Chapter 1

11 1 0
                                    


What the f*ck?!





(3rd Person's Point Of View)

Este Yohan Deweler, isang dalaga na ang hangarin lamang sa buhay ay komportableng buhay para sa kanya at kanyang Mama.

Pumunta siya Maynila upang mag hanap ng trabaho para mapagamot ang kanyang Nanay na nasa probinsiya.

Naglalakad, nang nakakita siya ng tarpaulin sa isang bakanteng lote.

Wanted: Maid

18 Years Old and Above
Contact us: 09*********

Nagmistulang bituin ang kanyang mga mata at agad na nag type ng numero na parehas ng nasa tarpaulin.

"Hello po?" Bati niya ngunit walang pa'ng sumasagot. "Hello?" Ulit niya.

"Good morning Ma'am/Sir, may I know your concern?" Sagot sa kabilang linya.

"Hiring parin po ba kayo?"

"Yes, yes po. Isa nalang ang slot na natitira. I'll send you the location."

(Este's Point Of View)

"Sige po!" Sigaw ko sa telepono kaso pinatayan na ako at sinend na ang location ng numero na tinawagan ko.

Agad ako'ng naghanap ng taxi at buti mayroon pa akong natitirang pera pambayad.

Nang makababa na ako sa taxi ay bumungad saakin ang isang mansion. Agad akong sumilip upang tingnan kung may tao ba rito.

"Ano ho yun?" Tanong ng isang guard.

"Mag a-apply po sana ako."

"Apply?" Nagtataka siya.

"Maid po, kasambahay" tumango ako.

"Ah" tumango siya pabalik "masyado ka naman'g maganda, akala ko bisita ka eh."

"Ah, hindi naman po" natatawa na nahihiya ako.

"Tara dito sa guard house, ipapatawag ko lang si Mrs. Tores"

Agad ko siya'ng sinundan. Pinaupo muna nila ako sa loob at maya maya ay may isang babae na naglalakad. Nakasuot siya ng uniporme ng kasambahay.

"Hello, kamusta po" tumayo agad ako nang salubungin ako.

"Ikaw ba ang tumawag saakin kanina?" Mukha siyang mataray, nakakatakot.

"Opo" tumango ako.

"Sigurado kaba sa trabahong ito?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Opo! 100%!"

Tumango lamang siya at nagtanong ng ilang katangunan gaya ng "Tapos ba ako ng highschool".

"Hindi po, Grade 9 palang ho ang natapos ko, pero balak ko po ituloy ang pag aaral ko pag nakaipon ako."

Tumango lamang siya at nagtanong pa ng iba pang mga tanong. Maya maya pa ay binigyan niya ako ng form at agad ko itong sinagutan.

Daig pa ang nag a-apply sa isang kompanya. Pero hindi ko naman masisisi kung talagang mayaman ang may ari nito.

Sinabi niya na rin na 15k pala ang sahod per month pero 10k panimula. Grabe naman! Talaga'ng makaka ipon ako nito!

Ito na ata ang simula ng pangarap ko.

"Puwede ka nang magsimula bukas, bumalik ka bukas at dalhin na ang mga gamit mo" sambit niya.

Sinabi niya saakin na stay-in daw ako at may sari sariling kuwarto. Sinabi niya rin saakin na pang 20 ako sa mga kasambahay rito. Sabi niya pa nga na swerte ako dahil ang dali ko lang nakapag apply rito dahil pumunta ako agad.

Our Secret Affection Where stories live. Discover now