Chapter 4

8 5 2
                                    

pagkatapos namin magkwentuhan ni Lola ay naglibot muna ako sa bahay nila. Tinignan ko ang mga picture nila na naka-display sa living room.

pinagmasdan ko kung gaano sila kasaya nung andito pa si mama. nakita ko din ang Lolo Anderson ko na napaka gwapo nubg binata pa lang siya.

masaya kaya siyang andito kami ni mama? sana napatawad niya na ang mama ko.

nakarinig ako ng tunog ng bola ng billiard kaya lumapit ako kung saan ko ito naririnig. sumilip lang ako para hindi ako makita nila mama at tito.

"Hindi ka ba naaawa kay Amaya?" tanong ni tito kay mama saka niya tinira ang kulay itim na bola na may number 8 sa gitna. nashoot naman ito sa dulong butas ng  lamesa hudyat na panalo na si tito.

"naaawa pero  kahit anong pilit ko ay naaalala ko sa kaniya si Emiko," tama nga ang hinala ko. naaalala niya sa akin ang tatay ko. ang papa Emiko ko. "kaya minsan mas pinipili kong sumama sa mga lalakeng tigang." what did she mean? don't tell me..

"do you have a plan na sabihin sa kaniya na you work as a.. you know what I mean, in a bar."  tanong ni Tito sa kaniya. tama ba ang narinig ko? nagtatrabaho siya sa bar? "you can stay here naman kasi pero bakit mas pinili mo pa ang ganoong trabaho, you can also work in my company in a higher position." dagdag pa ni Tito.  umalis ako ng hindi nag papaalam dahil sa mga narinig ko.

naglakad lang ako palabas ng village dahil wala akong makitang tricycle. sabagay, mamahaling village 'to kaya imposibleng may tricycle dito.

Buti na lang ay may dala akong pera kaya pagkalabas ko ay pumara agad ako ng taxi. habang nasa biyahe ako ay tawag ng tawag si mama kaya pinatay ko muna ang cellphone ko.

ano na lang iisipin ng  iba kapag nalaman nila na nagtratrabaho siya sa bar? sa dinami daming trabaho bakit kasi ayon pa ang pinili niya. pwede naman kasi siyang mangatulong or ano basta wag sa bar.

almost 9pm na ako nakarating sa bahay. pagkapasok ko ay agad kong inopen ang cellphone ko.

bumungad sa akin ang message ni Viviane kaya agad ko itong  binuksan.

Viviane San Jose

8:58 Pm

pupunta ka ba?

punta ka please please pleaseeee

sineen ko lang siya at pinatay na ulit ang cellphone ko. naligo na ako at nag ayos para naman hindi ako mukhang hagard. fitted na dress na lang ang isunuot ko kasi wala na akong panahon mamili ng susuotin.

kailangan ko ng alak ngayon.

pagdating ko sa location ay agad akong pumasok sa magarang club. hindi ko na sila hinanap at dumiretso na ako sa counter para umorder ng alak.

kahit na hindi sa akin ang tequila na nasa harapan ko ay tinungga ko na ito.

tangina ang sakit sa lalamunan.

napatingin na lang sa akin yung bartender at yung katabi ko pero hindi ko sila pinansin. kailangan ko talaga ng alak ngayon para makalimutan ko yung mga narinig ko.

agad kong ininom yung inorder ko kanina na kakalapag lang ng bartender. tiniis ko yung tapag ng alak kahit halos masuka na ako dahil sa hagod nito sa lalamunan ko.

napansin kong nagbulungan yung bartender at yung katabi ko pero busy ako sa pag inom. maya maya ay may inilapag ulit yung bartender na Jack Daniel's kaya napatingin ako sa kanila.

Love and LiesWhere stories live. Discover now