Chapter 32

23 0 0
                                    

Nagising si Syn sa isang malakas na sigaw sa loob ng pinagkukulungan nilang kwarto.

"Ano 'to? Lumayo ka sa akin! Wag mo akong hawakan!" Sigaw ng isang babae habang hawak ng tauhan ni Emilio ito, nagpupumiglas man ang dalaga ay hindi pa rin ito sapat para makawala sa mga lalaking nakahawak sa kamay at paa nito.

"A-ate, kuya.. Anong nangyayare?" Natatakot na tanong ni Nisha na pumagitna sa kanilang dalawa.

"Kakatay na naman sila ng bagong biktima." Walang emosyon na sambit ni Kael, para itong walang pakialam sa nangyayare ng muli itong humiga sa sahig.

"Wala tayong gagawin?" Tanong ni Syn rito.

"May magagawa ba tayo?" Balik na tanong ni Krunox na nagpatikom ng bibig ni Syn. Tinakpan niya ang mata ni Nisha ng umpisahang hubadan ng mga lalaki ang babae at nangilabot ang buo niyang katawan ng makita si Emilio na papalapit sa isang mesa na para bang katayan.

"I-itigil niyo ‘yan." Sambit ni Syn habang yakap-yakap si Nisha, nakangisi silang nilingon ni Emilio na puno ng pagnanasa ang mga mata.

"Paano kong kayo nalang kaya—"

"Don't you dare, Emilio." Isang baritonong boses iyon ni Krunox, bumangon ito sa pagkakahiga. "Pagsisisihan mo talaga."

Napatalikod ang matanda sa sinambit ni Krunox, muling hinarap nito ang babae habang hawak ang isang patalim para umpisahan ang karumaldumal na kremin sa harap mismo ni Syn. 

"Tulungan mo ako." Bulong ng babae habang nangungusap ang mata nito kay Syn, but she know that she can't do anything to save the girl in front of her. Wala siyang magawa kundi ang ang titigan ito habang nagmamakaawa sa mga lalaking hawak ang kamay nito para hindi makawala.

Guilt swallow her system, pulis siya at may isang kremin na nangyayare sa mismong harapan niya pero wala siyang magawa kundi ang tingnan ito dahil kahit sarili niya ay hindi niya mailigtas. Pinikit niya ang kaniyang mga mata na para bang nararamdaman niya ang sakit ng pagsigaw ng babae. Mahigpit na napayakap sa kaniya si Nisha kaya sinubsob niya ito sa kaniyang dibdib habang tinatakpan ang dalawa nitong tenga.

Unti-unting sinugatan ni Emilio ang pulsuhan nito, "ahhhh!!!!!" Tili ng babae na umiiyak na sa sakit na nararamdaman, they are turtoring her. Napalabi Syn habang impit na pinikit ang mga mata dahil sa tinis ng pagtili ng babae.

"Mama..." Hiyaw nito ngunit unti-unti ng nanghihina ang dalaga, nakalingon ito sa gawi ni Syn habang nagkatagpo ang mga mata nila at napako ang kaniyang tingin sa mga mata nito.

She can see the unbearable pain in her eyes, magkahalong galit at pagmamakaawa ang emosyong nababasa niya sa mga mata nito. Parang binubulong ng mga mata nito na ipaghiganti niya ito dahilan para muling makaramdama

"Stop turtoring yourself, Syn." Suway ni Krunox pero hindi siya nakinig, pinagmasdan niya ang paglandas ng butil ng luha sa pisngi nito dahilan para muli siyang makaramdam ng pout sa kaniyang puso.

No one deserves that kind of pain.

Parang dinudurog ang puso niya ng makita unti-unting pumikit ang mga mata nito, para siyang nakaramdan ng takot sa maaaring kahihinatnan nila ni Nisha sa kamay ng mismong ama nito.

Marcus, asan ka na ba? Bilisan mo.

"FUCK OFF, BOGART." Hindi maiwasan ni Marcus ang mapasinghal ng makita ang buong katawan ni Bogart na halos puno ng bulletproof, dalawa ang pinagsampaw nito sa katawan na para bang takot na takot itong mamatay.

Well, wala naman talagang kasiguraduhan ang kanilang pupuntuhan. One thing that I am sure. I'm burning the flame of war.

"Mas mabuti na ito kaysa naman mamatay ako, gusto ko pang makita ang binhi ko kaya hindi ang gulong ito ang papatay sa akin. Sisiguraduhin ko iyon." Kinasa nito ang baril at hinalik halikan ang dulo nito.

THE PSYCHOPATH CRIMINALS   (Under Revision)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu