10: Somewhere We Can Go

Start from the beginning
                                    

Tumango nalang ito at tumahimik, nakasunod lang siya sakin habang ako naman ay nagche-check ng rooms. Pagkatapos nito ay pupunta na kami sa gymnasium.

"President Estrata." Napatigil ako sa nagsalita.

Nilingon ko ito at bumungad sa akin si Kyro. Hindi ako nagsalita at inantay ko ang susunod niyang sasabihin.

"Natapos ko na."

"Alin?" Tanong ko sa kaniya.

Anong natapos na?

"Magcheck, ako na iyung tumapos. Okay na rin iyung mga estudyante sa gym, nagpatulong ako kila Mr. Vera at Mr. Velasquez." Oh. Bago iyan ah.

Naninibago ako sa asta niya nitong nakaraan.

Anong nangyayari sa kaniya?

"Oh, thank you." Medyo nahihiya ako pero hindi ko naman alam kung bakit, ngumiti nalang ako ng pilit sa kaniya.

"Puwede ka na magpahinga, si Mr. Velasquez na raw ang bahala sa paper works mo." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito.

"May paper works din siyang dapat ipasa bukas, marami pa nga siyang tambak sa mesa niya."

"Natapos na niya iyun kagabi." Mabilis niyang sagot. "Magpahinga ka nalang." Ulit niya pa sa sinabi.

Nag-alangan man pero tumango nalang ako ng bahagya.

"Huwag mo na isama iyang PA mo. Tsk." Narinig ko ang pabulong nitong sabi.

Tinignan ko si Leo na nakatingin lang sa kawalan, tila hindi niya narinig ang sinabi ng isa.

"What did you say?"

"Pauwiin mo na ang PA mo, 'ka ko." Ulit niya pa ang nilakasan. Naagaw naman ang atensyon ni Leo at tumingin sa kaniya.

"Ako na ang sasama sa iyo." Dagdag niya pa at hinawakan ang braso ko at hinila paalis.

Huminto ako sa tinignan si Leo at Kyro. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa dalawa.

Anong nangyayari?

"Tara na. May pupuntahan pa tayo." Hinila ako ulit ni Kyro pero hindi ako gumalaw.

"Go on, pres. May gagawin pa kasi ako, hahanapin ko rin ang mga kasama ko. Wala naman na po kayong ipapagawa sa akin, 'di ba?" Nakangiting sabi ni Leo.

Tumango na lamang ako, kinuha niya pa ang dala kong logbook at ibang papeles at nagpresintang siya na raw ang magbabalik no'n sa office.

Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nagpahatak ako kay Kyro at hinayaan siyang dalhin ako kung saan. Ano ba ang nangyayari?

Para saan iyun? Ano iyun? Bakit gano'n? Ang daming tanong sa isip ko.

Nag-uumpisa na namang kumabog ng malakas ang dibdib ko, nag iba na naman ang nararamdaman ko at parang bumalik na naman sa akin ang nararamdaman ko kanina.

Dahil ba ito do'n sa sinabi ni Kyro sa akin, kaya ako nagkaganito?

Hindi kasi ako sanay na may magsabi sa akin ng gano'n. Huli kong nakatanggap ng gano'n ay kay mama pa, nakakatanggap naman ako ng compliment pero galing kay Lee at nasanay na ako do'n.

Pero kay Kyro?

Kay Kyro na hindi naman na kami masyadong nagkakasama at ilag na kami sa isa't isa. Para bang may pumitik sa panahon at biglang may sumapi sa kaniya para umasta siya ng ganiyan sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Forbidden Where stories live. Discover now