16

735 13 0
                                    

"I AM THE wife of Captain Rios, please let me in!" Hindi pinansin ng mga tanod ang natatarantang si Rosette. Iniwan siya sa likod ng pinid na pinto ng terminal. Sa kinalalagya'y dinig na dinig ni Rosette ang iba't ibang sirenang pumupuno sa buong paliparan sa dis-oras na ng gabi. Sari-saring pang-himpapawid na sasakyan ang umaalis at dumarating.

Halos mabaliw si Rosette.

"Papasukin ninyo ako! Ako ang maybahay ni Kapitan Rios... utang na loob!"

Piling-piling mga tao ang pinapapasok. Isa sa kanila si Fil na halatang bahalang-bahala.

"Fil!" sigaw ni Rosette.

"Rosette!" Tumakbo si Fil papalapit sa kanya.

Agad na yumakap kay Fil si Rosette. "Si Brad, Fil, ano ang balita?"

Napailing si Fil. "Marami nang rescuers ang umalis. Doon tayo maghintay sa loob. Halika."

Halos takbuhin ng dalawa ang tarmac. Maraming tao roon. Nagtanong-tanong si Fil sa

mga kakilala. Hindi pa nagbabalik ang C130, isang malaking eroplano, na umalis upang

magligtas. Ilang amphibians na rin ang umalis dahil malakas ang paniniwalang nag-water

landing ang flight 231 na pinamamahalaan ni Capt. Bradfort Rios. Nanlulumong lumapit si Fil kay Rosette. Na noo'y luha ang nakaupo sa baggage carrier na nakahimpil sa likod ng makapal na tao.

"F-Fil?"

Naupo sa tabi niya si Fil. Kinuha nito ang mga palad niya. "Ipagdasal natin ang kaligtasan ni Brad."

Sa narinig ay humagulgol si Rosette.

"H-hindi ko matatanggap, Fil. B-baka mawala sa akin si Brad?"

"Let's be positive,"

"Bakit hindi mo siya kasama, Fil? Hindi ba partner kayo lagi?"

"Day-off namin pareho ngayon actually. Pero maloloko raw siya sa bahay kaya pumasok."

Napakagat-labi si Rosette. "H-hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may masamang nangyari sa kanya."

"At ano ang kahulugan ng malabis mong pag-aalala ngayon, Rosette?" may pang-uusig ang mga mata ni Fil. "Nagkakaganyan ka, bakit? Dahil nakokonsensiya ka?" Iglap ang pagiging mapanghusga ni Fil. "Masakit ang ginawa mo sa kaibigan ko"

"Tama na, Fil!" Humagulgol sa mga palad si Rosette. "Isang bagay ang natitiyak ko ngayon... masisiraan ako ng bait kapag may masamang nangyari kay Brad." "

Dahil uusigin ka ng iyong budhi-"

"Dahil mahal ko siya. Mahal ko si Brad, Fil! Mahal ko'ng asawa ko!"

Hindi makakibo si Fil.

"Hindi ako papayag na may masamang mangyari sa kanya. Tulungan mo akong manalangin, Fil. Please..."

Kapit-kamay, pumikit ang dalawa. Umusal ng mataimtim na dalangin para sa kaligtasan ng piloto.

Sabay nanapadilat ang dalawa nang makarinig ng ugong ng papalapag na eroplano. "F-Fil?"

Hinigpitan lalo ni Fil ang pagkakahawak sa kamay niya. Kulang na lang ay mabuwal si Rosette sa mga sandaling iyon. Ang tunog ng mga sirena, ang mga nakaantabay na mga ambulansiya ay sapat-sapat na upang pangalugan siya ng kalamnan.

Lumapag ang unang grupo ng mga rescuer. Ang C130.

Halos sumabog ang dibdib ni Rosette habang nakaabang sa pagbukas ng pintuan ng eroplano. It's either black or white... dead or alive.

Huwag po...

Nag-uunahan sa paglapit sa eroplano ang mga stretcher ng ambulansiya. At mayamaya nga, isa-isang ibinaba ang mga unconscious survivors. Lahat sila'y nakasuot ng life vest. Marami sila.

Kung Kailan Mahal Na Kita | DIGNA DE DIOSHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin