15

420 11 1
                                    

MASAKIT na masakit ang ulo ni Brad nang magising kinabukasan dakong ikasampu nang umaga. Bumaba siya pagkaraang makapaligo. Hinanap niya kay Salud si Rosette.

"Naroon po siya sa hardin, sir." Kinuha niya kay Salud ang tasa ng kape.

"Puntahan mo... sabihin mong gusto ko siyang makausap. Doon sa aming silid."

"Opo, sir." Nagdudumaling lumabas ng hardin si Salud. Si Brad ay pumihit na't bumalik. sa silid.

Agad nakaramdam ng pangamba si Rosette nang sabihin ni Salud na gusto siyang makausap ng asawa. "Ano raw ang pag-uusapan namin, Salud?"

"Hindi po sinabi."

Iniwan niya ang mga gamit sa hardin. Mabibilis ang mga hakbang na tinungo niya ang kanilang silid. Inabutan niyang nakaupo sa gilid ng kama si Brad. Nagkakape. Nang bumungad siya, itinuro nito ang stool sa harap ng tokador upang doon siya maupo.

Marahang naupo si Rosette. Malakas ang kabog sa kanyang dibdib. "Ilang... ilang buwan na tayong nagsasama, Rosette?" tanong ni Brad. \

Mabilis na nagkalkula ang babae. "E-eighteen months na sa susunod na linggo."

"And yet, wala pa ring nangyayari sa atin."

Tumayo ang lalaki.

"Tinatanggap ko na ang pagkatalo ko, Rosette."

Para iyong bombang sumambulat sa pandinig ni Rosette.

"Unfair para sa sarili ko... higit para sa iyo. Mahal kita, walang magbabago sa katotohanang iyan. At dahil mahal kita, ngayon ko ganap na naunawaan ang kahulugan ng damdaming iyon. I must set you free. Hindi pala kita dapat ibinibilanggo sa habampanahong pagdurusa. I'm sorry, 'Sette... naging miserable ang buhay mo sa aking piling. Pero hindi pa naman huli para sa iyo ang lahat. Wala namang nasira sa iyo, buong- buo ka pa rin. You still can have better and brighter tomorrow. Ako na ang bahala sa pagpapawalang-bisa ng kasal natin."

Ibig mangilid ng luha ni Rosette. "K-kung yan ang gusto mo..." halos paanas niyang sambit.

"Hindi iyon ang gusto ko! I want to keep you forever. I want to love you 'til the end of time. Ikaw ang inaalala ko. Alam ko, nararamdaman ko ang pagpupumiglas mo. At hindi ako manhid upang hindi maramdaman ang pagkasuklam mo... na bahagya ngang nawala pero sa kaibuturan ng isip mo, ng puso mo, muhing-muhi ka sa akin."

Pumatak ang luha ni Rosette.. Mayamaya'y kumilos siya. Inilabas mula sa closet ang lahat niyang damit. Nagsimulang mag- empake. "Inuulit ko... patawarin mo ako," usal pa ni Brad. Tapos ay lumabas ito ng silid. Hindi niya matagalan ang nakikitang paghahanda ni Rosette upang iwanan siya. Masakit. Pero iyon ang dapat na mangyari. Kung ang paghihiwalay nila ang makapagpapagaan kay Rosette, bakit niya ipagdadamot? Sa babaeng mahal na mahal niya? Siya na ang magdusang higit, but Rosette deserves to be happy.

"A-ANO ang ibig sabihin nito?" ang mama ni Rosette ang nagitla nang pagbuksan ang anak na may dalang maleta. "Rosette, bakit hindi tumuloy si Brad? At bakit...?" Nang mapansing naiwan si Brad sa labas at umalis ito pagkahatid sa kanya ay tanong pa ng magulang nito. Sa harap ng magulang pinalaya ni Rosette ang pagtitimpi. Hagulgol siyang yumapos nang mahigpit sa ina.

"Sabihin mo sa akin ang problema ninyo. Kailangan kong mabatid. Hindi dapat humahantong sa ganito ang mag-asawa sa isang hagupit ng pagsubok lamang. Rosette..."

"M-Ma..."

Walang inilihim sa ina si Rosette. Lahat-lahat. At sa kanya ito nagalit matapos mabatid ang totoo. "E, bakit ka lumayas? Sana sinabi mo ang nararamdaman mo. Bakit ginawa mo pa ang magmatigas?"

"Oh, Ma, he didn't even ask me kung ano ang nararamdaman ko ngayon para sa kanya. Kung-kung sinukol niya ako, malalaman niya ang totoo. He did not bother-"

"Dahil nararamdaman niya ang pag-aagwat mo," giit ng ina. "Ang akala niya, nasusuklam ka pa rin sa kanya. Kasalanan mo, Rosita. Ngayon mo sabihin sa akin ang importansiya ng ipinaglalaban mong amor propio. Pinaligaya ka ba? Masyadong mataas ang pride mo ito ang magbabaon sa yo sa habampanahong pagdurusa!"

"Enough, please, Ma."

"Ayusin mo ang problemang ito sa lalong madaling panahon. Before it's too late." lyak ang isinagot ni Rosette.

Pero sa kabila ng pag-aatas ng ina, naging unmanageable pa rin ang desisyon ni Rosette. O baka umiipon lamang siya ng lakas ng loob upang isuko ang lahat kay Brad. Baka nga ganoon.

Sana'y hindi pa siya nahuhuli.


TATLONG araw ang mabilis na lumipas. Tatlong araw na nilipos ng walang pangalawang dalamhati. Sa panig ni Rosette, lalo na kay Brad.

"Rosette, telephone."

Tinungo ni Rosette ang telepono. "Hello?"

"Ma'am?" si Salud.

"O, Salud?"

"Ma'am, kelan kayo uuwi? Nag-aalala na ho ako kay sir... Hindi siya kumakain, palaging umiinom ng alak-"

"Hindi pumapasok?"

"Pumapasok. Ma'am, umuwi na ho kayo. Tuluyan na hong nangamatay ang inyong mga alagang orkidyas."

Bumagsak ang luha ni Rosette. "Uuwi na ako, Salud, ipinangako niya. "Sabihin mo kay Brad, sunduin niya ako mamaya dito sa estasyon..."

"Totoo, Ma'am? Naku, matutuwa yon. Oho ma'am, pagdating na pagdating niya, sasabihin ko po."

"Bye, Salud."

"Bye, ma' am."

Marahang ibinaba ni Rosette ang telepono. Uuwi na siya. Sasabihin niya kay Brad kung gaano niya ito kamahal. Tama na ang labis na pagpapahalaga sa amor propio. Pahamak. Mauunawaan siya ni Brad. At magiging masaya sila sa habambuhay. Magkakaroon sila ng maraming anak.

Bumalik siya sa newsroom. Mag-iikalima pa lamang ng hapon, pero para nang hatinggabi dahil malakas ang ulan. Katunaya'y may nagbabantang unos sa kapuluan.

Pagbungad niya sa newsroom, kapansin-pansin ang komosyon ng mga naroroon. May mga pagmamadali. Ang iba'y naghahanda upang umalis.

"Ruacttel matinis un tawag an hanya ni Justис,

"O, mukhang may mainit tayong balita?"

"Rosette..." Naguguluhan si Rosette. Isa-isang lumapit sa kanya ang malapit niyang mga kaibigan sa loob ng newsroom.

Isa-isang humawak sa kanya.

Si Suzette sa dalawa niyang kamay nakapisil.

Si John nakahawak sa kanyang balikat.

Si Ces ay kanina pa gustong yumakap sa kanya. Kinakabahan si Rosette, "Ano ba kayo?"

"Rosette," si Suzette, "there's a trouble sa PAL"

Umawang ang bibig ni Rosette.

"Flight 231 is missing... walang kontak ang PAL office sa whereabout ng eroplano. Si

Brad... si Brad ang kapitan.

Ora-oradang tinakasan ng liwanang ang mga mata ni Rosette. Nangaykay ang buong kalamnan hanggang ganap na maupos.

"Rosette!"

Kung Kailan Mahal Na Kita | DIGNA DE DIOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon