Chapter 10

36 27 4
                                    

FELICIA SHAYNNE POV

"Tuloy pa rin ang lahat, pero ikaw ang hindi darating sa ating kasal" napakunot-noo ako sa sinabi niya hindi ko kaagad ito nakuha ang gusto niyang mangyari. What the...

"Ibig mong sabihin palalabasin natin na ako ang tumalikod sa ating kasal? Hindi mo ba alam ang sinasabi mo ha, Denarius? Kahihiyan pa rin ang nakataya dito. Anong sasabihin ng pamilya ko? Lalo na ang Papa mo?"

"Makakalimutan din naman nila ang lahat. At least, hindi ikaw ang mapapahiya" paliwanag pa niya sakin.

"Pero sa akin naman magagalit ang mga tao ganoon ba ang gusto mong mangyari?" sarkastikong sabi ko.

"Fel, don't make it hard for me. Lalong bumibigat ang dalahin ng konsensya ko lalo na at naiisip kong papatayin ni Anastasia ang anak ko" agad kong binawi ang kamay ko na nakahawak sakanya, tumayo ako at umalis sa swing saka ko siya tinalikuran.

"Magkaibigan tayo at siguro nga kaya pa naman kitang intindihin" ganito ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig? Ang magpaka-tanga?

"You mean?"

"Sige, hindi ako sisipot sa kasal natin" wala naman akong magawa kundi tulungan siya diba kahit kapalit nito'y pagdurog ng puso ko.

"Totoo?" napakunot-noo ako dahil tila hindi naman siya nasisiyahan sa sinabi ko. Pinaalis ko nalang sa isip yon. Baka guni-guni ko lang e.

"Hindi ko rin naman kayang makisama sa isang lalaking may iniisip na iba" tila natatawang sambit ko.

"Fel"

"I-I'm all right, okay?"

"Sigurado ka?"

"Yeah!" agarang sagot ko.

"Thank you Fel" masayang wika niya. May dinukot ito sa bulsa at inabot sa'kin.

"Plane ticket patungong Siargao. Doon ka muna. Pagbalik mo may trabaho pa ring naghihintay sa iyo. Huwag mong alalahanin sila Papa, ipapaliwanag ko na lang sa kanila ang lahat"

"Planado na pala lahat" sarkastikong sabi ko.

"Tatanawin ko itong malaking utang na loob ang lahat, Fel" ngiting sambit nito.

"Maraming-maraming salamat talaga, Fel ha!"

"Walang anuman. Gusto ko nang magpahinga. Puwede ka nang umalis.
Ako na ang magsasabi sa loob na nagmamadali ka." sabi ko at humakbang papasok sa loob ng bahay. Hindi ko na siya nagawang lingunin kahit tinatawag pa'ko.

Don't forget to vote, comment and follow:>

Love In Disguise Onde as histórias ganham vida. Descobre agora