CHAPTER 32

848 30 0
                                    

— CHAPTER 32 —

» AMBER'S POV «

Lumipas ang mga araw at nalaman ko na lamang na kinasuhan pala ni Colton si Nepthalie ng kidnapping.

Ayaw ko man mangyari yun sa kanya dahil bukod sa nag-aaral pa siya ay naaawa din ako para sa kanya.

Pero nabalitaan na lamang namin nung isang araw na inilipat pala siya sa isang Mental hospital dahil napapansin nilang may kinakausap daw itong hindi nakikita sa kulungan, kaya naman napag pasiyahan ng mga parents niya na dalahin siya sa isang mental upang mapagamot ito.

Gusto man namin siyang puntahan ay hindi pwede dahil mahigpit na ipinagbabawal ng mga magulang niya na bawal siyang bisitahin maliban sa kamag-anak lamang niya.

"Alam niyo noon ko pa talaga napapansin na may sira sa ulo ang babaeng yun." ani Aimee.

"Halata naman e hahaha." Saad naman ni Audrey habang tumatawa.

Nandito kami ngayon sa cafeteria habang nag lu-lunch.

"Hayss pero nakaka awa pa din siya." Sambit ko naman.

"Wala na tayo magagawa dahil baliw talaga ang babaeng yun. Biruin mo, gagawin ang lahat makuha lang sa’yo si Colton. Argghhh! Desperada." Tila inis na saad ni Aimee.

"Tama na nga yan, tara na sa classroom malalate na tayo sa klase." Yaya naman sa amin ni Audrey.

Agad naman kaming naglakad patungo classroom.

» CALVIN'S POV «

Napansin ko naman ang Teacher namin na busy sa pagsusulat sa blackboard, kaya naman ito na ang pagkakataon ko para makalipat ng upuan.

Lumipat naman ako sa kabilang row na malapit sa kinauupuan nila Audrey.

Marahan kinalabit ko naman ito sa balikat.

Napalingon naman ito sa akin.

"Ohh Calvin."

Pabulong na sambit niya sa pangalan ko.

"May gagawin ka ba mamaya after class?" Tanong ko sa kanya.

"Hmmm wala naman." Sagot niya.

"If it’s okay with you, let’s have dinner later?" alok ko.

"Hmmm sure."

May maliit na chalk naman ang tumama sa ulo ko.

"WHAT ARE YOU TWO DOING IN THE BACK?"

Malakas na sigaw ng Teacher namin sa unahan.

Kung hindi ako nagkaka mali ay siya din yung teacher namin nung time na ginalitan din sila Colton at Amber.

"MAY GINAGAWA BA KAYONG MILAGRO DYAN SA LIKOD?" Dagdag pa nito.

"Uhmm nothing Ma’am." Naka ngiwing sagot naman ni Audrey.

"Tss! Focus on my class kung ayaw ninyong palabasin ko kayong dalawa at paglinisin ng CR." Masungit na saad nito habang naka tingin sa amin dalawa.

"Yes Ma’am." Sabay namin sagot.

"Hayss mga kabataan ngayon ibang-iba na sa mga kabataan noon."

Saad pa nito at tumalikod na upang ipagpatuloy ang pagsusulat sa blackboard.

» COLTON'S POV «

Pagkatapos ng class ay agad na umuwi kami ni Engot ng bahay.

"Yaya Melinda.. where’s Mom?" Tanong ko kay Yaya.

"Nako iho umalis ang Mommy mo at ipinapasabi niya sa iyo na sa isang linggo na daw siya uuwi dahil sa business trip niya sa Italy." ani Yaya.

"Ahh ganon ba, sige po magpahinga na kayo." ani ko.

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon