Chapter 23

22 14 0
                                    

FELICIA SHAYNNE POV

NAGULAT pa ako nang madatnan ko bahay si Denarius. Tahimik lang ito na nanonood ng TV sa may salas habang may hawak na canned beer na tiim-bagang nakatingin sakin.

"Where have you been?" he asked me coldly.

"Your car was there when I went by the office earlier, but the security informed me that you had departed at midday" he added.

"May pinuntahan lang kami ng kaibigan ko si Caramel, sinamahan ko lang mag-shopping" kinakabahan man ay pinilit kong hindi mautal. He glanced at me for a moment.

Sabay hagod ng tingin gustong kong isipin na tila kumikislap ang mata niya ng tingnan ang kabuuan ko, ngunit ayokong mag-assume mahirap na.

"Kumain ka na, ako ang nagluto" malamig pa ring wika niya at muling ibinalik ang pansin sa pinanood.

"Ikaw, kumain ka na ba?" tanong ko sa kaniya.

"Not yet, hinihintay kita" nagtataka naman akong tiningnan siya, ito ang kauna-unahang pagkakataon naming mag-asawa na hinintay niya ko. Himala anong nakain nito.

"Maghahanda lang ako sandali" I turned around and went to the kitchen. Nang matapos kong magkapaghanda ng hapunan ay sabay na kaming dumulog sa mesa. Wala pa rin itong kibo, na parang kay lalim ng iniisip.

Hindi ko na kaya ang katahimikan kaya binasag ko na ito.

"May problema ka ba?" hindi ko mapigilang magtanong hindi ako makatiis.

Tumigil siya sa pagsubo at tiningnan ako.
"Sa opisina ba?, Wala naman" kaswal niyang sagot.

"Napagod lang ako ngayong maghapon" napagod kasama si Anastasia.
Gusto kong sabahin iyon pero hindi na lamang ako kumibo.

After we were done, he went back to the living room as I was cleaning up what we had eaten. When I went by the living room, I saw him lying on the sofa akala ko'y tinapos pa niyang panoorin iyong movie na pinapanood niya kanina.

Nakapikit ito kaya hindi ko maiwasang titigan ang maamo niyang mukha. Gusto kong haplusin pero baka magising. Nakakunot-noo pa kahit nakapikit na para bang ang lalim ng iniisip.

Nagulat pa ako nang biglang siyang dumilat, huling-huli niya ang pagkakatitig ko sa kaniyang mukha.
Binaling ko nalang ang tingin ko sa kabilang side. Namumula na siguro ang mukha ko ngayon at ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba at hiya. Tangnang juice.

"M-mukhang masama ang pakiramdam mo...m-may gamot ako dito" kanda utal-utal kong saad sa kaniya.

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti na tila may masamang balak.

"Medyo nga masakit ang ulo ko" nataranta naman akong tumayo.

"Sandali lang, kukuha ako ng gamot"
tatalikod na sana nang tawagin niya ko.

"Huwag na" pigil niya. "Pakimasahe mo na lang ang noo ko, kung pwede?" wika niya na may ngiti sa labi.

"Ha?" nagulat ako sa sinabi niya. Wait! ano naman ang nakakagulat? Magpapamasahe lang naman siya ng noo na dati ko naman na iyong ginagawa noong magkaibigan pa lang kami. Ang oa ko naman masyado.

Walang kibo na nagpunta sa may gawing ulunan niya at lumuhod sa sahig.

Nanginginig na dumantay ang kamay ko sa noo niya. Nakapikit naman siya habang minamasahe ko ang kanyang noo. Sarap na sarap mister ah.

Nabigla naman ako ng biglang siyang dumilat at hinawakan ang aking kamay.

"Salamat Fel, magpahinga kana alam kong pagod ka din" ngumiti pa siya sakin.
Nakaka-laglag panty talaga ang mga ngiti niya, shet na malagkit.

"Sure, tell me nalang if magpapamasahe ka ulit" dali-dali akong tumayo papuntang kwarto.

"Goodnight" pahabol niya.

I stopped walking without even looking at him.

"G-goodnight din" kandabulol kong tugon.

Nagmamadali na akong pumasok sa kwarto. Balak kong isukat ang mga damit na pinamili namin ni Caramel kahapon. Pagkatapos kong isukat lahat, tama nga si Caramel na bagay sakin lahat ang mga ganoong damit. Magmumukha na rin akong sophisticated kapag nakasanayan ko ang pagsusuot ng ganoon.

Don't forget to vote, comment and follow<3

Love In Disguise Where stories live. Discover now