Chapter 08

113 15 20
                                    

It's been a week mula nang huli kaming magkausap ni Sonnet. Ever since that night sa garahe, hindi na nnya ako binubully like how he used to.

Hindi ko na rin naman siya pinansin pa dahil alam ko namang na-hurt siya sa sinabi ko. I never intended it to be hurtful. Hindi ko naman alam na nagiging sensitive pala siya kapag Papa na niya ang pinag-uusapan.

He still made jokes and silly retorts pero hindi na siya nagbiro pa mismo sa akin. It's not that I miss it. Ang awkward lang kasi napansin na sa bahay ang coldness sa pagitan namin dahil alam naman nilang lagi kaming nagbabangayang dalawa.

Daddy even pushed us to go to school together kagaya na lang ngayong araw.

"Same time sa parking," walang emosyong sabi ni Sonnet habang nilalagay sa top box ang helmet.

"Okay."

He was pertaining to our agreed meeting time and place kapag uwian na. Mabuti na lang at halos parehas kami ng oras ng uwian everyday. Sa oras naman ng pasok namin kami nagkakaiba dahil siya ay araw-araw kailangang alas otso ang pasok samantalang ako ay iba-iba kaya naman ako na ang nag-aadjust na sumabay pumasok sa oras niya. Nakikiangkas lang naman kasi ako.

Dumiretso akong cafeteria dahil hinihintay ako doon ni Summer at ang pinsan niya, si Caspielle. Maaga rin silang pumasok ngayon dahil wala raw silang magawa sa bahay nila.

Kakaupo ko palang ay agad nang tumayo si Caspielle para umorder ng pagkain naming tatlo.

"Ano na ang balita?" tanong ni Summer. "Bukas na ang party. Nagpaalam ka na?"

Oo nga pala. May party bukas na gaganapin para sa 20th birthday ni Caspielle. Nakakahiya nga dahil hindi pa naman kami ganoon ka-close ay invited pa ako.

Hindi ako nakapagpaalam kay Daddy dahil pinagalitan niya ako kagabi. Nakita niya kasing dinagdagan ko ng asin ang niluluto ni Violet kahapon kasi wala naman talagang lasa. Noong kinain na namin ay sobrang alat naman kaya ako agad ang inakusahan at pinagalitan. Malay ko ba kung dinagdagan pa ng asin 'yon ni Violet para mapahamak ako?

Lalo lang uminit ang dugo ko sa babaeng 'yon. Nakakainis. Pati si Daddy ayaw na akong paniwalaan.

"Maiba tayo. Nakaisip ka na ba ng plano para mapaghiwalay si Tito at Violet?"

Napabusangot ako at nagpangalumbaba sa tanong niya. Umiling ako dahil wala pa naman talaga akong naisip na plano.

Sinabi ko kay Kuya 'yong tungkol sa plano kong pagpapauwi kay Mommy sa dati naming bahay at pagkikita nila doon ni Daddy kaso imbes na matuwa siya ay pinagalitan niya rin ako.

Hindi daw pwede si Mommy na maialis sa ospital. Paano pa kaya ang gagawin ko? Ayaw rin naman ni Daddy na pumunta doon para dumalaw sa kaniya.

Feeling ko, ako lang ang may gustong maging buo ulit ang family namin. This is so exhausting and futile.

"Alam mo 'yong palabas na House Arrest?" tanong ni Summer, out of the blue.

Malamya akong tumango sa kaniya. "Favorite namin 'yon ni Kuya."

Itinaas-baba niya ang mga kilay niya at saka ako nginitian ng nakakaloko, parang may gustong ipahiwatig.

Napaayos ako ng upo. "Hoy! Hindi pwede, 'no!"

Gusto ba niyang ikulong namin sa basement sina Daddy at Mommy para lang magkabalikan sila kagaya sa movie?

Kahit iyon na lang ang choice sa mundo ay hindi naman posible dahil sa sitwasyon namin.

"Hmm." Tinapik-tapik niya ang baba niya, animo'y may sense ang iniisip. "Kung hindi sila pwedeng ikulong sa basement, bakit hindi na lang kayo ni Kuya Cart? Mukha namang mabait 'yon."

Dis-Engagement ProposalWhere stories live. Discover now