Chapter 6

8 5 6
                                    

pagkatapos kong maligo ay nagpaganda agad ako. kailangan maganda ako sa paningin ni Harvey.

nag eyeliner and mascara ako para lalong gumanda. lip gloss para gorgeous talaga.

after kong mag ayos ay umalis na agad ako para hindi ako malate.

pagpasok ko ng room ay umupo na ako sa tabi ni Viviane pero parang wala siyang nakikita. baka nasanay lang ako na binabati niya ako tuwing umaga.

dati kapag pinapasagutan sa amin ay tofo ang kopya niya sa akin tapos ngayon ay parang wala siyang katabi.

nakakapanibago.

hanggang lunch ay hindi niya ako pinapansin. sinundan ko na lang siya papuntang Cafeteria pero mukhang hindi siya doon pupunta.

"Viviane!" sugaw ko sa kaniya pero hindi niya ako pinapansin. nung pangawalang beses ko siyang tinawag ay saka siya humarap.

"ano ba?!" pagalit niyang tanong na ikinagulat ko. may mood swing ata.

"what is your problem?" tanong ko sa kaniya. wala naman akong ginawa pero bakit pati sa akin ay mainit ang ulo niya.

"why don't you ask yourself." sagot niya at nagsimula na ulit maglakad.

way dont yu ask yurself nye nye.

mukha ba akong manghuhula pero gumagaling siya mag english kapag galit siya ah.

I can speak english din. hindi ako magpapatalo sa'yo, duh.

"ask myself? if I know the answer, why would I ask you?" bahala na kung may mali ang mahalaga I know how to speak english. duh.

"then you're..y-you're.. you're m-manhid." utal utal niyang wika habang nakapamewang.

"why d-do you.. w-why.. " ano nga ba yon? nakaka-nose bleed. ahh! alam ko na. "why don't you just spill the tea?" tama ba? bahala na. siya na ang bahalang umintindi.

"you really w-want.. you really w-wanna k-know? sure!" utal utal niyang wika habang naglalakad papalapit sa akin. "because you..you..youu!!!"

"what..m-me? what a-about me?" tanong ko habang nakataas ang kaliwang kilay. kaya namin 'to. tiwala lang.

"because you! just you!" sigaw niya sa akin at lalo pa siyang lumapit. halos isang dangkal na lang ang pagitan namin.

"what meeee?! me??mee!! what about mee?!" tanong ko sa kaniya at lumapit din ako. nakatingala siya sa akin ngayon dahil mas matangkad ako sa kaniya.

dwendeng bruha.

napapatingin na sa amin yung ibang dumadaan dahil para kaming tanga sa ginagawa namin.

"fine, sure, yes, go, okay. magbati na lang tayo. I can't take this anymore." napabuntong hininga na lang siya at umatras. "samahan mo na lang ako sa building ng Engineering."

"ano naman pupuntahan natin roon?" tanong ko sa kaniya. isa lang naman ang kilala kong pupuntahan namin doon kaya agad akong napangiti dahil makikita na ulit namin si Geo.

"basta," sagot niya kahit alam ko naman na si Geo ang pupuntahan namin. siguro kung wala si Jiro, silang dalawa ni Geo ang ishiship ko.

"oo na, alam ko na." nauna na akong maglakad  dahil excited na akong makita ang kaibigan namin. halos two months na din simula nung huling pagkikita namin.

"alam mo naman pala eh. so ito na nga ang chika about sa kaniya," sinabayan niya ako sa paglalakad habang nakangiti. "actually thankful ako kasi hindi mo ako hinanap kagabi sa club."

Love and LiesWhere stories live. Discover now