10: Somewhere We Can Go

2 0 0
                                    

Kumakabog ang dibdib ko. Pinagpapawisan ako ng husto at parang lalabas na ata ang puso ko dahil sa nangyari.

You look so pretty kanina, lalo na no'ng ngumiti ka.

Para akong binuhusan ng tubig sa harap ni Kyro kanina sa sinabi niya. Hindi ko alam pero aaminin ko, malakas ang impact no'n sa akin.

Fuck.

No, hindi puwede. Kailangan nating mag focus. Marami pa akong dapat tapusin.

Isang oras na ang lumipas matapos niyang sabihin sa akin iyun, nandito na ako sa office pero iyung nararamdaman ko kanina nandito pa rin.

Napatigil ako at napatingin sa pinto, bumukas kasi ito at iniluwa si Leo.

"Uh... Good afternoon, pres. Pinapatawag mo raw ako?" Sabi nito at pilit na ngumiti.

"Yeah. Please collect these papers and ibigay mo sa leading staff ng library." Utos ko pa sa kaniya at itinulak ang kumpol-kumpolang papeles na nasa mesa ko.

Marami-rami na rin akong natapos at nangangalahati na ako sa gagawin ko. Panigurado, matatapos na 'to ngayong gabi kung hindi ako matutulog.

"Copy, pres." Sagot nito at akmang aalis na pero may sinabi ulit ako.

"Pagkatapos mo ay bumalik ka dito." Malamig na sabi ko at nagpatuloy.

Sa unang linggo ng Intramurals ay walang rules. Bawal magpatayan, walang curfew at tanging kasiyahan lang ang magaganap sa loob ng linggo na ito. Malaya silang lumabas hangga't gusto nila, may after party din kasi pagkatapos ng event ngayon. May after party each day kaya hanggang alas dose ng gabi ay paniguradong maraming estudyante ang pagala-gala ngayon.

Ang daming pumapasok sa isip ko. Isali mo pa iyung sinabi ni Kyro sa akin.

KALAUNAN, bumalik si Leo sa office. Lumabas kami sa office at papuntang gymnasium para magcheck ng mga estudyante kung nandoon ba silang lahat. Maliban d'yan ay iche-check din namin each room kung may ginagawa ba lahat o may ginagawa ba na labag sa patakaran ngayon.

Nilibot namin ang buong building ng junior year, okay naman. Sumunod ang senior year at nangangalahati na ang pagcheck namin. Sa school na 'to, mula no'ng nagbago ang paaralan ay wala ng pre-school at puro junior at senior year nalang lalo na at wala nang pumapasok masyado na bagong estudyante. Kung may pumapasok naman ay kadalasan puro junior na. Iyung mga nakagraduate naman ay nasa college na, karamihan naman ay wala na at pinatay.

Iilan lang ang nakagraduate every school year dahil sa pagkakaalam ko, binabalak ng Head na walang ga-graduate sa school na ito at papatayin lahat lalo na at hindi sila inasinta ng mga tauhan. May nakagraduate naman na nakapasok sa college, pero pili nga lang. Pero alam ko, dadating ang panahon na lahat kami dito ay uubusin ni Mrs. Villaflor. Kaya walang makakaalis, ga-graduate at magtatagal dahil papatayin lang din kami.

Pero hindi ko hahayang mangyari iyun.

"Wala bang pre-school dito?" Tanong na nga ni Leo.

"Wala. Junior at Senior nalang."

"Bakit?"

"Sa dami ng namatay at pinatay, nauubos na ang mga estudyante. May pumapasok man pero katulad sa inyo na nasa senior or junior year na. Nadadagdagan nga pero binabawasan naman nila."

"Pinapatay iyung nasa pre-school?" Gulat na tanong niya, tila namutla ito dahil sa nalaman.

"Oo, ilan ang pinatay. Mayroon naman na nakaligtas at ngayon nasa junior na. Naglagay din ako ng batas na napagkasunduan namin ng Head na hangga't maaari walang puwedeng mag-enroll sa pre-school."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Forbidden Where stories live. Discover now