The Attempt

2 0 0
                                    

Clarence's POV

Pag uwi namin sa bahay ay agad kong kinausap si Cyline 

" CY! Tulungan mo ako . Gusto ko kasi si Faith ang maging prom date ko . Kailangan Kita , please . Baka maunahan pa ako ng iba , alam mo naman marami nagkakagusto kay Faith sa school diba ? "

" oo at isa ka na dun 😜 "  pang aasar niya 

" oo na sige na , tulungan mo ako ha "

" sige "

" tsaka Cy, may plano kasi ako eh, ano sa tingin mo,  kung umamin na kaya ako kay Faith sa Prom "

" hmmm, ikaw bahala . pero di ako sure dyan ah, kakagaling lang ni Faith sa disappointment niya kay Kyle. Alam mo bang sasagutin na sana niya si Kyle ,  tapos ganun ganun nalang? Syempre may part parin na masakit yun diba ? "

" Pero Cy! sure na ako sa nararamdaman ko e. Ayoko na maunahan nanaman ako " 

" Ikaw bahala "

Sabado ng umaga ay napadaan ako kila Faith para sana ipaalam sa mommy niya ang plano ko na ayain sya na maging prom date ko . Sakto naman at wala si Faith doon

" Hello po Tita Clarisse 😊 "
" Oh Clarence. Naku Wala si Faith dito . Pumunta sa birthday ng pinsan nya.  Ano sadya mo ? "
" Okay lang po tita . Kayo po talaga ang sadya ko . "
" Bakit ? May problema ba kayo ni Faith ? "
" Ahh . Wala po . Gusto ko lang po sana ipaalam sa inyo kung pwede po ba na sya ang makadate ko sa prom. "
" Ah.  Jusko naman. Syempre naman. Ikaw paba ? Malakas ka sa akin e.  Pumasok ka muna at mag meryenda. "

Pagdating namin sa loob ay nabanggit ko na nga kay tita ang plano ko sa prom namin . Na susunduin at ihahatid ko si Faith sa kanila.  Pumayag naman ang mommy nya .
Nagulat naman ako sa biglang tanong nya

" Clarence, may tanong ako sayo. Wag mo sana mamasamain "
" Ano po yun tita?"
" Kayo ni Faith, napapadalas kayong magkasama. Alam ko naman na mag Best friend kayo . Pero matanong ko lang. Hindi ba kayo nagkakagustuhan ? "
" Ahh tita.. ano po ... " Utal utal kong sagot
" Uyy wag mo seryosohin ha. Kung magkakagustuhan kayo , okay lang naman sa akin . Mas kilala kita kesa sa mga ibang nanliligaw sa kanya "

Sa sinabi ni tita ay napagpasyahan ko na sabihin ang totoo .

" Hindi ko lang po alam kay Faith tita. Pero kasi .. may sasabihin po ako . "

" Ano ba yun ? "
" Wag na po sana makarating kay Faith. Pero , ang totoo po matagal ko na po siyang gusto. Bago palang po siya mag birthday e sinabi ko na po kay Cyline. Pero hindi ko po pinaalam kay Faith. Natakot po kasi ako na baka masira ang kung ano mang meron kami ni Faith kapag sinabi ko sa kanya ang totoo. "
" Talaga ba 😊 Kaya pala ramdam ko na may something kapag magkasama kayo e . Wag ka mag alala. Secret lang natin to . Hahah. "
" Pero tita may pinaplano na rn po ako sa prom e. Gusto ko po sana sabihin sa kanya ang nararamdaman ko sa araw po ng prom pero nagdadalawang isip po ako. Baka kasi bigla akong layuan ni Faith "
" Alam mo iho, sa pagkakakilala ko kay Faith, hindi siya ganun e. Kita mo naman ineentertain nya naman mga manliligaw niya ng maayos diba? Pag ayaw naman nya sa tao, sasabihin nya ng maayos tapos kakaibiganin nya parin . Ikaw pa kaya na best friend niya ? "

Hindi na ako nakaimik. Maya maya pa ay narinig namin na parating ma si Faith kaya natahimik kaming dalawa .

" Hi ma! Nandito na po ako , Clarence nandito ka pala "
" Ah oo. Wala kasi ako magawa sa bahay e kaya pinuntahan kita. Wala rin kasi si Cyline. "
" Ganun ba? Sorry ah. Nagpunta lang ako saglit sa birthday ng pinsan ko "
"No worries 😊 "

" Mabuti pa Faith at maglakad lakad muna kayo sa park , kanina pa yan nabo bored si Clarence. Singit  ni Tita Clarisse 

" OO nga naman, tara? " aya niya sa akin at ngiti lang ang naisagot ko sa kanya dahil kinakabahan ako sa mga oras na ito dahil hindi ko talaga alam kung ipapaalam ko na ba sa kanya ang nararamdaman ko 

Destined for my BestfriendWhere stories live. Discover now