Chapter Six
KAHIT ano'ng gawin ni Belle, hindi pa rin siya
makatulog. Kung sa bagay, alas-nuwebe pa
lamang at maaga pa para matulog.
Naupo siya sa harap ng study table subalit
hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi
sinasadya, napasulyap siya sa desk calendar.
Malapit na naman ang birthday ni Gene.
Memorable sa kanya ang espesyal na araw na
iyon. Ang araw kung kailan sila napag-isa sa
Tagaytay at nagsabihan ng kani-kanilang mga
pangarap. At ang araw kung kailan niya
naranasan ang kanyang unang halik.
Tinutop niya ang noo at muling sinulyapan ang
kalendaryo. Minsan pa ay sumagi sa isip niya ang
sinabi ni Jaye - na isang araw ay mamamaalam
na sa kalendaryo ang edad niya. At hindi ganoon
kadaling humanap ng mapapangasawa ang isang
tumatandang dalaga. Baka mapunta lang siya sa
pinakapangit na tao sa mundo.
‚Gene,‛ bulong niya at gusto na namang
mapaiyak. Minsan ay gusto niyang pagalitan ang
sarili kung bakit tinuruan niya ang puso na isang
lalaki
lamang
ang
mahalin.
Ngayon
ay
nahihirapan siya nang husto.
Napukaw ang pag-iisip niya nang tumunog
ang telepono.
‚Hello,‛ malamya niyang sagot.
‚Hi.‛
Kumabog ang dibdib niya sa pamilyar na tinig.
‚G-Gene...‛
‚I'm sorry-‛
‚No,‛ putol niya rito. ‚I should be the one
asking for an apology. Pressured lang ako
kanina.‛
‚Wala 'yon sa akin,‛ sagot nito at parang
biglang sumigla ang tinig.
‚Thanks.‛
‚So, Marge and I will be dropping by at your
shop tomorrow,‛ anito. ‚Excited na ang bride
kong magpatahi ng gown niya.‛
‚S-sige,‛ nalungkot na namang saad niya.
‚Walang appointment si Jaye bukas. Pag-usapan
na rin natin ang preparation ng wedding.‛
‚Okay.‛
HINDI magawang ngumiti ni Belle kinabukasan
![](https://img.wattpad.com/cover/364417536-288-k684878.jpg)
YOU ARE READING
My Lovely Bride - Belle & Gene | ELIZABETH MCBRIDE
RomancePARANG nakalutang sa alapaap si Belle Reloza. Napakaganda ng suot niyang cream, beaded wedding gown. Ang kanyang buhok ay naka-brush up at may naiwan lamang na ilang strands sa may tainga at batok. She had a light makeup. Wala siyang gaanong accesso...