BMDN Chapter 29

Magsimula sa umpisa
                                    

"What's on your mind Sweetheart?"


Napatingin ako sakanya saka ngumiti at umiling, hinawakan nya ang ulo ko at isinandal sa balikat nya, naalala ko ang sinabi nya kahapon gusto nyang malaman ang mga nasa isip ko. Ewan pero i found it sweet, kahit parang facebook lang ang dating.




"Naalala mo nang una tayong nag kita? Sa park malapit sa school ni Kisza? Ang sama ng tingin mo sakin noon" hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala ang nangyaring iyon, kung paano nya ano tignan na animo ay kikidnapin ko si Kisza.





"Yeah, I was scared as hell that time dahil akala ko ay nawawala si Kisza. Muntik ko pang sapakin ang guard na nag palabas sakanya sa school, buti nalang napadaan ako sa park na gusto nyang puntahan at nakita ko kayo doon na nag uusap." Aniya, saka hinalikan ang kamay ko.




"I'm sorry again for what I have done, sorry sa masasakit na nasabi ko sayo at sorry kung nasaktan kita physically at emotionally" aniya, nang isang araw pa sya humihingi ng tawad at noong isang araw ko pa sinasabi na okay lang at alam kong may pinag dadaanan sya.


"Spencer diba sinabi kong okay ba, tapos na yon at---"




"Ay te may bisita ka si Stefan Salvatore"

Biglang singit ni Cc, napakunot ang noo ko. Stefan? Nang pumasok ang sinasabi nya ay doon ko nakilala kung sino ang tinutukoy nya, si Carlo at may dalang bugkos ng bulaklak. Napahinto pa sya ng makita ang pag kakalapit namin ni Spencer kaya napaayos ako ng upo, napatingi ako kay Spencer na ngayon ay salubong ang kilay habang nakatingin kay Carlo.





"Nina" sabi ni Carlo at napatingi sa kamay ko na hawak ni Spencer, naiilang ako sa klase ng tingin ni Carlo sakin. Lumapit sya sakin at iniabot ang bulaklak na dala nya "For you" aniya,

Napatingin ako kay Spencer binalik ko ang tingin ko kay Carlo at kinuha ang bulaklak gamit ang isang kamay dahil ayaw bitawan ni Spencer ang isa kong kamay.



"S-salamat" naiilang na sabi ko.



"Haba ng hair nag rejoice ka ba girl" rinig kong kanta ni Cc habang inaakay ang tatlo papunta sa labas ng bahay "Makagamit nga din ng rejoice" aniya pa saka kumindat sakin.

Napatingin ako kay Spencer ng pumalupot sa bewang ko ang kanyang braso habang ang isa naman nyang kamay ay hindi binibitawan ang kamay ko. Napatingin ako kay Carlo na ngayon ay nakatingin sa kamay ni Spencer na nasa bewang ko.



"Ah, C-carlo napadalaw ka" naiilang na tanong ko saka pinaupo sya.

"Carlo huh" rinig kong bulong ni Spencer sa tabi ko.



"Yeah, aayain ko sana kayong mag gala" aniya, saka ako tinitigan.



"Ahmp... C-carlo si Spencer p----"




"Her Boyfriend " putol ni Spencer sa sinasabi ko, napatitig naman sakin si Carlo na parang hinihintay ang konpirmasyon ko.


"Si Spencer boyfriend ko" ulit ko saka tumingin kay Spencer na seryosong nakatingin kay Carlo. Tumango sakin si Carlo saka tayo, "Sige next time nalang ulit ako bibisita" aniya saka lumabas ng bahay.





"Where's your room? I want to sleep" ani ni Spencer saka tumayo at pumasok sa isang kwarto na nag kataon na kwarto ko. Napahinga ako ng malalim at ibinaba ang bulaklak na bigay ni Carlo, sinundan ko sya sa kwarto ko at naabutan ko syang makahiga at nakatingin sa bubong. Sinindihan ko ang electric pan at itinapat sakanya, saka ako umupo sa tabi nya.





"Hey, anong problema mo?" Tanong ko pero hindi sya sumagot. Hinawakan ko ang mukha nya at iniharap sakin.


"Anong iniisip mo?" Tanong ko ulit.



"Iniisip ko kung anong ibibigay kong kaso sakanya" aniya sa seryosong tinig.



"Ibibigay na kaso?" Takang tanong ko.



"Yeah,Kaya ko syang gawan ng kaso para lang makulong sya, at hindi na makabalik dito para ayain kang gumala" aniya saka inilabas ng kanyang cellphone, may pinag pipindot sya doon bago itinapat sa kanyang tenga. "Alvin, ha-"

Kinuha ko mula sakanya ang cellphone nya at ikinancel ang tawag. Kilala ko si Alvin lawyer nya iyon.


"Seryoso ka Spencer?" Nanlalaki ang matang tanong ko "Oo, bakit ayaw mong makulong ang ex mo?" Salubong ang kilay na tanong nya, napangiti ako sa tinuran nya.



"Nag seselos ka?" Nakangiting tanong ko, hindi sya umimik ay nag lulumikot ang mata at hindi makatingin sakin.





"Matutulog ako" aniya saka tumalikod sakin, hindi nawala ang ngiti ko. Ipinatong ko ang chin ko sa braso nya saka hinaplos ang medyo kulot nyang buhok.

"Sir" tawag ko pero hindi sya sumagot.

"Spencer"



"Mahal kong Spencer" muling tawag ko, humarap sya akin at ngayon ay nakangiti na sya.


"Say it again" aniya.




"Mahal kita" sabi ko, magulat ako ng iangat nya ang ulo nya upang mahalikan ako. Hinawakan nya ang mukha ko at mas inilapit sakanya, nakahiga sya habang ako ay naka dungaw sakanya at hinahalikan sya.



Ngumiti ako sakanya ng pakawalan nya ang labi ko,

Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon