CHAPTER 56

947 27 0
                                    

— CHAPTER 56 —

» STEVE'S POV «

Pagbalik namin sa field ay mukhang nagkakagulo ang mga studyante kaya naman lumapit kaming tatlo sa mga nagkukumpulan na studyante.

“Ano nangyayari dito?” Agad na tanong ni Calvin sa isang studyante.

“Ahh wala ho. Nagkaroon lang ng hindi pagkaka intindihan.” sagot naman ng isang studyante na sa tingin ko’y isa din sa mga nakikiusyoso.

Tsk! Mga chismosa.

Lumapit naman kami sa kinaroroonan ni Audrey at Aimee na nasa gilid.

“Anong nangyari bakit sila nagkakagulo doon?” Tanong ko naman.

“E-EHH PAANO... SI COLTON SINIGAWAN BA NAMAN NG MASASAKIT NA SALITA SI AMBER SA HARAP NG MADAMING TAO. TSK! TSK! TSK!” Galit na bulalas ni Aimee.

“K*nginaaaaa naman oh! Hindi pa nga tapos yung problema, may dumagdag na naman. Tsk!” ani Gavin.

“We need to fix this, kailangan natin kausapin si Colton at ipaliwanag sa kanya ang lahat.” seryosong sabi ni Calvin.

“Paano natin sa kanya ipapaliwanag ang lahat kung pati tayo nakalimutan na niya?” Turan naman ni Audrey

“Bahala na ang mahalaga malaman niya ang totoo.” ani Calvin.

Mabilis na naglakad naman ito at agad na sumunod kaming dalawa ni Gavin sa kanya.

» AMBER'S POV «

*TAKBOOOOOOOOOO*

*TAKBOOOOOOOOOO*

*TAKBOOOOOOOOOO*

Lumalabo na ang paningin ko dahil sa makapal na luhang kanina pa nagbabadya sa mga pisngi ko.

Hanggang sa mapagod ako sa katatakbo ay umupo muna ako saglit sa gilid at napansin kong nasa likudan ako ng HRM department.

Heto na naman ako umiiyak na naman mag-isa. Kailan kaya mapapagod ang luha ko sa pagpatak, kasi ako pagod na pagod na. Pinipilit kong kayanin kahit sobrang sakit na, kahit grabe na yung naranasan ko sa’yo mahal pa din kita.

Nandito pa din ako kahit siya na ang mahal mo, kahit siya na yung hinahanap mo, kahit hindi na ako yung kayakap mo. Nandito pa din ako. Kahit sabihin nilang napaka tanga ko, oo alam kong tanga talaga ako lalo na pagdating sa’yo kahit sobra mo na akong nasasaktan ikaw pa din yung mahal ko.. kasi nangako ka sa akin na ako lang ang mamahalin mo kaya hanggang ngayon kumakapit pa din ako sa mga binitiwang salita mong ‘yon, kahit kinalimutan mo na ako lalo na dyan sa puso mo.

Napaangat naman ako ng ulo ng biglang may nasalita sa harapan ko.

“Awtss! Ang dating mala prinsesa ni Colton heto ngayon at umiiyak BWHAHAHAHAHAHAHAHA!” tumatawang sabi nito.

“Ano na naman bang kailangan mo?” Pigil ang galit na saad ko dito.

“Aba.. aba.. palaban kana ngayon ah? Huwag mong sabihin lalaban kana, dahil wala na sa iyong magtatanggol ngayon bukod doon sa impaktang kaibigan mo hahahahaha.” ani pa nito.

“Pwede ba umalis kana lang kung mang aasar ka lang.” ani ko pa.

“WHY WOULD I? HAHAHAHA! Bakit naman ako susunod sa isang pangit na katulad mo? Hindi ako aso para sumunod lang sa isang kagaya mo.” Nakangisi sambit nito sa akin.

“Hindi ka nga aso pero mukha ka naman aso na sunod ng sunod sa akin.” palaban na sabi ko na lalong ikinainis nito.

“ANO? Anong sabi mo. Ako mukhang aso? Halika nga dito bwisit kang babae ka.” galit na galit na sambit nito sa akin.

Naramdaman ko naman ang malakas na paghila niya sa buhok ko na sobrang sakit.

“A-Araaaaaay! A-Ano ba C-Charlotte, nasasaktan ako.”

“BAGAY LANG YAN SA’YO. IMPAKTA KA!”

Hila-hila pa din nito ang buhok ko hanggang sa makarating kami sa hallway ay pinagtitinginan na kami ng ibang mga studyante na dumadaan.

“Grabe kahit kailan napaka war freak talaga ng Charlotte na yan.”

“Tara na girls baka madamay pa tayo dyan.”

“Oo nga.”

Dinig kong usap-usapan nila.

May malakas na braso naman ang umalis sa pagkakahawak ng kamay ni Charlotte sa buhok ko at itinulak ito palayo sa akin dahilan para mapatumba ito sa lupa.

Nakakapagtaka dahil ngayon ko lang nakita si Renzo na ganito ka galit. Ibang iba yung mga mata niya kumpara sa nakasanayan kong nakikita sa kanya palagi.

“You’re free to hurt everyone that you want but, don't you ever hurt this girl again.. dahil hindi lang yan ang aabutin mo sa akin.” Diin sambit ni Renzo habang nakatingin kay Charlotte na ngayon ay nanginginig na ang tuhod sa takot.

“O-Oo R-Renzo.. s-sorry.” takot na sagot ni Charlotte kay Renzo.

“NO. Say sorry to her, habang nakaluhod ka.”

Napipilitan sumunod naman ito at lumuhod sa harapan ko.

Bakas naman sa mukha niya ang pagkapahiya.

“S-Sorry.. A-Amber h-hindi na mauulit.” ani nito at tumayo na.

Akmang tatalikod na ito ng biglang nagsalita ako.

“Sandali lang..” pigil ko dito.

“B-Bakit?” Tanong niya.

Lumapit naman ako sa kanya at ngumiti.

“Alam kong may dahilan ka kaya ginagawa mo ito, pero nararamdaman ko na may mabuti kang puso.” Naka ngiting sambit ko sa kanya.

“I-I’m S-Sorry Amber... I’m really sorry. Siguro dahil sa mga insecurities ko noon pa man kaya ko nagawa ang mga bagay na ito sa’yo.” Naluluha aniya.

“Sshhhh! Alam ko at naiintindihan kita.”

Pagkatapos namin mag usap ay naglakad na siya pabalik ng classroom niya.

Humarap naman ako kay Renzo na ngayon ay nakangiti na ulit.

» AIMEE'S POV «

Sinundan namin sina Calvin at alam namin kay Colton ito pupunta at hindi nga kami nagkamali dahil bumalik ang mga ito sa kinaroroonan ni Colton. Napansin ko naman na mukhang wala yung girlfriend ni Colton at mukhang mag isa lamang itong nakaupo sa damuhan.

“COLTON!” Malakas na tawag ni Calvin dito.

“What?” Walang emosyon tanong nito.

“Hindi mo ba talaga matandaan si Amber o kahit kami huh?” diretsong tanong ni Calvin dito.

“Tsk! Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ko nga kayo kilala dahil nagka amnesia ako two years ago pa.” pag amin nito.

“ANO?”

“AMNESIA?”

“YOU MEAN NAWALAN KA NG MEMORYA?”

Gulat na gulat na saad namin lahat maging sina Gavin at Steve ay hindi makapaniwala.

“Edi tama nga yung hula natin na nawalan nga siya ng memory kaya hindi niya tayo maalala.” ani Gavin.

“Tsk! Ilan beses ko ba dapat sabihin para maintindihan niyo? Huh?” tila may pagka inis na sabi niya.

“Huh? Bakit? Anong nangy—”

“BABYYY! Kailangan mo na pumunta sa office ni Ma’am kakausapin ka daw niya.”

Bigla naman sumulpot sa kung saan ang girlfriend ni Colton kaya naman hindi na namin ito nakausap dahil mabilis na tumayo si Colton para sumama dito.

Naiwan naman kaming lahat na tulala at nagtataka, at kahit isa sa amin ay walang makapagsalita dahil sa nalaman namin impormasyon about Colton.

Kung ganon tama nga kaming lahat ng hinala, nagkaroon ng amnesia si Colton. Pero ano ang nangyari sa kanya two years ago?

— END OF CHAPTER 56 —

𝑴𝒀 𝑺𝑻𝑼𝑷𝑰𝑫 𝑪𝑯𝑰𝑳𝑫𝑰𝑺𝑯 𝑾𝑰𝑭𝑬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon