CHAPTER 39

622 22 0
                                    

— CHAPTER 39 —

» RENZO'S POV «

Nandito pa din ako hanggang ngayon sa court habang nag dra-drawing.

“Ohh.. you’re still here?” Ani Jen sa’kin.

“Bakit bumalik ka?” balik tanong ko sa kanya.

“Hmmm nothing.. it’s so boring. Arghhh! Wala ako makausap bukod sa’yo e.” reklamo niya.

Habang nag-uusap kaming dalawa ay napansin ko sa di kalayuan ang babaeng papasok ng court.

Naka ngiti siya habang papasok sa loob at napaka ganda niya lalo na ang mga ngiti niya na nakaka-akit.

“You like her, right?” Jen asked me.

“Tss. No!” l immediately answer.

“Don’t me Couz hahaha. l already know you.” she laughed.

“Akala ko ba ayaw mo sa kanya.” turan ko.

“Hmm yes, but you... you like her, do you? hahaha.” Aniya na hindi pa din maalis ang pagkaka ngiti.

“Tss! Bumalik kana nga lang sa classroom kung mang-aasar ka lang.” ani ko dito.

“Sus hahahaha.”

» AMBER'S POV «

Nanuod muna ako ng ilang oras sa pag pra-practice nila Colton bago magpa alam sa kanya.

“Uhmm Colton.. kailangan ko na pala umalis may trabaho pa kami ni Audrey e.” paalam ko sa kanya ng bigyan sila ng fifteen minutes break ng coach nila.

“Sige ipapahatid na lang kita sa driver natin, dahil hindi kita maihahatid ngayon dahil may practice pa kami, babawi na lang ako sa’yo next tim—”

“Hindi na kay Audrey na lang ako sasabay panigurado hinihintay na ako nun sa parking lot ngayon.” Putol ko sa sasabihin niya.

“Ohh sige, mag-iingat ka ah. Next time ako naman maghahatid sa’yo.” naka ngiti sambit niya.

“Sige.”

Bago pa ako makatalikod ay mabilis na hinila niya ang kamay ko at mabilis na hinalikan ako sa mga labi.

Napansin ko naman ang iilan sa mga studyante na nakatingin sa amin pati na din ang mga kaibigan niya.

Agad naman akong napayuko dahil sa hiya.

“HINDI KA TALAGA NAKAPAG PIGIL PRE, PWEDE NAMAN MAMAYA NIYO NA LANG GAWIN YAN.” Dinig ko sigaw ni Steve.

“UMAAAAAAAAAAY!” Dagdag pa ni Gavin.

Maging ang mga ka teammates niya ay hindi na din napigilan ang panunukso sa amin.

“Soon to be Daddy na ba, Dude? Hahaha.”

“Ninong kami Tol ah hahahaha.”

“Mga gago manahimik nga kayo.” Asik ni Colton sa mga ito.

“Sige Colton, alis na ako.”

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at agad na tumalikod ako at naglakad.

Kanina ko pa tinext si Audrey at sabi niya ay nasa parking lot na siya.

Tingnan ko naman ang orasan ko at mag-aalas tres pa lang pala ng hapon, masyado pang maaga. Kung sabagay wala naman kaming klase ngayon, dahil may meeting ang mga teachers.

Palabas na sana ako ng basketball court ng biglang...

*BLAAAAAAGGGGGGG*

“OUCCCCHHH! ARE YOU STUPID? HINDI KABA MARUNONG TUMINGIN SA DINADAANAN MO? LOOK WHAT YOU'VE DONE TO MY SHOES, NADUMIHAN NG DAHIL SA KATANGAHAN MO.” Singhal nito sa akin na halos umusok na ang magkabilang tenga niya sa galit.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon