04

387 14 0
                                    

"HINDI ko maintindihan. Ipaliwanag mo sa akin ang sinasabi mo kagabi. Why our marriage is causing you death?"

Tuwid ang mukhang sinagot ni Brad ang kapatid. "Simply because I love Rosette." Minsan pang nagitla si Raoul. Higit ang kasindakang sumakmal sa lalaki ngayon. "Do you know what you're talking about?"

Tumango si Brad.

"You're sick!"

"I am. I'm sick to my teeth loving this woman. Noon pa, matagal ko na siyang mahal. Noon pa bago mo pa man siyang nakilala-"

Nalito si Raoul. "Paanong-?"

Nagsimulang magsalaysay si Brad. Exactly ten months ago nang una niyang makita si Rosette sa telebisyon. Maganda. The woman of his dream. At mula nga noo'y gabi-gabi na niyang pinapanood si Rosette habang nagbabalita. Parang hindi kumpleto ang araw niya kung hindi makikita ang mukhang iyon na totoong umakit ng husto sa kanya... tumugma sa pihikan niyang panlasa sa babae. Gabi-gabi, walang palya, pinapanood niya si Rosette. Hanggang mamalayan niyang nabibihag na siya nito, hindi lamang panlasa niya, kundi pati na ang kanyang puso. Ibig niyang magtawa, in fact, he did... pero totoong nagkaroon ng puwang sa puso niya ang babae. That he started missing her kapag nasa flight siya, hurried home mapanood lamang sa network news si Rosette. Baliw. Hibang. Pero iyon ang totoo. Minsan ay inisip niya, binalak ang kilalanin si Rosette.

Pero isang malaking hadlang ang propesyon niyang nangangailangan ng ginintuang oras. Bawal sa kanya ang mapuyat. Pero minsan nga, inisip niyang puntahan ang istasyon ng TV minsang papauwi siya isang gabi, pero inunahan siya ng hiya. Shy type siya, alam ni Raoul iyan.

Nagpatuloy siya sa limbong pagtatangi sa broadcaster. Nangarap na isang araw ay magkikita rin sila.

At dumating nga ang sandaling kanyang pinakamimithi. Nagkita sila ni Rosette. Nakilala niya. Pero nakilala bilang babaeng pakakasalan ni Raoul.

"Hindi ko alam kung gaano mo kamahal si Rosette. Pero kung ako ang tanungin mo, hindi masusukat ang pag-ibig ko sa kanya. Mahal na mahal ko siya, Raoul." Hindi makapaniwala si Raoul. Posible nga kayang na-in love ang kapatid niya kay Rosette sa pamamagitan lamang ng telebisyon?

"Baka sexual attraction lang ang nararamdaman mo sa kanya, 'tol?"

"Shit! I love her, deeper than you do."

"That's insane."

"No, that's a fact. At hindi ako magpapakagago ng ganito kung wala along pagmamahal sa kanya."

"Maraming babae, 'tol. Mayaman ka, guwapo, matalino, piloto... huwag si Rosette." "That's what I told myself. Pero hangal ang puso ko, hindi makaunawa."

Nakuyumos ni Raoul ng dalawang kamao ang sariling ulo... Diniinang mabuti iyon, ibig pigain haggang sa sumabog. Lumapit si Brad. Inakbayan si Raoul. "Hindi ko naman aagawin sa iyo si Rosette," aniya.

"You asked me, I answered. Pero ang guluhin kayo... hindi ko magagawa, tol. Magpapakasal pa rin kayo."

Hindi sumagot si Raoul.

"Mahal kita, mahal ko rin si Rosette," dagdag pa ni Brad. "Mahalaga kayo sa akin. I'll be happy kapag makita kayong parehong masaya. Huwag mo akong intindihin. Lilipas din ito." Tumayo na si Brad. Iniwan sa terasa si Raoul. Pumasok sa kanyang silid at ipinahinga ang sarili.

Kahit papanoy gumaan din ang pakiramdam niya. Ngayon ay hindi na lihim ang damdamin niya kay Rosette. Dalawa na ang nakakaalam niyon. Sina Raoul at Fil. At kung may tao pang gusto niyang makabatid niyon, walang iba kundi si Rosette mismo. Pero huwag na lang. Tanggi ng isip niya. Sasabihin niya sa kapatid na huwag nang ipaabot kay Rosette ang kanyang mga pahayag. Dahil maaasiwa lamang si Rosette kapag mag-asawa na sila ni Raoul at mag-iisa silang tatlo sa malaking bahay na ito. Magkakaroon lang ng tensiyon. Nang hindi ganap na kasiyahan.

Kung Kailan Mahal Na Kita | DIGNA DE DIOSNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ