

"Ayoko pang kumain, ayokong sumabay kay Althea. Ayokong pumasok, ayokong mag-aral. Gusto ko lang matulog! So just please Yaya leave me alone!" pagkasigaw ko muli akong nagtalukbong at binaon sa malambot kong unan ang aking mukha. Ngunit agad na tinanggal ni Yaya ang kumot na nakatalukbong sa akin. Ugh, nasilaw tuloy ako sa bwisit na sinag ng araw na 'yan.

Mahinang palo ang natamo ko kay Yaya pagkatanggal niya ng kumot. Kunot na ang kaniyang mga noo at nakapamaywang ang isang kamay.

"What the hell Yaya! Anong problema mo?" reklamo ko at binigyan siya ng masamang tingin.

"Bumaba ka na at kauuwi ng Daddy mo galing Australia." Nagulat ako sa sinabi ni Yaya at agad akong napangiti. Umuwi na si Daddy and it made me to get up out of my bed.

"Really?!" Yaya just nodded at my question. Nagmadali naman akong bumaba para makita ang miss na miss kong Daddy.

"Dad!" Niyakap ko si Daddy ng sobrang higpit. Agad namang napangiti si Dad at ibinaba ang kaniyang binabasang dyaryo para mayakap ako pabalik. Once in a blue moon ko lang kasi siyang nakikita these past few years. Siguro dahil sa pamamahala ng buong business internationally at lahat ng mga ari-arian namin. Para ngang ang role niya lang ay tagabigay ng pera, bank kung baga. Hindi naman ako makareklamo sa mga binibigay niyang pera dahil milyon-milyon ang hinuhulog niya sa bank accounts namin ni Althea. Ngunit kapalit ng perang ibinibigay niya ay ang oras niya bilang ama sa amin. Wala siyang oras bilang isang ama sa amin ni Althea, sa buong buhay niya ay puro siya trabaho at pagbyahe sa ibang bansa. I don't even have the slightest idea kung ano ang trabaho ng Dad ko. Hindi ko rin alam kung bakit sobrang yaman namin na, kung saan ba galing ang mga yaman na iyon.

My Pervert Tutor is a Vampire (Book I: COMPLETED) | REPUBLISHEDWhere stories live. Discover now