13

338 13 2
                                    

MAGKASAMANG lumipad pa-Switzerland ang mag-asawa ikaapat na araw makaraang matanggap nila ang balita.

Sa biyahe, ikinuwento ni Brad kay Rosette ang tungkol sa matibay nilang relasyong magkapatid. Kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

"Kung ano man ang sakit niya ngayon... nakahanda uli ako. Magagawa kong ipagkaloob ang lahat ng aking lamang loob para minsan pa ay mabuhay siya. Kung kinakailangang buong buhay ko... ibibigay ko."

Ibig maiyak ni Rosette.

PERO huling-huli na sila nang dumating sila sa Switzerland. Lahat ng mga plano ni Brad ay huli na. Wala na ang pagkakataong gusto niyang samantalahin upang iligtas muli ang kapatid.

Patay na si Raoul.

Hindi napigil ni Rosette ang emosyon. Umiyak siya nang makita ang bangkay ng dating nobyo. Na matagal palang naghirap sa sakit nitong kanser sa utak.

Pero higit pa ang kalungkutang dumapo kay Brad. Halos magiba ang puso ni Rosette habang pinagmamasdang yakap ng kanyang asawa ang malamig na bangkay ni Raoul. Nang i-cremate ang bangkay ni Raoul, saka ibinigay sa bawat isa sa mag-asawa ang liham ng yumao, mula sa pinsan ng kanilang mommy na siyang nag-alaga ng mahabang panahon kay Raoul.

Liham kay Brad.

Huwag kang susuko, sakali't hindi ka pa rin mahal ni Rosette hanggang ngayon. May mga bagay na mahalaga sa atin pero sadyang mahirap kamtin. Ngunit ang lahat ay napagtatagumpayan. Darating ang puntong bibigkasin ni Rosette na mahal ka rin niya.

Sana'y maging maligaya kayo. Ako, maligaya ako sa aking pupuntahan. Ingatan mo si

Rosette, Brad. Alang-alang sa akin.

Nagmamahal,

Raoul

Mahal kita, kaya ko ginawang ipakasal ka sa aking kapatid. Sa isang layunin... ang

At kay Rosette.

matagal na pag-last ng married life mo. Kung sa akin ka napakasal, higit kang masasaktan... dahil kapos ako sa kapasidad upang ipangako ang walang hanggan. Matagal ko nang alam ang tungkol sa aking sakit. Nang ipagtapat sa akin ni Brad na mahal ka niya, I said to myself...

napakagandang paraan.

Mahirap bang mahalin ang kapatid ko, Rosette?

Bakit ayaw mong subukan?

Umaasa ako... magmamasid... from a distance.

Raoul

DALA ang isang garapong abo ni Raoul, umuwi sa Pilipinas ang mag-asawa. Naging

madamot ang salita kay Brad. Palagi itong nakatitig sa kawalan. Malungkot. Gusto niyang handugan ng konswelo ang kabiyak, pero hindi alam ni Rosette kung papano.

Naaawa siya kay Brad.

Mabigat na dagan sa kanyang dibdib ang nakasasakal na pananahimik nito.... "B-Brad..."

"K-kung napaaga ako ng dating, nailigtas ko kaya siya?"

"Malala na ang cancer niya, sabi ng Auntie mo, di ba?"

"Makabago ang kagamitan at siyensiya ng Switzerland... naibigay ko sana sa kanya ang

aking utak. Kung hindi sana siya umalis..."

"Huwag mong sisisihin ang sarili mo sa pagkamatay ni Raoul. Wala kang kasalanan.

Ginusto iyon ng Diyos..."

"Malaking kawalan si Raoul sa akin. Kaisa-isa ko siyang kapatid."

"Pero nangyari na ang lahat-" Sana ako na lang ang namatay." "

"B-Brad?" hilam sa luha ang mga matang napatitig siya sa asawa.

"Napakahalaga ng buhay ni Raoul," saad ng lalaki."Dalawa lamang tayo sa maraming

nagmamahal sa kanya. Samantalang ako" patuyang nginitian ni Brad ang sarili, "-PAL lang ang nagmamahal sa akin. Dahil kailangan nila ang serbisyo ko. To hell with them! Hindi sila magluluksa kapag ako ang mamatay" "Brad, stop talking like that-"

"Huwag mo akong kaawaan, Rosette," ibinaling ni Brad ang paningin sa malayo. "I know and I feel, deep within yourself, you're so sorry dahil ang kapatid ko ang namatay-hindi na lang ako."

She tightly closed her eyes, bit her lower lips as she listens to her heart. Her heart says: I could not let him die. Good Lord, forgive Brad. He didn't know what he had said. I care for him-I do!

Kung Kailan Mahal Na Kita | DIGNA DE DIOSWhere stories live. Discover now