Chapter Nine
NAKATULALA na naman si Belle kinabukasan
habang nakaupo sa harap ng kanyang desk.
Kanina pa siya kinakausap ni Jaye, ngunit hindi
niya ito pinapansin. Kaya minabuti nitong iwanan
na lang siya.
Hanggang sa mga sandaling iyon, hindi
mawala sa isip niya ang nangyari kagabi.
Tinupad naman ni Jeff ang pangakong ihahatid na
siya sa bahay at abut-abot ang paghingi nito ng
paumanhin.
Subalit hindi iyon ang tumimo sa kanyang utak
kundi ang nakitang si Margarette kasama ang
lalaking hindi niya kilala. Ayaw niyang isiping
nagtataksil ito kay Gene, ngunit malinaw na
patungo ito sa motel at may kasamang lalaki.
Nakaramdam siya ng habag kay Gene. Hindi
lang
pala
ito
ina-under
ni
Margarette,
pinagtataksilan pa.
Napatiim-bagang siya sa naisip.
Mayamaya'y bumukas ang pinto ng opisina at
napakislot siya nang makitang si Gene ang
pumasok. Pormal ito at hindi niya maintindihan
ang nais ipahiwatig ng mga mata.
‚G-Gene,‛ sambit niya at saka lamang naalala
ang sinabi ni Jaye na galing ito roon kahapon at
hinahanap siya.
Marahil ay pakikiusapan siya nitong huwag
babanggitin kay Margarette ang nangyari sa
kanila.
Marahil ay hihingi na naman ito ng
paumanhin.
Marahil ay...
‚Where did you go last night?‛ Naputol ang
pagbuo niya nang mga haka-haka nang marinig
ang malagom na tinig nito. ‚At kasama mo pa si
Jeff!‛
‚Hindi ba sinabi ni Jeff sa 'yo na nanood lang
kami ng concert?‛
‚Sa motel?‛
Napamaang siya sa pagkagulat. Dalawang tao
lang ang puwedeng magsabi niyon. Si Jeff... o si
Margarette. Subalit batid niyang hindi iyon
gagawin ni Jeff dahil alam nitong ikagagalit iyon
ni Gene.
Ano'ng karapatan ni Margarette ang sabihin
iyon kung gayon? Para iligtas ang sarili nito sa
YOU ARE READING
My Lovely Bride - Belle & Gene | ELIZABETH MCBRIDE
RomancePARANG nakalutang sa alapaap si Belle Reloza. Napakaganda ng suot niyang cream, beaded wedding gown. Ang kanyang buhok ay naka-brush up at may naiwan lamang na ilang strands sa may tainga at batok. She had a light makeup. Wala siyang gaanong accesso...