Chapter Seven
HOW LONG have you and Belle been best
friends?‛
Sinulyapan ni Gene ang lalaking nagsalita. Si
Jeff, ang lalaking kasama niya kanina sa shop ni
Belle upang magpasukat. Naroroon na sila sa
building sa Ortigas na siya nilang gagawing law
office.
At kanina pa ito tanong nang tanong ng
tungkol sa dalaga...
‚Fifteen years, more or less,‛ pormal niyang
sagot.
‚That's impressive,‛ anito. ‚How is she as a
friend?‛
Hindi siya sumagot. Bahagya niyang
ipinahalata na nababagot na siya sa paksa at
nagsasawa nang sumagot sa mga tanong nito.
‚Don't answer,‛ pagkuwa'y nakangiting sabi
nito. ‚Let me discover it for myself. I want to be
her friend, too.‛
Napakunot-noo siya. The way he feels it, hindi
pakikipagkaibigan ang totoong intensyon nito.
This man wanted Belle. Mukhang binabalak
nitong ibilang ang dalaga sa mga babaeng
pinaluha na.
Kilala niya ito sa pagiging playboy. Kaya
natural lang na makadama siya ng animosity...
lalo na't binabalak pa nitong biktimahin ang
inosenteng si Belle!
Siya ang unang makakalaban ni Jeff kung
sakali, kahit pa alam niyang malaki ang
maitutulong nito sa kanyang law office. Sa
koneksyon ay talo siya nito dahil sa Pilipinas ito
nakilala bilang abogado.
SABADO. Birthday ni Jaye. Inimbitahan nito sina
Belle, Gene, Margarette, at Jeff sa condo unit para
sa isang simpleng salo-salo.
Habang kumakain sa harap ng square dining
table, pasulyap-sulyap si Gene kay Jeff na noon ay
hindi na naman mapuknat ang mga mata kay
Belle. Parang gusto tuloy niyang pagalitan si Jaye
sa ginawang pag-imbita sa kasosyo niya.
Mayamaya'y biglang nag-ring ang cellphone ni
Margarette.
‚Excuse me,‛ sabi nito at pansamantalang
nagtungo sa patio upang kausapin ang tumawag.
Hindi na ito muling naupo nang bumalik sa
komedor. ‚I-I'm sorry, Guys, I have to leave.‛
CITEȘTI
My Lovely Bride - Belle & Gene | ELIZABETH MCBRIDE
DragostePARANG nakalutang sa alapaap si Belle Reloza. Napakaganda ng suot niyang cream, beaded wedding gown. Ang kanyang buhok ay naka-brush up at may naiwan lamang na ilang strands sa may tainga at batok. She had a light makeup. Wala siyang gaanong accesso...