Chapter 21

27 17 0
                                    

FELICIA SHAYNNE POV

"Fel, I thought ba gusto mo dito" habol ni Caramel sakin palabas sa restaurant.

"Uh-m hanap nalang tayo sa iba, bigla akong nawalan ako ng gana dun kanina e" sagot ko na tuluy-tuloy ang lakad papuntang kotse.

"Anyare girl?" tanong nya pagkasampa sa kotse.

"Sino ba yong tinitingnan mo kanina?" tanong niyang muli.

"Hindi ba paborito mo ang Japanese food? May alam akong masarap na kainan dun nalang tayo" paiwas kong sagot sa kaniya.

"Hey, iniiba mo ang usapan. Sino ba talaga iyon?" pabiro pa niyang hinampas ang balikat ko.

"Ex mo ba o baka naman iyon ang mister mo?" pabirong saad niya at tsaka tumawa.

Hindi agad ako makasagot dahil alam kong tama naman siya. Paano ko ba sasabihin sa kaniya ng hindi ako tuluyang umiyak? Dahil para akong sinaksaksak sa dibdib sa nakikita ko kanina.

"Fel, alam ko naman na faithful ang asawa mo kahit hindi pa kami nagkikita, biro ko lang naman yun" pambawing saad niya, pero sana nga faithful siya sakin.

"Okay lang, totoo naman" pilit ngiti kong saad. Habang diretso ang tingin sa daan.

Nakita ko naman ang pagkunot-noo ni Caramel. Wari'y hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"You mean, si Denarius yun?"

Tanging tango lang ang sagot ko. Hindi ko na kayang magsalita pa dahil malapit nakong maiyak ng tuluyan. Ayoko kong makitang umiyak sa harapan nya dahil alam ko ang kaya niyang gawin, baka isang-araw mabalitaan ko nalang na kalbo na yung bruhang yun. Ayokong masangkot siya problema namin, kahit pa'y nag-alala sya para sakin.

Hindi na muna ako kumibo hanggang sa makaparada ako sa parking space ng Japanese restaurant.

"I-I'm sorry sa nasabi ko kanina Fel, Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Caramel nang hindi pa rin lumabas ng sasakyan.

"Oo, bakit naman hindi" pilit kong pinasigla ang boses ko pero hindi ko na talaga kayang pigilan ang pagtulo ng luha. Iniwas ko kaagad ang mukha ko at tumalikod. Ayoko talagang may makita sakin na umiyak pero ang bigat na ng dibdib ko.

"It's alright, iiyak mo lang yan" hinagod naman niya ang likod ko, na mas lalong nagpapaiyak sakin. Hindi ko na kayang pigilan ang emosyon.

Huminga muna akong malalim bago ko pinahid ang natutuyong luha sa pisngi.

"Okay na ako, don't worry" ngiti kong saad, pero ang totoo hindi talaga ako okay. Ayoko lang na mag-alala pa sya sakin.

"I don't think so" kibit-balikat na saad niya.

"Doon na lang tayo kumain sa condo ko, magpapa-deliver na lang ako" I said. Tahimik naming tinahak ang condo ko, wala ni isa samin ang umimik hanggang sa makarating kami.

Tinext ko nalang ang sekretarya ko upang maghatid samin ng pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay siya namang pagdating ng driver nila. Siguro ay tinawagan o di kaya'y tinext niya ito na sunduin sya.

"Fel, nandiyan na pala driver ko" humalik muna sya sa pisngi ko bago ako niyakap. "Call me if you need anything ah, bukas lagi ang cellphone ko para sayo" she smiled.

"Edi hindi ka nagchacharge kung ganun?" kase nga diba bukas daw lagi cellphone niya pano siya makapag-charge. Kumunot naman ang noo niya, wala namang mali sa sinabi ko ah.

"Ano bang network niyang utak mo gurl, ba't ang hina mong makagets jusko! Kaya hindi ka nagkakajowa e" gago! hindi nga ko nagkakajowa at least nagka-asawa naman. Napahagikik ako sa naisip.

"Tingnan mo na! Tumatawa kanang mag-isa, naku! delikado na yan gurl dapat ka ng patingnan sa albularyo baka na engkanto kana" halakhak niyang sabi na halos maiyak na kakatawa.

"Gago, pinagsasabi mo diyan uwi ka na nga chu! chu!" tulak ko sa kaniya.

"Ito na nga, wag mo naman akong itulak" tumatawa pa siyang tumalikod sakin. Hay buhay, buti nalang ang ganda ko.

Don't forget to vote, comment and follow:>

Love In Disguise Where stories live. Discover now