Chapter 04

164 26 58
                                    

"Your grades will be uploaded on your portal. Enjoy your vacation, guys!" paalam ng prof namin.

Napatayo ang mga kaklase ko at binitbit na ang mga bag nila palabas ng classroom. Rinig na rinig ang saya at ginhawa ng bawat isa dahil natapos na rin ang finals.

Makakapagpahinga na rin ang utak!

Pero mukhang ako hindi pa dahil kagabi ko pa iniisip ang kalagayan ni Mommy.

Gusto ko siyang puntahan doon ngayon para malaman ko ang sitwasyon niya pero titiisin ko muna dahil sabi ni Ninong kailangan pa niya mag-cope sa emotions niya.

Kasalanan ko rin naman kung bakit niya ako nasaktan. I absentmindedly told her to come home tapos hindi naman pala namin siya iuuwi. Kung ako man din ang paasahin ng ganoon, makakasakit talaga ako.

Gusto ko sa susunod na dalaw ko sa kaniya, hindi na siya galit sa akin. For now, papahupain ko muna ang nararamdaman niya kaya sasama na lang ako magbakasyon with Dad and Kuya Ali. Para na rin makabonding at makabawi ako kay Daddy sa nangyari kahapon. Kasalanan ko naman 'yon, e.

Lumabas na kami ni Summer ng classroom at naglakad palabas ng university dahil nandoon na si Kuya to pick us up.

"Doon kami sa probinsya magbabakasyon. Isasama namin si Cas," sabi ni Summer, tinutukoy ang pinsan niyang sinundo niya sa airport noong isang araw. "Kayo ba, saan?"

"Meh. Boracay lang." I shrugged, teasing her. Alam kong favorite niya ang beach.

"Wow naman!" Tinulak niya ako at muntik na akong ma-out of balance. "'Di man lang nag-aya, ah!"

I laughed at her reaction. "Sila nga nagbook, e! Malay ko ba!"

"Sana all, Olivienne Rose!"

Natawa na lang ako sa pagbusangot at pagpamewang niya. She's so madaling mapikon. Isa sa mga ugali na naadapt ko sa kaniya.

Pagkarating namin sa labas ay nakita agad namin ang kotse ni Kuya. Black Toyota Vios.

Nagbaba siya ng window sa shotgun seat at tinanguan niya kami, seryoso ang aura. "Sakay."

Hinila ko si Summer at tinulak sa shotgun seat. Ako naman ay dumiretso sa back seat.

Agad akong nilingon ni Summer at inirapan habang ipinagsi-seatbelt siya ni Kuya.

Asus. Ang sweet naman. Itong dalawa na 'to ayaw pa kasing umamin na gusto nila ang isa't isa. E, masyado naman na silang obvious!

Nginisian ko si Summer para mas lalo siyang mabwisit. "Kuya, sama daw si Summer bukas sa Bora."

"Hoy! Wala akong sinabi, ah! Ikaw issue ka!"

Hindi ko napigilang matawa sa reaction niya lalo na nang wala namang kibo si Kuya sa sinabi ko. For all I know, kinikilig din naman itong isang 'to.

Isang torpe at pakipot. Ako ang naiinip sa kanilang dalawa, e.

Tahimik lang ang naging byahe namin. Walang may gustong magsalita sa kanila kahit ilang beses ko nang bwisitin.

Siguro kung nakakasapak lang ang irap ni Summer, kanina pa ako pasa-pasaan. Mabuti na lang at mas una siyang ibababa kaya naman maaasar ko pa si Kuya.

Paghinto sa harap ng condo nila ay sabay kaming bumaba.

Lumipat ako sa harap. "Bye, Summer!" paalam ko.

"Bye, Livie! Ingat kayo sa Bora. Sana kainin ka ng shark don." Umirap pa!

"Magba-bye ka naman, Kuya!" Siniko ko siya.

"Tsk," inis niyang sabi sabay kamot sa ulo. "Sige na. Goodbye, Summy." Mukha pang napilitan.

Dis-Engagement ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon