08

305 15 3
                                    

SA RESTAURANT ng Shangrila Plaza Hotel sila nag-dinner. Sa saliw ng mga tugtuging klasikong inuukit ng mga pinong kuwerdas ng violin, nanatili ang matahimik nilang pagkain. Pailalim kung sipatin ng tingin ni Rosette ang asawa. Habang ganado naman ang lalaki sa paglantak ng masasarap nilang dinner, spicy crab, oriental chicken na buong-buo, glazed carrots, onion soup at melon balls para sa kanilang panghimagas.

"Sette?"

Nag-angat siya ng mukha.

"Hindi ba bukas, magre-report ka na sa trabaho?"

Tumango siya.

"Gabi-gabi kitang susunduin-"

"Puwede naman akong mag-taxi." "Ayokong magtiwala ka sa taxi."

"Pagod ka sa flight-"

"Bayaan mo na ako. I'm finding my way to... Sette, kahit konti, pahalagahan mo naman ako."

Bahagyang nasaling ang kalooban niya sa sinahi ni Brad. At naiinis siya... mukhang hindi umayon ang nangyayari sa kanyang mga plano.

"Ikaw ang bahala." Madalas sipatin ng tingin ni Brad ang dancefloor Parang ibig sumayaw.

Excuse me, ismid ni Rosette. Hindi ako marunong sumayaw. "Umuwi na tayo, Brad. Gabi na."

"Kasi baka mapuyat ako? Kasi, baka hindi ako magising ng alas-kuwatro?" paglalambing ni Brad.

"Pakialam ko sa iyo!" Kinindatan siya ni Brad.

Masaya si Brad, damang-dama ni Rosette iyon.

At habang papauwi, patuloy sa pagkukuwento si Brad. Ang iba ay sinasagot niya, ang iba naman ay hindi. Ganoon pa man, ramdam pa rin ni Brad ang kasiyahan ng gabing iyon. Sumisipol pa itong umakyat ng hagdan, nauuna siya. Pagdating sa silid nila, agad na hinubad ni Brad ang uniporme. Nakasandong bumulagta sa kama. Binuksan ang TV, tamang-tama, nasa news ang palabas. Si Rosette ay pumasok sa bathroom na dala ang bihisan. Ikinibit-balikat lamang ni Brad ang aktuwasyong iyon ng kabiyak. Paglabas ng babae, namatanda yata si Brad. Nakasuot ng manipis na nightie si Rosette.

Naupo ang babae sa harap ng tokador. Sinuklay ang buhok.

"Bakit itong isang to, maganda sa TV, pero pangit naman sa personal," ani Brad, tukoy ang isang newscaster.

Tiningnan ni Rosette ang TV screen. Hindi niya napigil iyong bahagyang pagtawa. Nilait ni Brad si Suzette. "Telegenic na tinatawag." saad niya. "Maganda rin naman si Suzette sa personal, a?"

"Hmmm, konti. Pero ikaw, maganda sa TV, mas maganda sa personal." Umingos si Rosette. "Gusto ko nang mahiga."

Kumilos si Brad, iginilid ang katawan sa kama. Pagsampa ni Rosette sa kama, tumayo si Brad. Tinungo ang kanyang closet. Binuksan.

Kumuha ng shorts. "Sette?"

Tiningnan ng babae ang asawa. "Thanks." "Saan?"

"For this wonderful evening. Ang babaw ng kaligayahan ko, no?" Nakangiti itong nagkibit ng balikat. "At saka... sa pag-ayos mo ng closet. In order lahat."

"Walang anuman," malamyang sagot ni Rosette. Hinubad ni Brad ang suot na pantalon. Biglang inilayo ni Rosette ang mga mata. May pagkabastos ding lalaki ito.

Mayamaya, sumampa na si Brad sa kama.

"Tatapusin mo ang news?"

Tumango si Rosette. "Matutulog na ako."

Tiningnan lamang niya si Brad.

"G'night, 'Sette."

Bahagya siyang tumango.

Nagpikit nang mga mata si Brad. Nakaunan sa kanyang bisig, ang kaliwang kamay ay nakapatong sa kanyang sikmura.

"Sette?"

Umungol lamang siya.

"Yong mga orchids na dala ko sa 'yo, itinanim mo?" "Itinanim ni Salud."

"Pero ibinigay mo sa kanya para itanim?"

"Nakuha niya doon sa pinaglagyan mo."

Tumahimik na si Brad.

Lumipas ang mga sandali. Patapos na ang network news pero hindi pa rin inaantok si Rosette. Nilinga niya si Brad. Patagilid itong nakahiga, paharap sa kanya. Tahimik na. Tulog na. Naririnig pa niya ang bahagya nitong paghilik.

Inabot niya ang remote control nang magwakas ang news sa kanilang istasyon. Inilipat niya sa pTV, sa Star TV, na noo'y nagsisimula na ring magtanghal ng Hardcopy.

Nagpatalastas. Station ID. Pagkatapos, agad na isinalang ang kontrobersiyal na isyu tungkol kay Princess Diana na pinamagatang: INFIDELITY DI. What a topic. At totoong sabik siyang mabatid ang mga katotohanan tungkol sa magandang prinsesa. Nakatunganga siya sa TV, nakasalampak ng upo sa kama habang pinapanood ang lihim na pagniniig nina Princess Di at ng koronel na kabit nito, na nakunan ng video through zoomlens camera.

Biglang... bigla, napaigtad siya nang sumampay sa kandungan niya ang kanang bisig ni Brad. Ang mga pinong balahibo sa kamay nito'y tumatagos sa manipis niyang kasuotan, at nagpapatindig sa kanyang mga balahibo.

Tiningnan niya si Brad. Tulog na tulog ito.

Marahan niyang binuhat ang kamay nito, ipinatong niya sa ibabaw ng sikmura ni Brad.

Saka siya huminga ng maluwag.

"Sette?" Halos mapalundag siya sa nerbiyos nang marinig ang pangungusap ni Brad. "G-gising ka pa?"

" Bakit mo inalis ang kamay ko?" " Bakit? E, trespassing ang kamay mo."

" Bawal ba?" usisa pa ni Brad na nananatiling nakapikit. "Asawa naman kita, di ba?"

"Sa mata ng tao at sa mata ng Diyos, totoo ka. Pero dito sa puso ko, isa kang kaaway, Brad. Kung nakakalimutan mo na, ipapaalala ko uli sa iyo... kinasusuklaman kita! Ganoon pa man ay pinipilit kong pakibagayan ka. Huwag ka lang masyadong umasa ng imposible." Nagdilat ng mga mata si Brad. "Gusto kong magkaroon ng anak... ng pamilya na paglalaanan ko ng mga pagsisikap ko."

"Nagkamali ka ng babaeng pinakasalan... Hindi ko maipagkakaloob sa iyo ang hinihiling mo."

"Hindi ko iyon hinihiling. Anytime kung gugustuhin ko, I can have you." Bahagya siyang nakadama ng takot. Gayunma'y sinikap niyang manatiling matatag.

"Huwag na huwag mong susubukan."

"Why not?" Yumapos sa baywang niya ang dalawang kamay ni Brad. At ngayon, ang lalaki'y nagpupumilit na maihiga siya sa kama. "Mag-asawa tayo, Rosette. Dapat noon ko pa ginawa ito." Hindi natigatig ang lalaki sa pagbabanta ni Rosette. Isang makapangyarihang damdamin ang ngayo'y nakasakmal sa pagkatao ni Brad. He wants to have Rosette, he wanted her to

"Brad, ano ba? Pagsisisihan mo ito!"

bear his child na mamahalin niya ng lubos... he wanted to raise a complete, happy family... may tatay, nanay at mga anak.

Kaya hinakbangan niya ang pader na inilagay ni Rosette sa pagitan nilang dalawa. Naihiga niya si Rosette. Patuloy sa pagpasag ang babae.

Mabilis siyang umibabaw.

"Sige! Gawin mo ang pinakaaayaw ko! Bukas na bukas din, lalayas ako sa bahay na itol

Go ahead, Brad... hanggang libingan kitang kasusuklaman!"

Nagdudumilat sa galit si Rosette.

Natigilan si Brad. Ilang sandaling nanatili sa ibabaw ni Rosette. Parang binuhusan ng malamig na yelo. Mayamaya, kumilos ito. Lumayo. Tumayo.

Lumabas ng silid.

Hingal pa ring sinundan ni Rosette ng tingin ang asawa. Kinabukasan, may note para sa kanya si Brad. Nakaipit sa tokador.

SORRY HINDI NA MAULIT. HUWAG MO KONG IIWAN.

HUS.

Kung Kailan Mahal Na Kita | DIGNA DE DIOSHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin