Chapter Four
SI BELLE ay nakatunganga pa rin at hindi
malaman ang sasabihin. Nasa mga mata niya ang
hindi maipaliwanag na excitement.
‚B-Belle!‛ Lumawak ang pagkakangiti ni Gene
habang nakatitig sa kanya. ‚Hey, Belle!‛
Ikinaway-kaway nito ang kamay sa harapan ng
walang kakurap-kurap niyang mga mata.
‚Belle!‛
Saka lamang siya natauhan sa lakas ng boses
nito.
‚G-Gene...‛
‚Yes, it's me!‛ anito.
‚Oh, God, Gene, it's you!‛ Tumayo siya at
walang sabi-sabing niyakap ito nang mahigpit na
halos sumakal na rito. Napapikit siya at kasabay
niyon ay tuluyan na niyang hindi napigilan ang
pagpatak ng masaganang luha sa kanyang mga
mata.
It had been eight years. And now, yakap-yakap
na niya ang lalaking matagal niyang pinangarap
at hinintay...
Ang lalaking hindi niya magagawang ipagpalit
sa kahit na sinong lalaki sa mundo.
Ginantihan ni Gene ang yakap niyang iyon.
‚I'll be staying for good,‛ nakangiting
pagbabalita nito. ‚I'm sorry kung hindi ako
tumupad sa usapan. There's a very tough
competition in the States. Ibinuhos ko ang lahat
ng oras ko sa pag-aaral ng law. After passing the
bar exam, I took my masters degree. Pagkatapos
niyon ay sumabak na kaagad ako sa practice. I
worked in a law office. Hanggang sa magkaroon
na ako ng sarili kong mga clients.‛
‚I'm happy for you,‛ naiiyak pa rin niyang
saad at pinahid ang mga luha. Pagkatapos ay
kumalas siya mula sa pagkakayakap kay Gene at
naupo sa gilid ng desk.
‚But then, hindi kompleto ang kaligayahan ko
sa US,‛ patuloy nitong kuwento. ‚Iba pa rin
talaga kapag nasa sariling bayan ka.‛
Napangiti siya sa narinig. Ang nasa isip niya
ay umuwi ito para sa kanya. Na nami-miss siya
nito. At sa matagal na pananatili nito sa America,
na-realize nito na siya ang talagang gusto nito.
Umikot na naman ang mga mata ni Jaye sa
![](https://img.wattpad.com/cover/364417536-288-k684878.jpg)
YOU ARE READING
My Lovely Bride - Belle & Gene | ELIZABETH MCBRIDE
RomancePARANG nakalutang sa alapaap si Belle Reloza. Napakaganda ng suot niyang cream, beaded wedding gown. Ang kanyang buhok ay naka-brush up at may naiwan lamang na ilang strands sa may tainga at batok. She had a light makeup. Wala siyang gaanong accesso...