Chapter 3

52 39 6
                                    

FELICIA SHAYNNE POV

I FEEL like I've lost my energy
"Huwag mo nang intindihin ang damit ko. May dress ako na-"

"Fel, ano ka ba naman? Gusto ko ay ako ang sumagot ng gastos sa isusuot mong damit." Hindi na ako kumibo at ipinagpatuloy ko nalang ang pagta-type sa computer.

"Fel..."

"Hmm?" pa tanong ko na sagot ng hindi man lang siya sinulyapan .

"Yung manliligaw mong si Luke, kinukulit ka pa ba?"

"H-ha?" Napatingin tuloy ako sa kaniya. Pero seryosong-seryoso ang mukha nito.

"Good catch din naman 'yon, hindi ba?" oo kaya lang ayaw ko nun gusto ko ikaw

"Hindi ko siya type!" I suddenly averted my gaze from him. Gusto ko na siyang bulyawan pakiramdam ko tuloy ay ipinagtatabuyan na niya ko at makipagnobyo sa lalaking yun.

"Eh, sino ba ang type mo? Gusto mo, ilalakad kita?" ikaw nga type ko e sadyang manhid ka lang sabi ng isip ko.

"Denarius, puwede ba?" angil ko.

"Fel, you're not getting any younger. Kapag kasal na ako, paano ka na? Wala ka ng escort. Wala ka na ring-"

"I can take care of myself, okay?" Bigla kong naidiin ang pagtipa sa keyboard ng computer.

"Fel" kita ko ang pagkamaang ni Denarius sa naging sagot ko sa kaniya.

"I'm sorry" paghingi ko ng tawad dito sabay agad iwas ng tingin.
"Ikaw kasi, kung anu-anong sinasabi mo."

"I'm sorry. I'm just worried about you."

Pagkasabi niyang yun ay sumunod na sandaling nawalan na kami ng kibuan. Gustong kong pagsisihan kung bakit ko sya nasigawan. Baka nahalata nito ang nasa kalooban ko sa ginawa ko kanina.

"Mauna na ako" wika ko nang sumapit ang alas-singko.

"Ah, Fel"

"Why?" Bahagya ko lang itong nilingon.

"Can we go out tonight?" tonight? as in now?

"H-ha?"

"Kain naman tayo sa labas. Tapos, pasyal tayo sa mall o kaya ay sa park" yaya nito sakin.

"B-bakit?"

"Wala, nami-miss ko lang ang mga dati nating ginagawa" kibit-balikat na sagot ni Denarius sakin.

"Ang drama mo naman" natatawang sabi ko sa kanya bagama't tila ako'y kinakabahan.

"Hindi naman, kaya lang siyempre, kapag nag-asawa na ako ay marami nang maiiba. Baka hindi na natin magawa 'yung mga dati nating ginagawa. Halimbawa'y 'yung panonood ng sine at pagkain sa labas" oo nga no

"K-kailan nga pala ang kasal?" pinilit kung huwag mag-stammer ang boses.

"Next month" sagot niya

Next month na pala malilibing ang puso ko. Just like the good old times, masayang masaya ako sa pamamasyal namin ni Denarius sa mall. Magkahawak-kamay pa nga kaming nag-iikot e. Lalo pa nung kumain kami sa paborito naming restaurant. Ang kulit-kulit ko nun na halos ay subuan na niya ko ng pagkain.

NANDITO kami nga sa store namimili ng kung anu-ano nakatuwaan ko naman siyang i-good time at niyayang pumasok sa department store. Nagtuturo ako ng mga gustong kung bilhin at biniro ko naman itong bayaran ang mga iyon kahit ang totoo ay ako naman  ang magbabayad.

"Oh, bakit? Akala mo ba'y masusubukan mo ako? Hindi no! I'm not a stingy friend kaya, ano?"

"N-nagbibiro lang naman ako e nang magturo ako ng relos at-" alam kung nagbibiro lang ako nun pero diko alam na totohanin nya.

"Asus hindi na, ako na ang magbabayad niyan!"
Agad namang binayaran ni Denarius ang napili kong wristwatch.

"Then the dress you pointed out earlier, let's go back, I'll buy it for you" sabi niya, ang bait talaga nito kaya tuloy ako nahulog

"Denarius” sabi ko nakakahiya lang kase may pera naman akong pambili nun.

"Loka alam ko namang wala ka ng hiya, tsaka bagay na bagay sa iyo 'yon. Lalo kang seseksi" sabi niya sakin na may ngisi sa labi sabay hagod pa nito nang humahangang tingin sa kabuuan ko, saka tumutok sa bandang bahagi ng dibdib kong bahagyang nakalabas. Lumaki ang mata ko ng tumagal ang pagtitig niyo dun.

"Bastos!" kinurot ko naman siya sa tagiliran, aba bastos tong kumag nato ah

"Aray! Nagbibiro lang, eh! Alam mo namang hindi tayo talo, eh!" sabay huli sa kamay ko. Lihim na lihim, tila piniga ang puso ko sa sa huling tinuran niya.

Don't forget to vote, comment and follow:>

Love In Disguise Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt