Chapter 14

57 11 0
                                    

"Sir, nandito na ho ang gamot nyo." Sambit ng isang nurse habang kumakatok sa pinto.

Hindi sumagot si Krunox sa halip ay nanatili itong tahimik at walang imik na nakatingin sa kisame, rinig niya ang pagbukas ng pinto.

"Did I give you a permission to get in?!" Pasigaw nitong sabi sa babae, nanginginig ang tuhod ng babae habang nakatayo.

"Utos po ito ni Ma'am Vienna sir." Magalang na sagot nito.

Pumasok ito at nilagay sa maliit na table malapit sa kama niya, walang ano ano man ay agad na lumabas ang nurse sa kwarto niya.

Bumangon ito at hinarap ang gamot na araw araw niyang iniinom.

"Could this pills remove the pain? Could this pills cure me from this syndrome?" Sambit nya habang hawak ang isang garapon ng gamot.

"Carbamazepine? Lithium? Magagamot kaya nito ang sakit na nararamdaman ko." Pagak na tumawa mag isa si Krunox.

Humiga siya ulit sa kaniyang kama sabay tuon ng tingin sa kisame gaya mg lagi niyang ginagawa. Tumatawa siya habang may mga alaala ng asawa at anak niya, Ang naging gamot niya.

"Kasalanan lahat yun ni Marcus." Bulong niya habang tumatawa

"Kasalanan lahat yun ng barumbadong iyon, siya ang dahilan kong bakit kayo namatay! Siya ang dahilan kong bakit kayo nawala sa akin, siya ang dahilan." Sigaw nito.

"Happy birthday mommy! Happy birthday mommy! Happ-"

"Ahhh!!!!" Sigaw ni Krunox habang hawak ang sariling ulo, patuloy pa rin ang pagpapakita ng masalimout na alaala sa utak niya.

"Marcus! Bagalan mo lang ang pagpatakbo!" Sigaw ni Bette, ang asawa ni Krunox.

"Marcus tinatakot mo na si Elyse!" Sigaw ulit nito habang yakap ng mahigpit ang anak nito.

"Hindi, pagnakuha kayo ng mga gustong maghiganti sa akin, Sasaktan nila kayo." Sambit ni Krunox na pilit pinapakalma ang asawa, Sapo Sapo nito ang sugat sa tagiliran.

"Kuya..." Nilingon sya ni Marcus na may halong takot sa mga Mata.

Nakita niyang napapalibutan na sila ng ng mga kotse, nang mga taong may atraso siya dahil sa organisasyon. Kahit na namimilipit sa sakit ay hinawakan ni Krunox ang manubela bago nilingon ang asawa't anak.

"I'm sorry." Tanging sabi niya bago hinila pakabila ang manubela dahilan para mabangga ng kotse ang barrier at dumeritso sa tubig ang kotse.

Dahan-dahan ang paglubog ng kotse habang pumapasok ang tubig sa kotse ay rinig niya ang pag iyak ng asawa niya at anak. Lumapit siya sa backseat kong saan ang mga ito, patuloy lang ang pagpasok Nlng tubig sa kotse.

"Marcus, save them." Sambit nito.

"Unahin mo ang anak at asawa ko." Dugtong niya na may halong pagmamakaawa sa kapatid.

"Hindi. Hindi." Tarantang sambit ng asawa niya habang yakap nito ang anak.

Unti unting lumalabo ang alaalang nagpapakita, ang huling nakita niya ay ang paghalik sa kaniya ng asawa niya.

Naramdaman na lamang ni Krunox ang pamamasa ng mga pisngi nya, kapagkuwan ang pinalis niya luhang pumatak sa kaniyang mata at hibang na tumawang mag isa.

"Mahal, Krunox, asawa ko. Kain na." It was Bette, inaayos ang hapag kainan.

"Daddy, masarap tong niluto ni mommy." Sambit ng anak niya habang umaakyat paupo sa mataas na upuan.

Agad siyang tumakbo papalapit sa mga mga ito, pero parang bulang naglaho ang mga ito ng makalapit siya, it's just a figment of his love one's, fade away like an ash.

THE PSYCHOPATH CRIMINALS   (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon