Chapter 10

18 3 0
                                    

Chapter 10

I woke up with loud music banging around the room. Minulat ko ang mga mata at napapapikit muli nang matamaan ng sinag ng araw. Nakabukas ang kurtina ng kwarto at ang bintana ng terrace kaya tamang tama ang sikat ng araw sa aking mukha. Napakusot naman ako ng mata sabay upo sa higaan at libot ng paningin sa kwarto.

"Morning, Tiff!" Pravda greeted me from her vanity table, while she's combing her hair and singing at the same time. Looks like she was already done taking a bath.

"Good Morning po. What time na?" I asked her, and she looked at her phone's clock and said it's already quarter to eight. I nodded at her and stood up and wore my slippers before walking to enter the bathroom.

After taking a shower I immediately wore a comfortable yellow off shoulder dress. Lumabas na ako ng banyo at nakitang wala na rin si Pravda sa kwarto, patay na rin ang malakas na patugtog nito kanina. Sinuklayan ko na lamang ang sarili at tuluyan nang lumabas ng kwarto at bumaba para kumain.

"Morning bebe!" Kuya Michael greeted me first when he saw me entering the dining room. I smiled at him and looked at everyone, already in the dining room.

"Good Morning po."

"Eat, Tiffany. It's bacon and eggs. Ininit ko rin 'yung kinain ko kagabi na tinola." Ate Armani softly said as I sat on my chair. I nodded and said my thank you.

She has a very soft voice, a very fragile one. Tipong parang siya ang pinaka anghel sa aming lahat. But she's very distant to us. Minsan lang ito sumama sa mga gatherings dahil na rin sa hindi rin sumasama ang Daddy niya na si Tito Louis. Hindi rin kasi gaano ka close ni Daddy at ng mga kapatid ni Daddy si Tito Louis dahil hindi ito lumaki sa mga Ximenes.

Pravda sat beside me. Siniko ako nito bigla habnag kumakain kami.

"May number ka ni Sirius?" She asked so I nodded.

"Nag uusap kayo?" Sunod niyang tanong. Nilingon ko siya bago tumango dito. "Ngayon, kahapon?" Inilingan ko naman ito ngayon.

"Oh see? Hindi ka man lang hinahanap o kino-contact! Dapat kung talagang gusto niya ang kasalang ito ay aware siya sa mga ginagawa mo. Curious ba, ganon!" Sabi nito sabay busangot ng mukha at subo ng Bacon. "May Girlfriend na 'yon! Sayang bet ko na rin naman sana siya kasi gusto mo naman siya, pero eh...!" Hindi ko na maintindihan ang sinasabi nito dahil sa puno pa ang bibig niya ng pagkain habang nagsasalita.

I pouted. "Stop talking muna po. We're eating."

"Hep! Anong pinag uusapan niyo ha?" Kuya Michael, as always, eyed as suspectedly. Umiling naman ako dito.

"Wala po."

"I believe it's Alcazar." Kuya Valentino in front of me, butted in so I looked at him and pouted as I saw him smirking at me.

"Tiff." Napalingon naman ako kay Kuya Yves ngayon sa tabi ko. "You're seriously interested in Alcazar?" He asked me with serious eyes. Iniwas ko naman ang tingin sa kanya.

"Hey! Stop nga, Yves! Baka she's feeling uncomfortable na, you're invading her personal space." Ate Dior said. She's beside her Kuya Valentino. Then beside Kuya Valentino on the right was Kuya Versace and Kuya Michael. Beside Ate Dior is Ate Chanel. Ate Givenchy was in the middle of the long table, just a sign that she's older than everyone here and listen to her. Then Ate Armani beside me, then Kuya Yves on my Right, and Cartier.

"Anong personal space? Nagtatanong lang naman ah!" Kuya Yves defended himself. Napangiwi naman sa kanya si Ate Dior and Ate Chanel.

"Stop it, Yves. It's just for a good relationship, she said, kasi nga ikakasal sila. Sumusunod lang si Tiffany." Ate Chanel said to his brother and continued eating.

Nothing NewWhere stories live. Discover now