CHAPTER 71

690 20 5
                                    

— CHAPTER 71 —

» CALVIN'S POV «

“So, saan mo gusto pumunta?” I asked her.

Saturday ngayon at wala kaming pasok dahil na schedule sa ibang department ang pang saturday na araw. Kami lang ata yung college na walang pasok tuwing sabado.

“Kahit saan.” sagot naman niya.

Habang nasa biyahe ay maya't maya ang tingin ko sa kanya dahil mukhang inaantok pa din siya hanggang ngayon.

Maaga ko kasi siyang sinundo sa bahay nila dahil inalok ko siyang mag unwind dahil weekend naman ngayon at isa pa parang date na din namin ito.

“Mukhang hindi ka ata nakatulog ng maayos kagabi.” puna ko dito.

“Oo, ang ingay kasi ng mga aso sa labas.. sige ang tahulan na para bang may tao sa labas ng bahay kagabi.” sagot naman nito habang humihikab pa.

“Gusto mo bang dalhin kita sa rest house namin sa Tagaytay?” suhestiyon ko dito.

Muli naman itong nabuhayan dahil sa sinabi ko.

“Talaga?”

“Oo naman, bakit hindi haha. Hindi ba sinabi ko na sa’yo mag u-unwind tayo?” naka ngiting ani ko.

“Pero mahaba ang bi-biyahehin natin siguro mga 2-3 hours depende sa traffic. Baka mapagod ka sa pagmamaneho.” nag aalalang sambit niya.

“Don’t worry about me, okay? Ayos lang ako at saka isa pa.. gusto kong mapasaya ka. Mahal kita at gagawin ko ang lahat ng ikakasaya mo.”

Matamis na ngiti naman ang kanyang sinagot at mabili na niyakap ako kahit nag dri-drive.

“Ohh wait, mamaya na tayo nyan pag nasa rest house na tayo. Baka mabangga tayo hahaha.” biro ko naman na tinawanan lamang niya sabay hampas sa balikat ko.

“Ewan ko sa’yo.” aniya at inirapan ako.

“Matulog kana muna, gigisingin na lang kita kapag nandoon na tayo.” mahinahong sambit ko.

“Eh paano ka?”

“Okay lang ako, ikaw ang mas kailangan ng tulog dahil puyat ka.” naka ngiting tugon ko.

“Okay, sige.” Ani na lamang nito at ipinikit ang mga mata.

» AMBER'S POV «

Araw ng sabado ngayon at maaga akong pumasok dahil lahat ng mga kasama ko ay nag day off dahil sa mga kanya kanyang rason nito. Pinayagan naman silang lahat ni Sir Liam umabsent muna dahil mga valid naman ang rason nilang lahat.

Katanghalian tapat ng pumunta si Sir Liam sa milktea shop para kamustahin ako.

“Kamusta ka dito, Amber? Okay ka lang ba mag isa dito?” Tanong niya pagkapasok sa loob.

Wala pa naman customer dahil katatapos lamang maubos ng mga ito at tapos ko na din i-cash count ang mga pera at balance naman ang mga ito, kaya wala akong pro-problemahin. Bukod kasi sa ako na ang cashier ay ako din ang nag a-assist at naghahatid ng mga order nila.

Grabe ganito pala kapagod kapag mag isa lang sa shop, mabuti na lamang ay alam ko na agad lahat ng gagawin pati na din sa pagluluto ng sago.

“Okay naman po, Sir Liam.” naka ngiting sagot ko naman.

“Hindi ka naman ba masyado pagod?” Tanong pa niya.

“Medyo lang po Sir pero keri naman po kahit mag-isa lang ako hehe.”

“Teka, kumain kana ba?”

“Uhmmm h-hindi pa po. Ngayon pa lang po kasi nauubos ang customer, pero huwag po kayo mag alala kakain na din po ako, kayo po ba kumain na?” balik tanong ko sa kanya.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon