Chapter Eleven
DAHAN-DAHANG iminulat ni Belle ang mga
mata. Pagkuwa'y iginala niya ang paningin sa
paligid. Naroroon siya sa isang hospital suite at
nakahiga sa puting kama.
Nakatayo sa kanang bahagi niya si Jaye. Sa
kaliwang bahagi ay nasumpungan niya si Gene,
nakaupo sa stool at hawak-hawak ang palad niya.
‚B-Belle!‛ napangiting saad nito nang makitang
nagmulat na siya ng mga mata.
‚How do you feel?‛ nakangiti ring tanong ni
Jaye.
Hindi siya sumagot. Nang tangkain niyang
bumangon ay mabilis siyang inalalayan ni Gene.
‚Careful,‛ anito. ‚Baka kung mapa'no ang
baby ko.‛
Masuyo nitong kinapa ang tiyan niya.
‚Baby mo?‛ nakataas-kilay na tanong niya.
‚Oy, bruha, pretend ka pang 'di mo alam!‛
nakangiting saad ni Jaye. ‚Kaya pala madalas
kang mahilo... dahil buntis ka na!‛
Natigilan siya. Alam niyang magtatatlong
buwan nang nag-cease ang monthly period niya.
Madalas siyang mahilo at maduwal. May kutob
siyang nagdadalantao na pero ayaw niyang
magpatingin sa doktor dahil natatakot
siyang makompirma ang hinala.
‚So what?‛ pagkuwa'y mabilis niyang sagot.
‚Problema ko 'to.‛
‚Problema nating dalawa,‛ sabi ni Gene at
hinagkan ang kanyang palad. ‚Dahil ako ang
ama ng batang nasa sinapupunan mo.‛
‚Paano kang nakasiguro?‛
‚Because I am the one you love.‛
‚Jaye!‛ Nanlalaki ang mga matang binalingan
niya ang kaibigan sa pag-aakalang ibinuking siya
nito.
‚Oy, wala akong sinasabi, ha!‛ paingos nitong
sagot. ‚He discovered it by himself.‛
‚Nagtapat na sa akin si Jeff na binasted mo
siya,‛ muling saad ni Gene. ‚Sinabi na rin niya sa
akin na walang namagitan sa inyo sa motel dahil
nagalit ka sa kanya at siya lang ang may
kagustuhan na pumunta kayo roon. Besides,
isang lalaki lang ang pinagbigyan mo ng iyong
sarili... Naturalmente, ako iyon.
‚Noon ko pa gustong sabihin sa 'yo na hindi ko
mahal si Margarette pero naisip kong baka hindi
mo naman ako gusto. And you know that I'm just
going to marry a woman if I love her. Biglaan ang
nangyari sa amin ni Margarette. And it's too late
bago ko na-realize that we weren't in love with
each other at all. Hindi ko lang alam kung paano
sasabihin sa kanya dahil akala ko, masasaktan
siya.
‚Isa lang ang babaeng gusto kong pakasalan,
ang babaeng gusto kong makasama sa buong-
buhay ko... and that's you. I love you, Belle.‛
Hindi niya napigilan ang paglalandas ng luha
sa kanyang mga pisngi, hindi niya mapaniwalaan
ang narinig.
Ipinikit niya ang mga mata at muling iminulat
upang tiyaking hindi siya nananaginip.
No, she wasn't dreaming.
Not anymore.
Malinaw na malinaw na nasa tabi niya si Gene
at ipinagtatapat ang saloobin nito. Dinig na dinig
ng kanyang dalawang tainga ang sinabi nitong
mahal siya nito.
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi
niya nang yakapin niya ito nang mahigpit.
‚I love you, too, Gene. Very much.‛
And they kissed with so much passion, tulak
ng kaligayahang nag-uumapaw sa kanilang mga
puso.
‚Haay, nakakainggit!‛ kinikilig na bulalas ni
Jaye bago tinungo ang pinto upang iwanan sila.
‚Sana magka-boyfriend na rin ang beauty ko!‛
YOU ARE READING
My Lovely Bride - Belle & Gene | ELIZABETH MCBRIDE
RomancePARANG nakalutang sa alapaap si Belle Reloza. Napakaganda ng suot niyang cream, beaded wedding gown. Ang kanyang buhok ay naka-brush up at may naiwan lamang na ilang strands sa may tainga at batok. She had a light makeup. Wala siyang gaanong accesso...