Chapter 11

234 25 33
                                    

Hapunan na at hindi ko na matiis ang gutom ko kaya napagdesisyonan ko nang sumabay sa kanila. Kahit pa para akong magpapawis ng malamig sa naging usapan namin ni Sonnet.

Everyone was seated nang makababa ako. Awkwardness enveloped the whole dining room. Tunog lang ng kutsara't tinidor ang maririnig dahil wala ni isa ang gustong magsalita.

Daddy and Violet were both quiet. Paminsan-minsan silang nagkakatinginan pero hindi rin naman kumikibo. Their silent treatment bugged me big time. Alam kong alam nila na masama ang loob ko sa kanila pero hindi naman sana ganito. Alam kong hindi ko sila pinansin when they tried talking to me pero sana naman nag-try pa ulit sila.

Feeling ko tuloy, ako pa ang may kasalanan kung bakit ako nagreact ng gano'n. Ni hindi man lang nagpursige si Daddy na maging okay kaming dalawa.

Even Kuya Ali and Kuya Cart were weighing the situation. Parehas silang nangangapa kung ano ang pwede nilang gawing topic na hindi makakapagpalala ng invisible barrier.

Then there's Sonnet. Chill lang siyang kumakain. Sa aming lahat, siya lang ang gumagawa ng ingay sa maya't mayang pagkuha ng pagkain sa mga serving dish. Siya lang ang may gana.

"Baby, paabot ng adobo."

Humigpit ang hawak ko sa kutsara't tinidor nang magsalita si Sonnet. Nag-angat ako ng tingin at lahat sila ay nakatingin na sa akin. There was confusion and judgment in their eyes.

Gusto ko pa sanang lumusot pero wala akong kawala dahil nakagitna lang naman sa amin ni Kuya Ali ang adobong hinihingi ni Sonnet.

Alangan namang si Kuya Ali ang tawagin niyang baby! Obvious naman na sa akin sila magdududa!

Is he telling them already about us? Are we really telling them now?

"Baby," pinagkalinaw pa niya ang bigkas. "'Yong adobo, please."

"Ano, Sonnet?" Kuya Ali errupted, stealing the spotlight. "Anong baby?"

Hindi sumagot si Sonnet. Walang nagbago sa expression niya. Para bang expected niyang may magrereact ng ganito.

"Chill, man," Kuya Cart interfered.  "Baby as in baby sister 'yon. 'Di ba, Son?" He elbowed Sonnet. Pinipilit niyang umoo na lang ito para mawala na ang awkwardness.

Napalingon naman ako kay Daddy at Violet na parehas nag-aabang sa isasagot ni Sonnet.

Kung kanina ay nasa akin ang mga mata nila, ngayon naman ay walang gustong mag-alis ng tingin sa lalaking pasimuno.

Imbes na sumagot agad ay nagawa pang uminom muna ng tubig ni Sonnet. "Natural lang sa amin 'yon," panimula niya, "because we're dating."

"WHAT?!"

"ANO?!"

"HA?!"

I bit my lower lip sa sabay-sabay nilang reaksyon. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi ko!

Talagang umamin nga siya! Ni hindi man lang niya ako na-briefing na ganito pala ang una naming gagawin!

"Yeah. Matagal na kaming nagde-date. Hindi lang namin nasabi," pagtutuloy niya sa sinimulan niyang kasinungalingan. Para lang siyang nagku-kwento ng alamat sa asta niya!

Dis-Engagement Proposalजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें